A Misunderstanding

1200 Words
Jade's Point of View "...i'm gonna head to the theatre club now." Paalam ni Ruben. "O-Oh. Sure, bye." Yun lang nasabi ko at umalis na siya. Napatingin lang ako sa kanya habang papalabas na sya ng pinto ng classroom. It's been like this for weeks now. Sumali sya sa theatre club without telling!!-- well, not like he needs to pero i'm his best friend right? Pakiramdam ko parang malayo na talaga si Ruben sa akin. "Woah, you guys are acting like those couples that's about to break up." Biglang salita ni Bella sa'kin. "What!? Sinabi ko na sayo dati na hindi nga kami magjowa ni Ruben." Sabi ko sa kaniya. Napangiti lang si Bella at isinuot na ang bag nya. "I know, sinasabi ko lang. See ya tomorrow!" Then umalis na rin sya sa classroom. Napabuntong hininga na lang ako at umalis na din sa classroom. As i got to my locker, napangiti ako dahil pagkabukas ko may panibagong supresa nanaman si August para sa akin. He gave me a small box of heart shaped chocolates. Meron ding sticky note na nakadikit dito. He said that 'You should smile more often.' Kumuha ako ng isang piraso at kinain ito. It's so sweet! Then it had this strawberry filling na mas lalong nagpasarap sa tsokolate nito. "Thanks August, you're the best!" I whispered while munching on another chocolate. Sana naman magpakita na sa'kin 'tong si August para majowa ko na sya-- char! Hahahaha! Pero seriously, i wish i can see him already and thank him for all the gifts he gives me this past weeks. Habang naglalakad, napatingin ako sa pinakadulong pintuan sa hallway. Alam ko doon ang theatre club eh. Gusto ko sanang silipin si Ruben sa ginagawa nya at para mabigyan ko din sya ng chocolate na 'to, kaso nagdadalawang isip ako. Mamaya ayaw nya pala ako makita. I continued to walk away. But as i realized that i kinda miss hanging out with him, i suddenly turned around and went straight to that club. At nang nasa harapan ko na ang pintuan ng theatre club, medyo nagdadalawang isip pa ako kumatok. The hell with this, ba't kinakabahan na 'ko dahil kay Ruben? Si Ruben lang naman yan! Nang dadapo na ang kamay ko sa pintuan para kumatok, napahinto ako dahil biglang nagflash sa isip ko na ang mukha ni Ruben na naiirita. Magagalit kaya sya kasi nandito ako? Binaba ko ang kamay ko at aalis na lang sana ulit nang biglang bumukas ang pinto ng club. Nagkatinginan kami nung lalaki na lalabas pa lang sa club na 'to. "Uhm, hi? Do you need something?" Tanong nya. "U-Uhh, ano... uhh..." putek! Aalis na sana ako eh! "Hm?" Shet, ang awkward naman kung sasabihin ko na aalis na lang ako. Pero... tanungin ko na kaya sya tungkol kay Ruben? Tanungin ko lang sana kung busy si Ruben. "I-I uhh... um... is Ruben-- " then i was cut off when someone suddenly showed up looking for this guy i'm talking to. "Neil, sabi ni pres pahiram daw ng microphone." And it was actually Ruben. "Mamaya na pre, may kausap ako dito." Sagot ng lalaki na 'to. And as both of their eyes landed on me parang gusto ko na maglaho. Nagkatinginan kami ni Ruben, nagtaka ang hitsura nya ng makita ako. "Jade? Ba't ka nandito?" Di ako nakasagot kagad dahil umepal naman 'tong Neil na 'to. "Woah, is this your girlfriend Ruben? Ikaw ah~ di ka man lang nagsasabi na may cute girlfriend ka." Namula ako sa nasabi ng lalaki na 'to. Cute? Ako!? But Ruben began to deny it. "No she's not, she's my friend." I automatically pouted when i heard him say that i'm just his friend. Gusto ko sabihin sa kanya na "i'm your best friend! You forgot to add the word 'best'! It's best friend, not friend!!!" Lumaki ngiti nung Neil at naglahad ng kamay nya. "Dapat kanina mo pa sinabi! Hi ulit, ako nga pala si Neil Sanchez! Kasama ako ni Ruben sa club na 'to, can i know your name?" Napakindat pa sya sa akin. "Uhh, the name's Jade Garcia-- kakamayan ko sana si Neil ng kunin ni Ruben ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya. "Umalis ka na nga Neil, kunin mo na yung mga props na pinapakuha ni pres." Bigla naman nagsungit si Ruben kay Neil. Napanguso lang si Neil. "Tch, ang kj naman nito. I was just trying to get to know her better..." nang mapatingin sa akin si Neil ay ngumiti nanaman sya at kumindat sa akin. "...anyways, see you later Jade!" At umalis na din sya sa wakas. Nang kami na lang ni Ruben ang naiwan, tinanong nya ako as expected. "So what are you doing here Jade?" "Tsk, ito oh." Tas nilahad ko sa kanya 'yung box ng chocolates na binigay sa akin ni August. Napataas ang kilay nya dito. "Saan mo naman nakuha yan?" "Binili ko, kumuha ka na." I offered. Tas kumuha naman sya ng marami at kinain ito. "Ito lang ba pinunta mo dito?" Damn that cold attitude of yours. Inirapan ko sya at inilayo na yung box dahil malapit na nyang makalahati yung laman. "Yayayain sana kita magmeryenda sa mall, kaso wag na lang pala." Then i heard him chuckle. "Miss mo na 'ko noh?" Sa nasabi nyang 'yan, my eyes kind of teared up. Napayakap na lang ako sa kanya bigla. "Bwisit ka talaga!! Malapit na talaga kita masapak kasi di mo na ko pinapansin!! Lagi ka na lang kasi nag-aaral or busy sa club na 'to!!" Pasimple kong pinunas yung luha at sipon ko sa uniform nya bilang ganti sa di nya pagpansin sa'kin hehe. Then he suddenly sighed and messed my hair up. "Akala ko din ayaw mo na sa'kin, lagi mo na lang ako sinusungitan eh. Kaya i decided to give you some space." Ahh... akala ko din ayaw nya na sa'kin dahil iniiwasan nya ko. Sinuntok ko sya ng mahina sa sikmura. "Tss, panget mo kasi!" Biro ko. Ayaw ko din kasi sabihin sa kanya kung bakit ako nagalit sa kanya. I really hate the fact that he was keeping secrets from, tas bigla na lang din sya sumali sa club na 'to kaya di na kami masyadong magkasama. Mas lalo akong nagalit dahil parang pinapabayaan nya na ang pagkaibigan namin. But i'm so stupid to assume things like that. Even though it felt like we were drifting apart, he still cares about me as his best friend. So i guess i'm letting this slide since meron din akong sikreto. "What the!? Jade!!! You covered my uniform with your snot!!" Reklamo ng nakita nya uniform nya. Napangisi ako at binelatan sya. "Pinaiyak mo ko kaya ginawa kitang panyo! Be grateful na lang dahil pinatawad na kita." Sagot ko. He gave me an annoyed look pero napangiti na lang din sya sa akin. "Fine... so, wanna hang out this saturday?" Lumaki ngiti ko. "Hell yeah! Libre mo ah!" "Lul, dala ka ng pera mo!" Damn, i miss this. "Eeeeh, Ruben naman!" "Libre ko na sana kaso pinunas mo pa sa'kin sipon mo!" "EH!? Sorry na! Libre mo na kasi-- then our moment was interrupted by someone. to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD