IMAGINATION

2184 Words
Chapter 10 By Joemar Ancheta PINAGPALA --------------------------------------- Iyon na pala ang paraan ng pagsasabi niyang pagod na siyang hintayin na maging kami.Ngunit paano naman maging kami kung hindi naman na siya nanliligaw. Ngunit sana naramdaman niya kung gaano siya kaespesyal sa akin. Oo, siya ang madalas manlibre at magdala ng pagkain sa akin. Sa kanya ko natikman ang mga pagkaing sa hinagap ko ay hindi ko pa natitikman. Siya ang pumupuno sa mga bagay na salat ako. Mga karanasang ni sa hinagap ay hindi ko akalaing matitikman ko at mararanasan. Siya ang tanging nagbibigay kulay sa malulungkot kong mga araw. Siya ang tanging ngiti ko sa araw dahil alam kong sa gabi ay makaririnig uli ako ng mga pambubulyaw at pangmamaliit ni Tatang sa akin. Namimiss ko siya sa tuwing nakikita ko ang waiting shed at wala siyang naghihintay sa akin. Yung kanyang mga pagkaway sa akin suot ang kanyang shades. Yung napakatamis niyang ngiti. Yung kanyang amoy mayaman na pabango. Sa school ay ganoon rin. Nakikita ko siya ngunit hindi niya ako nakikita. Nakakasalubong ko ngunit hindi ako kinakausap. Iisa lang ang room namin ngunit hindi niya ako pinapansin. Nasasaktan ako dahil parang hindi na niya ako kilala pa. Noon, lahat ay walang reklamo kong tinutulungan siya sa kanyang pag-aaral. Kahit anong assignment o project namin na kaya ko ginagawan ko siya kasi iyon lang ang paraan para maipakira ko sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin. Kulang na nga lang ako ang sasagot sa kanyang examination paper e. Hindi ba niya pansin na paraan ko iyon para ma-appreciate niya ako? Hindi ba niya nakikita kung gaano kalagkit ang aking mga tingin? Hindi ba niya nararamdaman kung gaano ako kasaya sa tuwing kasama ko siya? Hindi ba niya batid ang aking pagtatangi sa kanya? Ang ginawa niyang pagkakaroon ng iba ang unang pagkakataong nasaktan ako ng husto kahit alam ko namang wala akong karapatan. At dahil doon, lumabas ang ibang ugali na meron din pala ako. Ang aking pagiging palaban. Oo, mahirap ako ngunit matapang at malakas ang loob ko. Lahat ng hirap ay kaya kong harapin. Hindi ko inaasahan na masusubukan ang tapang ko sa ngalan ng pag-ibig. Kailangan kong lumaban. Kailangan ko siyang mabawi sa kahit anong paraan Mula nang iniwasan ako, ang second year na girlfriend niya ang siya na niya laging kasama. Ang babaeng iyon na rin ang kanyang kaangkas sa umaga at sa hapon. Tuwing dumadaan sila sa akin ay tinitignan ko sila. Umaasa na sana matapunan niya ako ng kahit pandaliang sulyap man lang sana. Ngunit wala. Nilulunok ko ang aking mga luha. Tinitiis ko ang sakit. Sobrang sakit din pala talaga ang masaktan sa pag-ibig kahit sabihin pang wala naman akong ipinaglalaban dahil hindi ko naman talaga siya naging boyfriend. Hindi ko siya sinagot noong nagsabi siya. Tama nga ang desisyon kong pag-aaral na lang muna? Sa classroom kahit pa magkatabi kami sa isang subject hindi rin naman kami nagkakausap. Nagbago siya. Biglang napansin kong medyo nagpabaya na siya sa kanyang pag-aaral. Tuluyan na rin siyang bumitiw sa school paper bilang Artist namin. Hindi na rin siya active sa mga subjects namin kung saan siya magaling, siya kasi ang pambato namin sa Math at Chemistry. Ramdam kong hindi naging magandang impluwensiya ang bago niyang girlfriend sa kanya. Minsan nga nagka-cutting classes na rin siya. Lihim na tumatakas para lang makasama niya ang kanyang girlfriend. Masakit dahil lihim ko pa rin siyang mahal ngunit lahat ng sakit na nararamdaman ko ay sinasarili ko na lang at sa diary ko na lang sinusulat ang lahat. Punum-puno ang isip at puso ko ng pagtatampo at sakit ng loob sa kaniya dahil pati pagkakaibigan namin ay tuluyan nang nawala. Hindi naman kailangan maisakripisyo iyon. Hindi naman kailangang iwasan niya ako. Ngunit madalas ko pa rin siyang nahuhuling nakatingin sa akin sa malayuan at bago ko pa man siya mangitian ay ibabaling na niya sa iba ang kanyang tingin. Bagay na ipinagtataka ko. Ngunit kahit balik-baliktarin, may girlfriend pa rin siya. Alam kong mahal rin naman niya ang babaeng iyon. Kung bibigyan at bibigyan ko ng dahilan ang kanyang mga panakaw na tingin, maging kawawa lang ako. Aasa lang ako sa wala. Si Mika na girlfriend niya, pinanindigan, ako…pa’no naman ako? Dahil hindi ko kinakaya ang aking pagseselos naisip kong gumanti sa kanya. Kailangan kong gumawa ng isang bagay para lang mapatunayan kung talagang hindi na niya ako gusto. Naisipan kong sagutin ang ibang manliligaw ko. Gusto ko rin kasing subukan magkaroon ng boyfriend baka sakaling mapansin na niya ako. Baka doon ay maramdaman niya ang kahalagahan ko. Isa pa, gusto ko ring malaman kung kaya ko ring magmahal sa iba at hindi lang dapat sa kaniya iikot ang mundo ko. Naging lihim na kami ni Jason na kaklase ko at barkada niya noon. Gusto kong maramdaman din niya yung sakit ng ginawa niya sa akin. Ngunit kahit patago ang sa amin ni Jayson alam kong nakakaramdam na noon si Bryan. Hindi lang niya ako matanong ng diretsuhan dahil may girlfriend na siya. Ngunit kapag nahuhuli niyang magkasama kami ni Jayson ay galit siyang nakatingin sa akin. Ngunit kahit boyfriend ko si Jayson ay si Bryan pa rin ang gusto ko. Siya ang pinangarap kong makasama, siya ang gusto kong unang makahalikan at mayakap. At minsang may District Sportfest kami at kailangan naming umalis sa school ng tatlong araw at matulog sa isang classroom sa bayan ay kami ang nagkasama ni Bryan. “Kashmine, boyfriend mo na ba si Jayson?” diretsuhang tanong niya noon sa akin. Nakaupo ako noon sa bench at nanonood sa mga nag-eensayo ng volleyball. Hindi ako sumagot ngunit alam kong alam na niya iyon dahil nakita niya ang paghatid sa akin ni Jayson at ang pagsipit nito ng sulat sa bag ko nang pasakay na kami ng jeep. “Akala ko ba bata pa tayo at pag-aaral lang muna ang aatupagin mo?” tanong niya muli nang hindi ko sinagot ang nauna niyang tanong. “Kaya nga ako binasted mo hindi ba? Kasi nga ayaw mo pa?” Hindi pa rin ako sumagot. Tahimik lang ako. Gustung-gusto ko siyang sisihin. Nais kong ipamukha sa kaniya na ang hina-hina niya, na bakit hindi niya ako magawang suyuin at ligawan. Kung mahal niya ako, sana ipinaglaban niya ako, sana man lang sinuyo niya ako kahit isang buwan. Hindi naman ako parang monay sa tindahan na kapag binili mo agad-agad mo nang makakagat. Isa akong parang alagaing halaman na kailangan pagbuhusan ng panahon at pagmamahal para tuluyang mamulaklak, mamunga hanggang sa puwede na akong pitasin. “What the hell? May kausap ba ako? I have been asking you questions at ni isa wala kang sinasagot? Kashmine ano ba?” “Para saan pang sagutin kita Bry? May girlfriend ka na, hindi ba?” “Oo may girlfriend ako dahil nga sinabi mo sa akin na hindi ka pa handa.” “Kung hindi man ako handa, dahilan na ba iyon para kahit pagkakaibigan natin ay kalimutan mo ng gano’n gano’n na lang?” “I asked a permission. Huwag mong sabihin na hindi moa lam.” “Alam ko, at anong gusto mong sabihin ko. Na ayaw ko? Kung mahal mo ako, dapat naisip mong hindi pwede.” “You should have at least tell me.” “At bakit ko naman sasabihin. Alam mo na dapat iyon.” “Alam ko dapat? You’re just insensitive.” “No, I am not. You are!” “Look, alam mong hindi lang pagkakaibigan ang gusto ko. Habang magkaibigan tayo, habang lagi tayong nagkakasama, ako yung nahihirapan, ako yung nasasaktan kasi mahal kita, mahal na mahal kita pero hindi tayo pwede kasi ayaw mo. Kasi pag-aaral ang mas mahal mo. Kaya ako nagka-girlfriend para sana, kahit papaano ay maibsan yung sobrang nararamdaman kong pagmamahal sa’yo. Baka sakaling kausapin mo ako. Baka naman sa paraang ganoon ay malaman mo ang kahalagahan ko sa’yo. Kash, kahit ayaw kong magpabaya ay ginawa ko kasi nagpapansin ako! Bakit ba ang manhid mo?” “Ako? Manhid? O baka naman ikaw. Bry, kulang pa ba? Wala ka rin bang naramdaman? Ang lahat ng oras ko, ibinibigay ko sa’yo. Sa tuwing kailangan mo ako ng kahit anong tulong, hindi kita binigo. Kulang na nga lang sagutin kita ng oo para maging tayo pero mahina ka. Ang hina-hina mo.” “Okey, ako na ang mahina! Ako na ang mali!” tumayo siya. Namumula ang kanyang mga mata. Halatang may mga gusto pa sana siyang sabihin ngunit mas pinili niyang itikom ang kanyang mga labi dahil baka natatakot na umiyak siya sa harap ko. Umalis siya sa harap ko na naiinis sa akin. Hindi ko alam kung anong karapatan niyang gawin iyon samantalang barkada lang niya ako. May girlfriend na siya, siya ang unang sumuko sa aming dalawa. Anong tingin niya sa aming mga babae? Parang accessories na puwede lang niyang pagsabay-sabaying isuot sa kaniyang buong katawan? Nang ilang oras ang nagdaan ay naabutan ko sila sa aming classroom. Kailangan kong kumuha ng babasahin kong pocketbook na hiniram ko kay Juvie. Dahil maingay ang mga kasamahan namin at hindi rin naman ako makasabay sa kanilang mga pinag-uusapang mga gadget,  mga palabas sa TV at mga nilalaro nila sa kanilang mga cellphone kaya nagdesisyon akong lumabas na muna at sa labas na lang ako magbasa at magpahangin. Kapag pala mahirap ka, walang cellphone at walang TV sa bahay ninyo, pakiramdam mo, huli ka lagi sa mga kung anu-anong palabas at bagong in. Hindi mo alam kung sino ang mga pinag-uusapan nilang character sa mga teleserye. Walang kang alam kung ano ang latest na balita kay Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Mga simpleng usapan sa umpukan ngunit wala akong naiintindihan. Hindi lang naman iyon ang problema ko. Higit na lalo ang mga basic needs na dapat meron ang lahat. Ako, para lang akong katulong nila o alalay. Napapasama lang naman ako sa mga ganoon kasi naaawa ang mga guro ko sa akin. Ni wala nga akong pambili ng miryenda ko at naghanap pa ng teacher ko ng mahihiraman para may maisusuot akong sapatos ngayon. Mabuti na lang at may nagbigay ng bagong sapatos sa akin na di naman nagpakilala. Sponsor daw niya pati ang mga bagong susuotin ko sa palarong iyon. Mabuti at may magagandang loob na handang tumulong sa kagaya kong walang-wala. Alam ko may hangganan din ang kahirapan. Magtatagumpay ako. Masasabi ko rin sa lahat na I’ll be that girl na nagtagumpay sa kabila ng sobrang kahirapan sa buhay.   Pinagmasdan ko na lamang ang bituin sa langit nang mapagod ang mga mata kong magbasa sa Precious Hearts. Pumikit ako sandali. Taimtim na nangarap. Sana kahit isang gab imaging si Cinderella ako at darating ang aking Price Charming na magpapagaan sa buhay ko. Kahit isang gabi lang na maramdaman ko kung paano maging prinsesa. Hanggang sa nadala na ako. Nakapasok na ako sa kaharian. Pakiramdam ko nakasuot ako ng magarang blue na gown. Yung suot ni Cinderella sa pelikula. Yung kumikintab? Hinayaan kong tuluyan akong magumon sa pangarap na iyon. Sa paraang ganoon kasi walang sumusukat sa pagkatao ko. Walang kumukutya sa kahirapan ko. Libre kong ini-enjoy ang aking mga pangarap. Doon ay malaya akong maging sino. Walang tumatawa kung may mga bagay akong hindi alam sa pinanood nila. Hindi ko gustong buksan ang aking mga mata. Gusto kong maging ako sa kahit sinong gusto ko. Huminga ng malalim. Kung sino ang lalaking lalapit sa akin habang nakapikit ako iyon na ang Prince Charming ko. Hindi ko bubuksan ang mga mata ko hangga’t walang lalaki na lalapit sa akin at kakausapin ako. Lima ang alam kong kasabay namin ni Bryan dito sa sportfest na may gusto sa akin. Blangko pa kasi ang mukha ng Prince Charming sa aking imahinasyo. Ako na si Cincerella, kulang na lang si…   “Anong ginagawa mo rito?” “Prince Charming ko? Dumating ka na nga sa buhay ko? What took you so long?” naibulalas ko. “Are you crazy?” tumawa ang lalaki.  “ Nagsesenti ka na naman dito mag-isa no?” pamilyar na boses iyon. Dumilat ako. Hindi nga ako nagkamali. Si Bryan.  “Akala ko naman yung Prince Charming ko na.” “Prince Charming? Hindi mo naman kailangan ng imaginary kung magpakatotoo ka lang.” “Oh akala ko galit sa akin? Anong ginagawa mo rito?” “Nagtatampo hindi galit. Magkaiba iyon.” “Mabuti naman at kilala mo pa pala ako kung wala sa tabi mo ang girlfriend mo.” “Oo naman, bakit naman hindi?” “Sus kunyari ka pa, sa school parang hangin langa ko sa’yo.” “Siyempre, umiiwas lang ako pero bakit naman kita makakalimutan e ikaw ang unang babae na minahal ko.” Bumuntong-hininga siya. Tumabi sa akin. “Minahal? So, ibig sabihin hindi mo na ako mahal?” diretsuhang tanong ko. Bahala nang isipin niyang malandi ako o isipin ng girlfriend niya na ahas ako basta madiskartehan kong ilaban ang dati naman talaga sana ay akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD