INSENSITIVE

2279 Words
Chapter 8 By Joemar Ancheta (PINAGPALA) --------------------------------------- Second Year na kami noon nang may transferee galing sa Manila na si Juvie. Sa unang araw pa lang, may naramdaman na akong kakaibsa sa mga tingin at sulyap ni Bryan kay Juvie. Hindi ko man gusto yung nararamdaman kong pagseselos ngunit wala naman akong maaring gawin kundi ang tanggapin na ganoon talaga. Sino ba naman ang hindi magka-crush sa maputi, magaling pumorma, seksi, matangkad at magandang kagaya ni Juvie? Alam kong wala akong panama sa kagaya ni Juvie. Kahit sa paraan ng pagsasalita walang-wala ako. Kahit nga ang ihambing ang sarili ko sa kagaya ni Juvie ay wala akong karapatan. P. E. namin noon nang magkatabi kami ni Bryan at napansin kong panay ang titig niya sa tumatawang si Juvie kasama ng kanyang mga kaibigan. Nasasaktan pa rin naman ako kahit batid kong hindi naman dapat. Ako, panay ang lingon ko kay Bryan. Si Bryan panay din ang titig niya kay Juvie at ganoon din si Juvie kay Bryan. Kung susumahin, nasaan ako sa equation? Sila ang nagkakatitigan at nagkakangitian samantalang ako ay naroon lang sa tabi at pinagmamasdan silang dalawa. Pakiramdam ko hindi ako nag-eexist. Pakiramdam ko hindi ako bahagi ng mundong kanilang ginagalawan. “Uy, ano? Bakit bigla kang natahimik diyan?” siniko niya ako sabay abot sa akin ang isang balot ng chocolate. “Wala?” maikli kong sagot. “Oh ‘kala ko fav emo ‘to?” inabot ko pa rin ang ibinibigat niyang chocolate. Sayang e. “Ano nga? Bakit parang natatahimik ka lagi.” “Kulit naman ne’to. Wala nga.” “Wala ba talaga?” “Wala nga, ano ka ba?” “Alam mo maganda rin pala yang si Juvie ano?” “Oo naman. Bakit? Crush mo ‘no?” “Luh crush agad?” “Yung totoo?” Tumitig siya sa akin. Ngumiti. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa ngiti niya sa akin. “Sus crush mo lang e.” “May masama ba? Sa mukhang ayaw mo naman sa akin e.” “Ano? Pati ako pinagti-tripan mo ng ganyan.” Namula ako pero alam ko namang biro lang yung sinabi niya. Kung half meant man ang biro, alam kong yung sinabi niya wala lang talaga ibig sabihin. “Ligawan mo kaya si Juvie?” banat ko muli. Umaasa akong sagutin niya ako ng hindi niya gagawin. “Seryoso ka? Tinutulak mo ako para ligawan siya?” Napalunok ako. “Oo, bagay kaya kayo. Sosyal at mayaman ka, gano’n din siya. Kayo kasi yung nakikita kong magka-level. Bagay na bagay kayo.” Huminga siya ng malalim. “Pansin ko, parang close yata kayo niyang si Juvie.” “Mabait naman talaga siya. Kung gusto mo siya, ligawan mo na at baka maunahan ka pa niyang si Jayson.”  “Yang kupal at mayabang na Jayson na ‘yan? Naku, ingat kayo diyan, bait baitan lang ‘yan pero alam ko ang baho ng ugali niyan.” “Talaga? Para namang hindi. Napakabait kaya niya.” “Kababata ko ‘yan at kaibigan ko dati kaya alam ko ang totoong ugali niyan.” Kumunot ang noo ko. Kilala ko kasi si Jayson na tahimik, matalino ngunit maangas. Hindi kagaya ni Bryan na magulo, maingay at mapagbiro sa klase. Tulad ng sinabi ko, matalino naman talaga kaso tamad lang mag-aral. “What about you?” “Anong about sa akin?’” “Kung may manliligaw ba sa’yo, sasagutin mo?” “Second year pa lang tayo. Wala pa sa isip ko ‘yan.” “Let’s say, you like this person so much, siya yung pangarap mo. Siya yung gustung-gusto mo.” “Hindi pa rin?” “Bakit naman?” “Bata pa nga tayo. Pag-aaral muna ang aatupagin ko. Ito lang kasi ang alam kong paraan para guminhawa ang buhay namin ni Nanang.” “Paano kung mayaman naman yung manliligaw mo? Kung isang bilyonaryo.” “Kahit pa bilyonaryo.” Huminga ng malalim si Bryan. “Kahit pa mahal mo?” “Kahit pa mahal ko. Uunahin ko muna ang pag-aaral ko. Mas mahalaga kasi sa akin ngayon ang makatapos sa pag-aaral e.” “Why?” “Anong why?” “Kash it doesn’t mean naman na kapag may boyfriend e nangangahulugan na iyon ng pag-aasawa. Kung sasagutin mo siya, hindi naman ibig sabihin na titigil ka na sa pag-aaral hindi ba?” “Hindi naman kaso…” “Kaso ano? Madi-divide ang atensyon mo?” “Oo. Mawawala yung focus ko. Ayaw kong masira ang pag-aaral ko dahil lang sa pag-ibig ‘no.” “So, you don’t wanna try?” “Try? Bakit kailangan bang tina-try ang relasyon?” “Why not? We are on the stage of exploring.” “Well, I am not on that stage yet.” “Wow, ikaw ba ‘yan. Nag-i-english ka na rin ha?” “May konting baon na rin.” “At yop of our class ka naman e. So you must be good.” Ngumiti siya sa akin at tinititigan na naman niya ako. Yung titig na parang gusto niyang angkinin ang aking kaluluwa. Ganoon siya kapag tumitig sa akin. “Alam mo kasi Kash, naniniwala kasi ako na by experience, mas madami tayong matutunan na lesson sa buhay. So kung ayaw mong mag-try, anong experience ang mapagdadaanan mo? Paano mo malalaman yung tama at mali, yung dapat at hindi at yung masaya sa masakit?” “Ang experience kusang darating. Hindi naman iyan basta tina-try lang. Daratind din naman ako sa puntong ganyan. Hindi pa siguro ngayon.” “Then, when?” “Hindi ko alam basta ayaw ko munang sumagot sa mga manliligaw ko. Ayaw ko munang magpaligaw, ayaw ko na munag seryosohin ang pagmamahal. Basta, ayaw ko pa.” “Kahit sa akin?” Namula muli ako lalo na nakatitig na naman siya sa aking ng diretsuhan habang sumusubo siya ng chocolates. Nakita ko naman ang makinis, maputi at maamo niyang mukha. Hindi ako sumagot. Ibinaling ko sa iba ang aking tingin. “Ano, kahit ba ako ang manligaw sa’yo hindi ako papasa?” Kinakabaha na ako. Lumalakas at bumilis ang t***k ng aking puso. “Kahit ako ang manliligaw sa’yo wala pa rin?” inulit niyang muli. Hindi pa rin ako nakasagot. Bumuntong-hininga siya. “Okey, kung ayaw mo, then can you at least make me a love letter for Juvie?” “Ano? Ako ang pinagagawa mo ng love letter kay Juvie?” “Why not? Ayaw mong magpaligaw e di manligaw ako ng iba.” “Seryoso ka?” “Bakit naman hindi ako seryoso. You are good at it.” “Bakit ako ang gagawa at hindi ikaw? Ikaw itong manligaw ah.” “Ayaw mo?” “Hindi naman sa ayaw pero bakit ako pa?” “Kung ayaw mo, ako ang gagawa at ibbibigay ko sa’yo.” “Tapos ako ang magbibigay sa kanya?” “No, the letter that I’ll write is for you.” “Hindi pa nga pwede.” “E di gawan mo na lang ako ng sulat for Juvie.” “Hindi ako marunong.” “Hindi ka marunong o nasasaktan ka lang?” tinignan niya ako. Parang may sinusukat siya sa aking pagkatao. “Ayaw mo dahil nasasaktan ka at nagseselos?” “Hindi no. Bakit naman ako masasaktan? Bakit naman ako magseselos?” Pinangatawanan ko ang pagsisinungaling ko. “Then prove it. Kung magawan mo ako ng letter, ibig sabihin okey lang sa’yo na manligaw ako ng iba. Na hindi ka nagseselos o nasasaktan. Ano gagawan mo na ba ako ng love letter?” “Okey sige na, oo na.” “Talaga?” “Oo. Mamaya, after ng Filipino natin, gagawa at ibibigay ko ang love letter mo kay Juvie.” “Sure na ‘yan ha?” Huminga ako ng malalim. “Sure.” Para pa akong nasamid. “Okey. Thank you. Asahan ko ‘yan ha.” “Oo na,” sagot ko. Halatang naiinis. Tumayo siya. Bumuntong-hininga at umalis sa tabi ko.  Kaya kahit nasasaktan ako ay ginawa ko pa rin ang hiling niyang gumawa ng love letter para kay Juvie. Naging malapit kasi si Juvie sa akin kaya naisipan niya sigurong gawin akong tulay. Naisip ko rin na sinubukan niya ako para malaman kung may nararamdaman ako sa kanya at ako na mismo ang magsabi na hindi pwede dahil gusto ko siya. Masakit man pero alam ko namang suntok siya sa buwan. Nararamdaman ko man na gusto na niya ako. Na baka pwede namang maging kami pero natatakot ako. Lagi kong naiisip ang sinasabi ni Nanang tungkol sa mga kagaya niyang mayayaman. Sapat na sa akin ang ganito. Tanggap ko naman e na hanggang tropa lang kami. Yung tanong nga niya sa akin kanina ay hindi ko alam kung seryoso siya o dala lang ng kanyang kapilyohan. Alam ko kasing gano’n siya sa aming mga kaklase e. Pa-fall. Minsan nga iniisip ko, kaya siguro naalangan rin ako sa kanya dahil sa alam ko namang  amoy putik ako. Hindi nga ako makabili ng shampoo o conditioner. Sabong panlaba ang ginagamit na panligo. Rubber band lang ang pinapantali ko sa mahaba at maitim kong buhok. Kumakalam ang sikmura dahil minsan walang mabaon na pagkain. Mabuti nga nang dumating si Bryan, hindi ko na pinoproblema ang miryenda ko sa recess. Lagi siyag may dala para sa akin. Bumuntong-hininga ako nang nilingon ko si Juvie. Hindi naman talaga ako magugustuhan ni Bryan kasi siguro sa wala akong nailalagay na kahit anong kolorete sa mukha ko, hindi gaya ni Juvie na pusturang-pustura kahit pareho lang naman kami ng uniform. Isa pang kinadehado ko ay ang katigasan kong kumilos dala na rin ng  pagtratrabaho ko sa bukid. Malayo sa kilos at pagsasalita ni Juvie. Tanggap kong kahit kailan, hindi ako magiging kasinlambot niya. Hindi kasimputi, hindi kasimbango ngunit lalaban naman ako sa tangkad, kaseksihan at ganda ng mukha, idagdag pa ang talino. Akala ko hindi ako masasaktan kung tuluyan nang ligawan ni Bryan si Juvie kasi inihanda ko na ang aking sarili at itinam ko na sa isip ko na uuhanin ko na muna ang pag-aaral bago ang pagmamahal. Oo, mahal ko si Bryan. Minsan nga gusto ko na rin maniwalang baka nga gusto rin niya ako ngunit alam kong hindi pa napapanahon. Bata pa ako para magmahal o pagbigyan ang puso ko para tuluyang umibig. Isa pa, natatakot ako. Sa madalas na pangaral ni Nanang sa akin natatakot akonng magaya kay Nanang. Ayaw kong masisira lang ako ng dahil sa pagmamahal sa isang maykaya. Nang madalas na silang magkasama at nag-uusap ni Juvie nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Masakit pa rin pala. Sobrang sakit sa akin lalo na kapag nakikita kong nag-eefort talaga siya para sagutin siya ni Juvie. Hanggang isang araw ay lumapit sa akin si Bryan sa silong ng mangga habang ako ay nagbabasa ng hiniram kong pocketbook sa kaklase ko. Nginitian ko siya. “Kumusta na ang panliligaw?” Buntong-hininga ang itinugon niya. Isinara ko ang pocketbook na binabasa ko. “Oh anong nangyari sa’yo?” “Hindi raw niya ako gusto, e.” “Binasted ka ni Juvie?” “Oo e.” huminga siya ng malalim. “Gano’n? Bakit daw?” “Anong bakit daw? Kailangan ko pa bang tanungin kung anong dahilan? Hindi ba sapat na yung ayaw niya sa akin?” “Ang init naman ng ulo. Hayaan mo na, madami namang iba diyan. Bata pa naman tayo.” Bumuntong-hininga siya. “Hindi naman siguro sa ayaw niya sa akin. Ramdam lang niyang mag iba akong gusto.” “Ano? May iba kang gusto?” “Oo ramdam niyang may iba.” “Sinabi mo ba sa kanya? Inamin mo na meron?” “Nanliligaw ako, why should I tell her na meron nga.” “E paano niya naramdaman? Paano naman niya nalaman na meron nga.” “Ramdam niya yun,.” “Ramdam niya pero ako na best friend mo nga hindi.” “Yun na nga e. Nararamdaman niya, pero yung gusto ko lang talaga ang mukhang manhid.” “E, di sana ligawan mo lang yung gusto mo talaga.” “Ayaw niya?” “Oo, ayaw niyang magpaligaw. Ewan ko, pinaselos ko na’t lahat lahat. Hindi pa rin makaramdam. Isa pa, wala pa raw yata siyang balak mag-boyfriend e.” “Ah parang ako lang.” “Oo parang ikaw lang! Ewan ko sa’yo. Do’n na lang muna ako. Hindi ka masayang kausap.” Tumayo siya. “Hoy, ang arte mo, Bryannnn! Anong ganap? Ang arte mo!” Ngunit nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad palayo. Mabilis kong inilagay sa loob ng bag ko ang pocketbook na binabasa ko. Tumakbo ako. Mabuti at naabutan ko pa siya. “Anong arte yon?” natatawa kong tanong sa kanya. “Anong arte? I am not. I am just frustrated for your being insenstive” “Sandali nga. Mag-usap nga tayo.” Hinawakan ko ang braso niya. Hinila ko siya hanggang sa upuang semento. Umupo ako. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko. “Ikaw talaga, para kang babae. Ang dami mong kaartehan?” “Ako parang babae? Ikaw manhid.” “Manhid? Paano ako naging manhid?” “Gusto kita! Mahal na nga yata kita e! bakit hindi mo maramdaman? Bakit ayaw mo pang aminin na gusto mo rin ako Kash!” Namilog ang aking mga mata. Parang sumabit ang aking paghinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD