Chapter 6: Chapter 6:Back to The Philippines

1054 Words
Natalie's POV Panalo kami. " I have to go now boys, see you later. " tas nag flying kiss pa ako. Bahala na, ngayon lang naman ‘tong paglalandi ko. Hahaha. Pumunta na kami ni Grace sa itaas. Nakaupo na silang lahat dun. Pagkakita ng twins sakin, tumayo sila. "Looks like you guys won." Jasmine "Congratulations." Jessica Nag smile sila pero makikita ko paring na disappoint din sila. "Thank you." kami ni Grace tapos nakipag shake hands sila. "We'll see you guys later. It was a nice game." sabi ko at ngumiti lang ng slight. "And it was nice meeting you too." dagdag ni Grace. "It was nice meeting your g**g too. Boys, lets go." sabi ni Jasmine at Jessica. As usual isesend lang naman nila sa bank account naming ‘yung panalo. Aidan's POV Nako po, ang ganda ng prinsesa kong si Grace tapos nagsilabasan na ang Ferocious g**g pero may naiwang isa. Yung Alfred na titig ng titig kay Grace KO. “May I see you again Grace?" sabi nung Alfred. Hala hindi pwede uy. "Umm. O---" di ko pinatapos si Grace at pumunta ako sa tabi niya. “Goodbye bro, it was nice meeting you. Goodnight." sabi ko. Tapos binuksan ko yung pinto para sa kanya at nag hand gesture na pwede na siyang lumabas. He glared at me. Pshh. Paki ko. Lumabas na rin siya at paglingon ko.. "Awee possessive!" sigaw nina Samuel at Michael. "Ang protective ng playboy natin ah!" Dominic "May knight in shining armor ka na." Nats. "Tumigil nga kayo!” Grace "Tigil daw, nag b-blush ka eh. Pati ‘yang lalaki sa tabi mo." Sabay tingin sakin ni Natalie. "Naman Nats eh! Di kaya!" Nag pout ang prinsesa ko at napasulyap sakin bago umiwas ulit. Ang cute. "Huwag ka ngang mag pout dyan, baka di ko na mapigilan ang sarili ko eh." Banat ko pa. "Tse! Tigilan mo ako ah! Di maganda biro mo!" pero namumula siya kahit madilim pa ditto. Uy, tumalab. "Di nga naman ako nagbibiro." "Oh sige na, mamaya na yan lovebirds. Alis na tayo.” Istorbo ni Michael asungot na wala kasing lovelife. "Nagsalita si Mr. Serious." Samuel "Tss." Michael *** The next 3 days… BTG Headquarters… Natalie's POV Eto kami ngayon, naglalaro ng baraha at nanonood ng TV. Past 2 days, nakipag meet kami sa ibang mga gangs at syempre nakipagbakbakan na naman at kami din naman ang panalo kaya pahinga na kami ngayon. Nag ring bigla phone ko. "Hello?" (Hello Sweety. Kamusta ka diyan?) "Okay lang naman. Do you need anythin mom?" (Meron talaga. Dito ka sana mag-aral pagka third year high mo sa skwelahan natin.) "Pero pano na po ang g**g ko?" (Edi dito narin sila sa Pilipinas mag-aral, pero ayoko na sana na malaman ng school natin na ikaw ang leader ng Black Tiger g**g, can you keep it as a secret?) "I'll try Ma, ayoko rin na malaman ng ibang studyante na anak niyo ko." (Why not?) "Basta Ma, ayoko din ng special treatments. Wag niyo ng sabihin kay Larisa na uuwi kami, ako nalang ang magsasabi." (Okay sweety. Papasundo ko kayo ng private jet natin tomorrow morning. Bye. Love you.) "Bye mom. Love you too. " then I hung up. "Anong sabi Nats?" tanong ni Grace. "We are going back to the Philippines." "TALAGA?!" silang lahat. "Kailan?" tanong ni Michael. "Bukas. Sige sigawan niyo pa ako, babatukan ko kayo tig-iisa." "Bakit naman Nats?" Samuel "Dun na daw tayo mag-aaral, eh kung ayaw niyong sumama edi okay lang. Tatawagan ko si Mommy." Tas akmang kukunin ko ulit phone ko. “Pwede ba naman yun? Mawawalan kami ng leader niyan? Sasama kami.” Pagtigil ni Dominic sakin. "Oo nga." Aidan "One for all, all for one!” isa pa ‘tong si Grace. "Pero hindi pwede malaman ng school na ako si Black Tiger Princess o kaya na ako ang tagapagmana ng school." "Bakit?" silang lahat. “Gusto kong maranasan ang normal na buhay ng walang special treatment. Privacy for us. Maraming tutuon sa atin na ibang g**g. Safety na rin na hindi nila malalaman na uuwi ang g**g natin sa PInas.” The next day… Eto na nga. Tumungtong na ang jet namin sa grounds ng Pinas. Maya-maya pa ay isa-isa na kaming nakalabas at nakatapak ulit ang paa ko sa lugar na minsan ko ding iniwan at binalikan ngayon. "Hello Philippines! " sigaw ni Grace. Natalie's Mansion… "Welcome home young lady and welcome to the Philippines Black Tiger Gang." bati ng mga maids naming. Nasa likod ko din ang mga ka g**g ko. "Thank you." sabi namin at pumasok na sa loob, dun nakita ko si Mommy at si Kuya sa living room. "Hello Mom, Bro." Nag smile naman silang dalawa sakin nagyakapan kami ng mahigpit. Syempre miss ko din sila. "Hello po tita, hello din Kuya Lance." bati nina Grace, Samuel, Dominic at Aidan. "Hello naman hija at mga hijo." sabi ni mom at nag smile din siya sa kanila. Si kuya din nilapitan sila tig-iisa at nagpakilala. "Upo muna kayo bunso."' sabi ni kuya. 2 years na nga ang nakalipas simula ng makabalik ako dito at bunso parin ang tawag sakin. Umupo naman ako at sumunod sila. "Manang dalhan mo nga kami ng meryenda dito." sabi ni kuya. "Sige po sir." sagot naman ni manang. At maya maya lang ay dumating na si manang na may dalang slices ng cake at orange juice. Nagkuwentuhan naman kami at nakikita kung okay naman sina kuya at mommy sa mga ka g**g ko. Tangap nila ako sa pagiging gangster ko pero si Dad? ewan ko lang. *** Gabi na, tumira naman yung mga ka g**g ko sa rest house nina Dominic dito maliban kay Grace. Nandito kasi ang mga magulang ni Grace nakatira kaya doon na siya pumunta. Nandito na ako nakatingala sa kwarto. Ilang weeks nalang at magsisimula na ang klase. Gaya nga ng pangako ko noon sa sarili. Babalikan ko school ko noon at may balak din akong hanapin ang lalaking nagtangol sakin noon nung sinaktan ako ng mga babae. Ewan. Di ko makalimutan eh. Nasakin pa nga ‘yung panyo niya. Makikita ko kaya siya? Bakit kaya gusto ko siyang makita? Siguro curious lang o interesado talaga sa pagkatao niya. Bahala na muna. Goodbye Korea and Japan. Hello again Philippines.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD