CHAPTER 52 “Pwede ba kitang makausap?” “Hindi na ba makapaghihintay sa dinner natin?” “Hindi. Gusto kong magkaliwanagan tayo ngayon. Gusto kong makilala mo ako bago mo pa ako mahalin ng husto.” Huminga siya ng malalim. “Gusto mong magbago ang isip ko kaya gusto mong sabihin sa akin anng sa tingin mo ay maayawan ko sa’yo.” “Exactly. Niyaya mo akong kumain, pumayag ako dahil sa kakulitan mo. Hanggang sa dinala mo agad ako sa inyong bahay, ipinakiusap sa Yaya mo para mas makilala pa kita ng husto at nagkunwari na may naiwan na damit ang pinsan mo ngunit ang totoo ay namili ka na dati pa ng ibibigay mo sa akin dahil siguro nakikita mong luma na at out of fashion ang mga isinusuot ko kapag hindi tayo naka-uniform. Those were not coincidences at all. You really plan for it. You are doing al

