Chapter 1: My First Love and My First Heart Break

1972 Words
Natalie's POV Ako si Natalie Marize Concepcion, 13 years old, first year high school pa lang. Today is my first day being enrolled in our own school. Pagmamay-ari nga namn pero hindi ko pinagsasabi ng kung sino-sino dahil for sure, magkakaroon ako ng atensyon sa publiko o kaya special treatment. Ayoko nun. Gusto ko simple lang. Isinuot ko na ang palda ko na mas malaki pa ang waist line kay mama at kuya dahil sa taba kong 'to, tapos yung blouse naman. Nagsuklay na rin ako and to match up my look, sinuot ko yung eyeglasses ko. And, viola! Ngumiti ako sa salamin kaya nakita ang pink kong braces. Todo pa cute pa ako pero tinigil ko na dahil baka biglang mabasag lang. Sayang naman. In short, pangit ako, lampa pa hindi tulad ng kapatid kong si kuya Lance Concepcion. Gwapo, matalino, mabait at athletic. Saan ka pa. He's 4 years older than me, first year college na siya ngayon. Haaiist move on na nga lang at baka ma-late na ako sa school. Excited much pa naman. Hihihihi. "Bye baby. Pahatid ka na sa kanila at magpasundo na rin okay?" "Mom, di ko naman kailangan ng bodyguards eh. Malaki na kaya ako." "Nope. You're still our baby. Now, now wag ka na makulit. Di ka kasi mahahatid ni kuya mo kasi may basketball training siya agad kaya mauna ka na lang. Okay baby?" "Alright mom." at siyempre dahil masunurin akong bata, umalis na rin ako matapos humalik sa pisngi ni Mommy. *** Andito na nga ako sa labas ng gate. "NATS!!" lumingon ako sa tumawag sakin. Si Larisa pala. Ang kaisa-isa kong bestfriend at kaibigan dito sa school mula nung elementary. "Oh?" "Oh lang talaga?? I misshhuuuuuu!!" tapos bigla niya akong niyakap. Aga-aga, ang hyper neto. Hahaha. "Nako, nagkita pa tayo kahapon. Ang adik mo Lars. O siya, miss na rin kita. Tara na nga sa loob." Tapos ayun, naglakad na kami papasok ng school, etong school po namin ay ang mga mayayaman lang ang pwede makapasok kumbaga, school for elites. Nasa second floor ang room namin kaya umakyat na kami tas pumasok sa classroom at kung swerte nga naman talaga oh. Si James mylabs!! Waaaahh ang gwapo niya forevs!!! "Hoy te, wag mo tunawin. Magtira ka naman para mamaya." "Tse. Wag ka na maki-epal diyan eh hanggang tingin lang naman ako noh." "Pssh. Ang hopeless romantic mo. Ayaw pang umamin eh. " Umupo kami sa may likuran at dahil pasimple ako, tumabi ako kay kras. Oo na ako na talagang humaharot. Onti lang naman at hanggang tabi lang eh. Wahahaha. Sa kaliwa ko naman ay syempre, si Larisa. Dumating na si ma'am maya-maya at nag-welcome samin etc.. the usual introduction. Alam niyo na 'yun. Nag ring na rin ang bell. Ayun. lunch na. Inayos ko na ang mga gamit ko at ready ng umalis ng may naramdaman ako kumulbit sakin ng tatlong beses. Kulit naman nito ni Larisa, masyadong atat. "Teka lang Lars eto na-------James???? Uh-uh... m-may kailangan ka?" si.. KRAS KO!! Nasa likuran pala ni James si Larisa at nakangiting aso. "Ah oo. Gusto mo sabay na tayong mag lunch?" Tanong ni James sakin. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Larisa. Nag-thumbs up naman siya tapos biglang tumakbo na palabas kaya naiwan kami. Yes!! Wala ng ibang choice! "Ah.. sige ba.. saan?" tanong ko kay James "Sa McDo sana. Treat ko. Okay lang ba?" nakangiting tanong niya kaya lumitaw yung isa niyang dimple sa left. Ohmygulaayyy ang gwapoooooooo! "O-oh sige.."-sabi ko. Totoo na kaya to, niyaya niya ako. Hayy. Lumabas na kami ng classroom na magkatabi at narinig ko yung mga bulung bulungan. "Yukk, tingnan mo. Si papa James kasama yang pangit na yan."-girl 1 "Oo nga, yang baboy nayan. Ang kapal ng mukha."-girl 2 "Talaga."-girl 3 Alam ko naman eh. Napayuko nalang ako ng magsalita si James. "Wag mo silang pansinin, insecure lang yan kasi ikaw ang kasama ko at hindi sila tsaka hindi ka naman pangit. Infact, you're cute. "sabi ni James tapos ngumiti pa siya. Namula ako sa sinabi niya kaya yumuko lang agad ako matapos ko syang ngitian. *** ~~~1 month later~~~ Palagi ng sumasama samin si James at may halo na ring panliligaw. Ang saya ko rin syempre at dumating ang araw na tinanong niya ako para maging girlfriend niya at syempre pumayag naman ako tas eto ang saya saya ko na. di ko talaga inakala eh, umuwi agad ako sa bahay para ibalita kina mama at kuya. "Nandito na po ako." tapos nakita ko sina mommy at kuya sa kitchen nag me-meryenda kasama si.. daddy.. nandito na pala siya.. palagi kasi siyang busy ng business niya sa korea at... hindi niya ako masyadong gusto.. no, hindi niya talaga ako gusto. Si kuya yung paborito niya because he's the perfect son. "Good evening po mommy."-nakipag beso ako kay mommy tapos ti-nap ko lang yung shoulders ni kuya. "Annyeong hashimnikka appa"(good evening dad) tapos nag bow ako. Nag nod lang si dad.Umupo narin ako. "Umm.. mom.. dad.. kuya.. ano kasi.."-ako "Speak english or korean Natalie."-cold na sabi ni dad tapos ininom yung korean tea niya. "Mianhamnida uppa..(sorry father)"-sabi ko. "Uhh.. I have a boyfriend already." Masayang balita ko sa kanila. Kay mom and kuya specifically. "Really??"-masayang sabi nina mommy at kuya. "I'm so happy for you unnie!"-tapos nginitian pa ako ni kuya. Tumingin ako kay dad, di naman ako nag expect ng kung ano sa kanya kaya kumain nalang ako ng nagsalita siya. "You'll just regret it, he will just hurt you. Mark my words."-sabi ni dad. Sabi na nga ba eh. Tumayo na siya at pumunta sa living room tapos tumayo narin ako para pumunta sa room ko sa taas. "That's okay Nats. Intindihin mo nalang si dad."-kuya. Ngumti lang ako sa kanya. "Thanks kuya." then umakyat na ako sa taas. *** ~~~The next day~~~ James' POV Nandito ako ngayon sa classroom kasama ang mga barkada ko. Sina Eric, Jhun, Rey, Robert, Eunice at Bianca. Sina Eunice at Bianca umiinom ng juice na nasa bottle. "Pano ba yan, napasagot ko si pangit kaya akin ng mga 5000 niyo."-ako "Eto na nga."-sabay sabay nilang sinabi. Haha. Meron na akong 30 thousand salamat kay tabachoy. Pinagpustahan lang namin siya. "Talo na kami, oo na"-Eric "Di naman namin inakala na papayag ka sa pustahan natin na mapasagot si pangit ng di aabot ng dalawanag buwan."-Rey Natalie's POV Malapit na kami ni Larisa sa pinto ng classroom namin ng may narinig kaming nagtatawanan. "Talo na kami, oo na."- si Eric yun ah yung isa sa mga barkada ng James ko. Hehe. Papasok na sana si Larisa pero hinawakan ko muna yung kamay niya it binigyan ko siya ng wait-lang-look. Tumango lang siya. "Di naman namin inakala na papayag ka sa pustahan natin na mapasagot si pangit ng di aabot ng dalawang buwan."-Rey "Oo nga pre, ibang klase ka talaga."-Robert.. yung puso ko.. parang tinutusok ng isang matulis na bagay at nag blur narin ang paningin ko. Mapapaiyak na ako. Binuksan ko yung pinto at tumingin lahat sila sakin. "Bakit mo ginawa sakin to James.. wala naman akong ginawang masama sayo ah.."-pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mata ko gamit yung kanang kamay ko. Alam ko lahat ng kaklase ko ay nakatingin sakin. I'm such a mess. "Bakit, sa tingin mo ba may magmamahal sa isang katulad mo?"-sabi sakin ni Eunice tapos tinginnan ako mula ulo hanggang paa. "Oo nga naman, sa tingin mo may seseryoso sayo? Capital W.A.L.A. dahil P.A.N.G.I.T ka!"-sigaw sakin ni Bianca. "Hoy! tigilan mo nga si-"-pinigilan ko si Larisa "Ok lang Lars... Huwag mo ng patulan.." mahina kong sabi. wala naman talaga akong laban sa kanila eh. Napansin ko na lang na nasa harap ko na sina Eunice at Bianca tapos binuhos yung dalawang botelyang juice na hawak hawak nila. "'Yan ang bagay sayo, basura! hahahahahaha"-Bianca. "HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAA"-tawa ng ibang barkada at yung ibang mga kaklase. Tiningnan ko si James. Hindi siya tumatawa, nakatitig lang siya sa amin. Napaiyak nalang ako lalo. Ganito naman talaga palagi. Ako lang yung palaging talunan sa huli. "SIGE! TAWA LANG KAYO!! SANA MABILAUKAN KAYO NG MGA LAWAY NIYO AT IKAW!!" humarap siya kay James. "WALA KANG KWENTANG TAO! ANG SAMA NG UGALI MO! MAGSAMA KAYONG LAHAT!" sigaw ni Larisa. "Halika na Nats, yaan mo na yang mga walang yang mga yan. Wala yang magawa sa buhay."-tapos hinila ni Larisa ang kamay ko papalabas at pumunta kami sa rooftop. Umiyak lang ako ng umiyak dun kahit malagkit pa ang katawan ko dahil sa juice. Hindi kami pumasok sa morning classes namin. "Bes.. uwi na ako ha.." "Sige. Hatid na kita." "Hindi, wag na. Kaya ko na. Sige. bye. Tinext ko na driver namin." "O sige bes. Text moko pag nasa bahay kana ah?" tumango lang ako at nauna na si Larisang bumalik. Tapos ayun.. maraming tumatawa saking mga estudyante pag dumadaan ako sa hallway. Pagkalabas ko ng gate may ilang mga babae ang nandun. Nilampasan ko sila pero may isang humawak sa kamay ko. "Tabachoy, saan ka pupunta?" si Eunice pala. "U-uwi na.. bitawan mo na ako please.." "Ops ops ops. Teka lang."-Bianca "Ano bang kailangan niyo?"-mahina kong tanong. "Eto lang naman." Sinampal niya ako ng malakas. Napaaray ako. "Ba.. ba't mo ginawa 'yun..?" "Eh gusto lang namin eh, angal ka?" Tapos ayun.. pinagsasampal nila ako, alam kong dumudugo na yung labi ko. Di naman ako makalaban kasi lampa ako.. at madami din sila. Napapikit nalang ako sa sakit dahil tila namamanhid na ang pisngi ko. Why is the world so cruel to me. Too cruel. "HOY! TIGILAN NIYO NGA YAN! HINDI NA KAYO NAAWA!" may lalaking sumigaw. Napatingala ako dahil nakaupo na ako dito sa semento. Takot pala yung mga babaeng yun sa gwapong lalaki yun. Meron din siyang kasamang limang lalaki. Yumuko ako dahil nakaka-intimidate sila. Baka pala i-bubully rin ako ng mga 'to.. "Miss ok ka lang? Teka, dumudugo ang labi mo." sabi niya at may kinuha sa bulsa. Isang panyo. Yumuko siya para maka-level ako at pinunasan bigla ang labi ko kaya napatingin ako sa mukha niya. Sa mata rin. Ang ganda naman ng mga mata niya. Overall features, ang gwapo niya. After a while, tinulungan niya ako patayo. "Um.. okay na ako.. Salamat." "Pwede bang malaman ang pangalan mo?" "Natalie.." Tumango siya at ngumiti. "Payo ko lang. Sa susunod wag kanang magpaapi sa mga katulad nila. At Tyler nga pala."-sabi niya. Tumingin ako sa likod. Naglakad narin sila papalayo sa kabilang direksyon. "Salamat.. Tyler.." *** "Good afternoon young lady"-yung mga maids. Nag smile lang ako at pumasok sa bahay. I'm a big mess. Nakita ko si Mommy at Daddy sa living room nag-uusap. "Hi Mom, Dad."nag bow lang ako ng onti. "What happened baby?"-tanong sakin ni mama. Worried talaga yung mukha niya. "Uhh.. we um.. broke up and.. I got bullied.. again." "Oh baby are you---" Hindi nakatapos si mommy sa sinabi niya kasi nagsalita si daddy bigla. "That's because you're weak. You don't know how to fight back."-sabi ni daddy with no emotions. Dumagdag pa siya. "...and your fat and ugly." Sanay naman ako na nilalait pero ngayon.. kay dad pa galing.. tripleng sakit lang. Tumulo na naman 'yung mga luha ko. "Stop that! Nats, umakyat ka na sa taas. Magiging okay rin ang lahat.."-sabi ni mommy tapos ngumiti siya. Kahit kelan talaga hindi ako matatangap ni Dad. Bahala na. "You're going to Korea tomorrow. Nakakahiya ka sa sarili nating skwelahan."-sabi ni Dad. "Okay.." yun lang nasabi ko at umakyat sa kwarto, naligo, nagbihis tapos umub-ob na.. at umiyak ng umiyak.. so I'm leaving my country huh?? Wala rin akong magawa. He's the rule at parang.. gusto ko na rin. Bakit ba ganito.. feeling ko lahat nalang ng tao ayaw sakin.. ang sakit.. Gusto ko pagbalik ko magiging mas matatag na ako at babalikan ko yung school ko.. ....ng hindi na nagpapa api.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD