"Brethren, if anyone among you wanders from the truth, and someone turns him back,
Let him know that he who turns a sinner from the error of his way will save a soul from death and cover a multitude of sins."
James 5:19-20
~
Iniisip ko ang gabing 'yon, kung saan pumasok at nakitulog ako sa isang payag. Hindi kaya... 'yon ang sinasabi ni Sean? Na isang komunidad na na-infect at dinala sa Mantalongon?
Naningkit ang mga mata ko at lumundag sa isang bato sa may sapa. Malinaw ang tubig at mabagal ang agos kaya hindi ako nahirapang tumawid. Nag-angat ako ng tingin sa mataas na bundok na ilang metro na lang at maabot ko ang paanan.
Ang bundok Lanaya, kung saan nagtatago raw doon ang batang pinaghahanap ng otoridad. Gusto kong ako ang unang makakita sa bata at maprotektahan siya mula sa mga baril. Ayokong may mamatay na naman dahil sa VV at wala akong ginawa para mapigilan.
Kahit na alam ko na para sa ikakabuti ng lahat ang gagawing pagbaril sa bata, pero ang pagkitil sa isang buhay na nagsisimula pa lang ay isang kasalanan. Naghahanap ng lunas ang gobyerno at baka sa mga susunod na araw, makita na nila ang lunas.
Sadyang takot ang gobernador na mas kumalat pa, pero sana... maisip niya rin kung gaano kahalaga ang isang buhay ng tao.
Ni hindi siya niluwa lang nang basta-basta. Binigyan ang tao ng buhay mula sa Diyos na makapangyarihan sa lahat.
Kaya walang sinuman ang may karapatang kumitil ng buhay.
"Angela!"
Napalinga-linga ako sa paligid.
"Angela!"
Nangunot ang noo ko sa narinig. Umikot pa ako. Huminga ako nang malalim at tinungo ang direksyong nasa harap ko pero... bigla na lang akong lumiko. Hindi ko alam kung bakit. Parang gusto ng mga paa kong lumiko at tahakin ang isang daan papasok sa mas masukal na bahagi ng gubat.
Walang tao sa paligid. Puro mga ligaw na d**o at mga puno. May ilang puno ng niyog akong nakita at ilang puno ng saging pero kadalasan, mahogany at gemelina.
Walang daanan na nalikha, ibig sabihin, walang nagsusuot sa bahaging ito ng gubat. Pero makaraan ng ilang minuto, napansin ko ang ilang nahawing d**o sa iba't ibang direksyon at nagkaroon ako ng kutob na may dumaan dito.
Mas pinatalas ko ang mga mata at inalerto ang pakiramdam. Humigpit ang hawak ko sa strap ng backpack at maingat na hinawi ang mga damong nakaharang sa daan.
"Aray!"
Umatras ako nang may mahawakang matulis na tumusok sa hintuturo ko. Pagtingin ko sa harap, mga damong may malalaking tinik. Nang tingnan ko ang ilalim ng mga 'yon, nakita kong may mantsa ng dugo. Nakagat ko ang labi at muling nagpalinga-linga. Pinakiramdaman ko ang paligid pero walang galaw. Maski hayop ay wala.
Umatras ako, tumalikod, at naghanap ng isang kahoy. Muli akong bumalik at gamit ang putol na kahoy, hinawi ko damong matinik. Maingat akong dumaan sa bahaging 'yon at nang makalampas ay gano'n na lang ang pagkunot ng noo ko.
Nakita ko sa harap ang isang kakapatay palang na haling. May usok pang lumalabas mula sa napatay na apoy sa maliit na bonfire. Nagpalinga-linga ako at wala akong makitang tao. Mukhang nakarating na dito ang mga guerillas. Tumakbo ako pahabol sa isang baboy-ramo na nakita kong kumakain sa malayo.
Sinundan ko ang hayop hanggang makita ko ang hangganan ng gubat. Akmang lilibutin ko ng tingin ang hangganan pero nakarinig ako ng putok.
"Ravena! Doon ka sa direksyong 'yon! Hunse! Bilisan mo! Dapat mauna tayo sa Air Force. Malaki ang perang nakapatong sa ulo ng batang 'yon!"
Napadapa ako nang may magkakasunod na putok na baril.
"Hunse! Ba't mo tinuluyan si Boss?"
"E, ang ingay-ingay. Alam mo namang ayoko sa maiingay."
"Bahala ka nga. Ikaw na ang maghukay diyan. Magyoyosi pa ako sa bandang ro'n."
"Nasa'n ang hungkag na Dumabag?"
"Aba, ewan ko. Paggising ko tayong tatlo na lang ang nakita ko."
Narinig kong nagmura ang tinawag niyang Hunse. "Balikan mo sa dumpsite! Nasa kaniya ang baril ko!"
"Oo na, oo na. Akina 'yang akin. Maputok mo pa ulit sa matanda. Isama mo ang baril niyan sa hukay. Wala na namang bala. Wala tayong extra. Si Yumen kasi!"
"O, manahimik ka na. Paputukan kita riyan. Ingay-ingay mo."
Tumahimik ang paligid. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng yabag papalapit sa puwesto ko. Mabilis akong gumapang patago sa likod ng matabang puno at tinakpan ang bibig.
Huminto ang yabag. "O, pare ano 'to?"
"Ano 'yan?"
"Kaya nga tinatanong kita. Nasa'n ang utak mo, ha?"
"Aba, hindi ko rin alam ang isang 'yan. Pero pamilyar."
"Saan mo nakita?"
"Sa militar. Teka, scanner 'yan pre!"
Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang binaba ang palad para kapain ang bulsa ng pantalon. Napapikit ako't nakagat ang ibabang labi. Naku naman!
"Scanner? E, pa'no nakarating dito?"
"Aba, malay ko. Teka, ganito 'yong gamit. Scan kita. Istedi ka riyan."
"Ganito ba?"
"Oo. Teka sandali."
Nakarinig ako ng tunog.
"O, negatib ka pre. Ako naman ang i-scan mo. Pindutin mo 'to tas up and down mo sa akin."
"Sige."
"Okay na? I-scan mo -"
Naputol ang sinasabi nila nang may tunog ng helicopter sa ibaba ng mga puno. Malutong na nagmura ang isang lalaki. "Dali! Itago mo 'yong katawan ni Boss!"
"Anong itago? Bitbitin palayo! Clearing to!"
"Bilisan mo!"
"Tulungan mo ko!"
Isang mura na naman. "Yong scanner!"
"Hayaan mo na! Tara!"
Narinig ko ang malalaking hakbang nila palayo. Makaraan ang ilang minuto ay nawala ang tunog ng helicopter. Naging tahimik din ang paligid. Unti-unti akong bumangon at dahan-dahang sumilip sa harap. Wala nang tao.
Mabilis akong humakbang paabante at hinanap ang scanner sa pwesto ng mga lalaki kanina pero wala. Inangat ko ang tingin sa paligid. Naalala ko kung saan nakatayo ang boss nila kanina. Tumakbo ako sa pwestong 'yon at hinanap ang scanner sa lupa.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang scanner sa batuhan. Agad ko 'yong pinulot at itinago sa loob ng backpack.
"Don't move."
Nanigas ako sa kinatatayuan at mabilis na lumingon sa likod.
"I said don't move!"
Napalunok ako. Nakatutok sa akin ang ulo ng baril niya. Base sa uniporme niya, isa siyang miyembro ng air force.
"Sir, I mean no harm -"
"Don't talk! Hands in the air."
Sinunod ko siya. Nakita ko kung paano niya dinukot ang walkie-talkie na nakakabit sa baywang niya. Inilapit niya sa bibig ang walki-talki habang nakatutok sa akin ang baril niya.
Static. "Sir, I got one."
Static. "What's one, Benjamin?"
Static. "A girl." Bumaling siya sa akin. "Name?"
"A-Angela," sagot ko.
Static. "Angela, Sir."
Static. "Guerilla?"
Tiningnan ako ni Benjamin mula ulo hanggang paa.
Static. "I don't think so, Sir."
Static. "Escort her down."
Static. "Roger that, Sir."
Binaba niya ang walkie-talkie at muling tumingin sa akin. Binaba na rin niya ang baril at muling sinilid sa holster.
"Full name?" tanong niya.
"Angela Babia."
Tumango siya. "Why are you here?"
"I was passing by," sagot ko. Naningkit ang mga mata niya kaya umikhim ako. "I mean, I'm travelling back to... to outpost."
"Outpost." Tumango-tango siya. "Well, Miss Angela, I will escort you down to Alcoy. This place is too dangerous for you."
"Wait, Alcoy?"
Tumango siya. "My team and I are heading towards south. This is northwest of town Nug-as of Alcoy. 10 kilometer down this terrain, we can reach to Nug-As Public Market, where you can go your way -"
"Sandali." Tumigil naman siya sa pagsasalita. "May gagawin talaga ako. Sir, I know what I'm doing. I'm heading back to Mount Lanaya."
"I'm sorry but the order is to escort you down -"
"Thank you but I believe, I need to go to the outpost. Please, Sir. I need to go." Nakagat ko ang labi. Nagsinungaling ako. Bumuntong-hinga ako saka seryosong tumitig sa lalaki. "I came from there and I am heading back to the outpost."
God, please forgive me for deceiving someone...
Ilang minuto siyang nakatitig sa akin bago bumuntong-hinga. "Alright. Just don't wander in this forest again. We are currently in an operation and you're lucky I was the one who caught you. If I didn't, say bye to your life. They will shot you down."
"May I ask why, Sir?"
"We are in hunt of someone. The order is to shot to kill whoever wanders for the country is under a lockdown."
"And why you hadn't shot me, Sir?"
Sumeryoso siya. "I just felt I should not shot you. Someone whispered in my ear not to shot you."