Chapter 49 “Okey Heine. Nice meeting you.” Bilang isang taong may pinag-aralan ay tinanggap ko na lamang ang kaniyang kamay. Nang magkadaop-palad na kami ay naramdaman kong may kakaiba siyang pisil. May init…may kahulugan. “Heto ang book mo. Thank you.” “Salamat naman at may isang salita ka.” “Oo naman. Mahalaga sa akin ang word of honor. Okey mukhang nagmamadali ka. I guess, see you around?” Nang kinuha ko ang libro ko ay tumalikod na ako. May mga sinasabi siya ngunit hindi ko na pinansin pa. Wala rin naman akong balak na pagbigyan siya. Word of honor, word of honor ka pa! Ulol. Kilala ko kayong mga guwapo at mamayaman. Masarap magmahal ngunit nang-iiwan. Pagkatapos ng klase ko ay nakita ko na agad siyang nag-aabang sa akin. Hinawakan ko na ng mahigpit ang aking mga gamit. Nagtama

