EVERYTHING I HAVE

1454 Words

CHAPTER 56 Napayuko ako. Dama ko ang lahat ng sinabi niya. Naroon ang katotohanang hindi ko kayang itanggi. Nang sasagot palang sana ako ay biglang tinawag ang pangalan ni Heine sa entablado. “Kilala ka rito?” “Dito kami madalas kumakain ni Daddy. Nakasanayan na kasi nilang kapag nandito ako ay kailangan kong umakyat sa stage para kumanta. Di mo naitatanong, may boses ako. Dati si Daddy at si Mommy lang at mga kaibigan nila ang kinakantahan ko ngunit ngayong gabing ito, ikaw at ikaw lang ang gusto kong kantahan.” “Wow, talaga? Pinakikilig mo naman ako niyan. Dali na, hinihintay ka na yata oh?” Tumingin si Heine sa stage at sumenyas siya ng sandali lang kaya may kumanta na muna at ipinagpatuloy niyang sabihin ang kanyang mga gustong sabihin. “Bahagi ito ng aking panliligaw.” Kumindat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD