"If anyone among you thinks he is religious, and does not bridle his tongue but deceives his own heart, this one's religion is useless.
Pure and undefiled religion before God is this: to visit orphans and widows in their trouble, and to keep oneself unspotted from the world."
James 1:26-27
~
Hindi siya si Ander, dahil pangalan niya talaga ay Lyndon Ephraim. Tinatawag lang siya sa outpost na Ander, pinaikli sa commander, at parang pantukso lang mula sa mga miyembro. Nalaman ko ang pangalan niya nang pinaupo ako sa monoblock, at ang lalaking hinabol ko kanina ay nakaluhod sa batuhan sa hindi kalayuan. Nakita ko ang panginginig ng lalaki at kuyom na kuyom ang kamao niya habang nakatungo. Gusto ko sanang paupoin o kaya'y patayuin pero ayaw ni Ander.
Nag-angat ako ng tingin kay Elaine nang abutan niya ako ng isang coke-in-can. "Inumin mo muna," aniya.
"Salamat. Nasa'n pala si Ruben?" tanong ko at tinanggap ang inabot niya.
Nagkibit-balikat si Elaine. "Nakatoka kay Jumbag."
"Yong aso?"
"Yes."
Napatango ako. Hindi ko alam na importante pala ang asong iyon sa kanila. Nalihis ang paningin ko kay Ander nang lumapit siya sa akin.
"So, what do you want to do with him?" tanong niya at tinuro niya ang lalaking nakaluhod sa batuhan sa ilalim ng araw.
Napalunok ako. Nakaka-intimidate talaga ang boses niya at masyadong malalim. "Tama na 'yong parusa. Mukhang alam na niyang nagkamali siya."
"Pity." Humalukipkip siya. Sinenyasan niya si Elaine na umalis. Tumalima ang babae. Nang malayo-layo na si Elaine ay doon lang siya muling nagbaba ng tingin sa akin. "Do you know him?"
"Hindi ko siya kilala." Tumingin ako sa lalaking nakatungo at walang kakibo-kibo.
"You've met Elaine, and other girl Civilians. They used to take a bath in an open area and change clothes in the rest room, just like you did." Kumunot lalo ang noo niya nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya kaya binaba ko na lang ulit ang tingin sa lalaking nakaluhod sa malayo. "I've heard a lot of complaints from my girls but they never tell this problem in my face. I know what my second is doing but this is the first time that someone, a girl perhaps, brave enough to chasten him."
"No, you did chasten him. I did not."
Mataman siyang tumitig sa akin. Maya-maya pa'y naglakad siya palayo. "Do what you want to do with Gideon, Angela."
Ang pangalan pala ng lalaking 'yon ay Gideon? Marahan akong napangiti.
Pagkuwan ay kumunot ang noo ko at tumayo. Minabuti kong maglakad sa ilalim ng tirik na araw papunta sa kanang kamay ni Ander. Kanina pa siya walang kakibo-kibo. Kanina pa siya nakatungo. Nag-alala akong baka kung ano nang nangyayari sa kaniya.
Tumayo ako sa harap niya pero hindi man lang siya nag-angat ng tingin. Huminga ako nang malalim.
"Gideon," tawag ko. Doon lang siya nag-angat ng tingin. Umikhim ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "Nagsisi ka na ba sa ginawa mong pamboso?" tanong ko.
Kumunot lang ang noo niya at walang sinabi. Kumunot din ang noo ko at nameywang sa harap niya. "Alam mo ba, masama ang ginawa mo. Hindi ka dapat namboboso. Paano kung binosohan ang kapatid mong babae, o kaya'y mama mo? Matutuwa ka ba?"
"Nangangaral ka?" malalim at baritono ang boses niya.
Napalunok ako. "Oo. Kaya dapat magsisi ---"
"Guro ka?"
"Hindi. Pero alam naman nating ---"
"Anong karapatan mong mangaral?"
Literal akong napanganga sa katigasan ng ulo niya. Napailing ako at napahilot sa sentido. "Ano bang ---" bumuntong-hinga ako. "Okay, makinig ka. Kahit grade schooler, alam na mali ang mamboso! Saan ka ba nag-aral at bakit hindi naturo ang ---"
"Shh... ang ingay. Umalis ka na lang." At muli siyang tumungo.
Napapikit ako sa inis at paulit-ulit na nagtaas-baba ang balikat. "Tumayo ka," utos ko. Hindi siya sumunod. Umasim na naman ang mukha ko sa inis. "Sinabi ni Ander na ako ang bahala sa 'yo. Binigyan ako ng order ni Ander kaya makinig ka."
Kunot ang noo niya. Mabagal siyang tumayo at nagtaas ako ng tingin sa mukha niya. Naalala kong lumuhod siya sa batuhan kaya nagbaba ako ng tingin sa tuhod niya pero biglang may humawak sa balikat ko kaya napa-angat ulit ako ng tingin sa mukha niya.
"Keep your eyes up here," utos niya. Tumango ako. Nakita ko ang pagbuo ng butil ng pawis sa noo niya at ang marahang pagkunot ng noo. "Tumalikod ka at iwan mo na ako."
Kumunot ang noo ko pero sumunod sa sinabi niya. Tumalikod ako at humakbang palayo, pero ilang hakbang lang ang ginawa ko at umikot ako para tingnan si Gideon. Wala na siya sa puwesto niya kanina.
Tumakbo ako pabalik at dahan-dahang sinundan ang patak ng dugo sa mga bato hanggang matunton ko ang isang closed tent. Hinawi ko ang telang tumatakip sa tent at pumasok sa loob.
Nakita ko si Gideon na nakaupo sa isang portable chair. Nakakunot ang noo niya at kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ang pagdaloy ng mapulang dugo mula tuhod niya pababa sa talampakan niya. Napailing ako.
"Sabi ko nang nasugatan ka roon," sabi ko.
Nagmulat siya at nagtama ang tingin naming dalawa. Kumunot lalo ang noo niya at muling pumikit. "Lumabas ka na."
Bumuntong-hinga ako at nagpunta sa isang mesang puno ng mga trasparent plastic containers. Hinanap ko ang first aid at napangiti nang makita ko iyon sa dulo.
"Alam mong masakit, ginawa mo pa. Alam mo nang masusugatan ka, pero hinayaan mo lang," sabi ko pa at lumapit sa kaniya.
Hindi siya sumagot ni umimik sa sinabi ko. Kinuha ko ang bimpo at palanggana na nakita ko sa gilid ng mesa. Mukhang hinanda na ang mga gamit sa tent na 'yon para sa mga sugatan. Sabagay, sa trabaho na tulad ng kaniya, normal nang masugatan. At kahit na nakita ko ang karahasan na ginawa ng ilang sundalo, hindi pa rin nawawala ang respito ko sa kanila. Sila kasi ang sumusulong para panatilihin ang seguridad ng bansa.
Nilagyan ko ng tubig na mula sa dispenser sa sulok ng tent ang palanggana bago lumapit sa ka Gideon. Binasa ko ng tubig ang bimpo, inalis ng tubig, saka lumuhod sa harap niya. Dahan-dahan kong pinunasan ang sugat niyang nagdurugo pa rin.
"Hindi ka mahilig sa masustansiyang pagkain? Ang hina ng plasma mo. Patuloy pa rin sa pagdaloy ang dugo. Hirap i-clot ang sugat. Masyado sigurong malalim at malaki," sabi ko at umiling.
Tumayo ako at kinuha 'yong telang kasama sa first aid. Lumuhod ulit ako sa harap niya at binalot ng tela ang sugat. Hirap akong higpitan ang tela dahil malaki-laki ang tuhod niya saka hindi ako komportable sa puwesto ko.
Natigilan ako nang hawakan niya ang magkabila kong kamay. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakakunot pa rin ang noo niya pero hindi na gano'n kasama ang tingin niya sa akin.
"Ako na," sabi ni Gideon.
Marahan akong ngumiti. "Higpitan mong mabuti para matigil ang pagdaloy ng dugo."
Naupo ako sa lupa habang nanonood sa kaniyang hinihigpitan ang tali sa kaniyang tuhod. Natahimik kami nang sumandal na siya sa sandalan. Hindi ako makaangat ng tingin sa kaniya kasi... ako rin 'yong dahilan kung bakit siya pinaluhod sa batuhan. Pero naisip ko rin na kung hindi ko ginawa, baka hindi na niya matigil ang ginagawa niyang 'yon.
"Sorry," bulong ko. "Pero dapat mong malaman na mali ang mamboso. Hindi mo dapat ginawa 'yon."
Nagulat ako nang makita kong ngumisi si Gideon saka siya tumawa. "Dapat ba akong magpasalamat, Angela?"
Nagbaba ako ng tingin. Ramdam ko kasi ang pagiging sarkastiko niya. Lumunok ako. "Mali naman talaga ang mamboso," bulong ko. "Gusto lang kitang balaan na masama 'yon. Para na rin sa ikakabuti mo."
Muli akong nag-angat ng tingin kay Gideon at halos manlambot ang kalamnan ko nang makita ko siyang nakatitig sa akin, na parang pinag-aaralan ako sa ilalim ng titig niya. Nagtanong siya bigla, "Paano ka napunta rito sa Alegria?"
Nag-iwas ako ng tingin. "M-May kailangan lang akong gawin sa sentro."
"Balita kong galing ka sa Mantalongon."
"Oo."
Ngumisi siya at hindi na nagsalita. Muli siyang sumandal sa sandalan at pinikit ang mga mata. Napatitig tuloy ako sa mukha niya. Gwapo siya kung ihahambing sa standard ng karamihan sa mga babae. Pero iba ang standard ko sa pagiging gwapo.
"Wag kang tumitig, Angela. Baka mahulog ka. Walang sasalo sa 'yo," biglang saad ni Gideon.
Marahan akong natawa. "Hindi ko pangarap mahulog sa taong mahilig mamboso."
Dumilat si Gideon at kunot-noong tumingin sa akin. "Wag kang magsalita nang tapos."
Inosenti naman akong tumingin sa kaniya. "Pasensya na sa pagsusungit ko sa 'yo kanina. Pero hindi ko talaga maatim na may taong adik sa pamboboso."
Mas lalong nangunot ang noo ni Gideon. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at masama akong tiningnan. "I'm not an addict," mariin niyang tanggi.
"Talaga ba?" Huminga ako nang malalim at nilibot ang tingin sa loob. "Ang sabi ni Ander, binobosohan mo ang mga babaeng kasapi ng CFU. Pati civilian, hindi mo pinapalampas."
"I'm not that kind of man, Angela."
Marahan akong natawa. "Siguro alam mo na mali ang mamboso?" Ngumiti pa ako nang pagkatamis-tamis. "Tinatanggi mo, e."
"Just stop talking and leave me alone," sabi niya at muling sumandal. Pinikit niya rin ang mga mata.
Bumuntong-hinga ako. "Gideon," seryoso kong sambit sa pangalan niya. "Mali ang mamboso. Binibigyan mo lang ng daan ang lust para maghari sa katawan mo. Sa tuwing namboboso ka, tumataas ang kapit ng spirit of lust sa iyo, na magli-lead sa m**********n. Ang mas masaklap, kung hindi mo kayang kontrolin ay mapupunta sa panggagahasa."
"I'm not a r****t, Angela."
"Palagi mo na lang tinatanggi." Bumuntong-hinga na naman ako. "Kung tinatanggi mo, malamang ay alam mong kasalanan ang ginagawa mo at may natitira pang konsensya sa 'yo, Gideon."
Nagmulat ulit siya at bumuntong-hinga. Tumingin siya sa akin. "Get straight to the point, Angela."
"Naniniwala ka ba sa Diyos?"
Nag-iwas ng tingin si Gideon at pinikit ang mga mata. "If I believe or not, it doesn't concern you."
Ngumiti ako. "Sasabihin ko kung bakit ka naniniwala sa Diyos, Gideon."
"Hmm..." May munting ngiting naglalaro sa gilid ng labi niya, na parang hinahamon ako. "Tell me."
"You know what are you doing is bad. Alam mo ring masama ang manggahasa."
Nagmulat na naman siya at pinaningkitan ako ng mga mata. "What is the connection between God and knowing r**e is bad?"
"Kasi alam mong may hustisya." Ngumiti ako sa kaniya. "Kung may magagahasa ka, tiyak kong hindi ka patatahimikin ng konsensya mo. Magi-guilty ka kasi alam mong masama ang ginawa mo. At 'yon ang dahilan kung bakit naniniwala ka sa Diyos."
Tumaas ang sulok ng labi ni Gideon at umayos nang upo. Tumitig siya sa akin. "Hindi ko maintindihan," pag-amin niya. Pero pansin kong na-curious siya sa sinabi ko.
"You believe in God because you are shouting for justice. Halimbawa, kung may masasaktan sa pamilya mo, magagalit ka at maghahanap ng hustisya. Iyan ang malaking ebidensya na may Diyos at kung bakit ka naniniwala sa Kaniya, dahil alam mong may masama at may mabuti. That there is heaven and hell. Kung hindi ka naniniwala sa Diyos, malamang na nanggahasa ka na."
Tumatango-tango siya, pero may ngisi pa rin sa labi. At alam kong hindi niya naintindihan ang punto ko kaya natatawa lang siya. "You speak like a Christian, Angela."
"Christian naman talaga ako." Ngumiti ako at bumuga ng hangin. "Sa pagiging espirituwal, hindi naman relihiyon ang basehan. Kahit na kasapi ka pa ng pinakamalaki at pinakamatandang relihiyon sa mundo, pero kung wala kang Diyos, wala pa ring silbi dahil hindi ka kayang iligtas ng relihiyon mo."
"Hmm..." Tumango-tango na naman siya pero natatawa pa rin. "Kung hindi kayang iligtas ng relihiyon ang tao, ano bang silbi ng relihiyon, Angela?"
Tumingin ako kay Gideon at tumitig sa mga mata niya. "Kahit na hindi kayang iligtas ng relihiyon ang mga tao, pero may tamang relihiyon na nagtuturo sa daan patungo sa kaligtasan."
"Road to salvation?"
Umiling ako. "Way to salvation. At hindi Siya nandito para magtukod ng bagong relihiyon, kung hindi iligtas ang mga tao. It was written in John 14:6, Jesus said to him, 'I am the way, the truth, and the life. No one comes to the Father except through Me.' and in John 3:17, For God did not send His Son to condemn the world, but that the world through Him might be saved."
"Jesus," sambit ni Gideon. Nawala na ang natatawang ekspresyon niya at napalitan ng seryosong titig sa akin. "Siya ang daan patungo sa kaligtasan?"
Umiling ako. "Siya mismo ang kaligtasan."
Sumandal ulit siya sa sandalan at humalukipkip. "Sino ba ang niligtas ni Jesus, Angela?"
"Ikaw." Naningkit ang mga mata niya kaya ngumiti ako. "Ako... tayong lahat." Umikhim ako. "God upholds justice because He is just so He must punish sin. So there is heaven or hell. Heaven for those people who keep His commandments, and hell for those who disobey His commandments."
Naningkit ang mga mata ni Gideon. "Sa sinabi mo, parang wala tayong kalayaan, Angela. Kinokontrol tayo."
"Hindi." Huminga ako nang malalim. "Hindi tayo kinokontrol ng Diyos, Gideon. Isipin mo ang halimbawang 'to.
May taong nagbigay sa 'yo ng kotse. Wala ka nang babayarang interes o utang dahil bayad na ang kotseng 'yon. Ang gusto lang ng taong nagbigay sa 'yo ng libreng kotse ay 'wag mong imaneho ang kotse sa dagat, o ibangga sa poste, o sirain. Gusto ng taong 'yon na panatilihin mong nasa maayos na kalagayan ang kotse. Sasabihin mo ba sa kaniyang... wala siyang pakialam kung anong gusto mong gawin sa kotse? Na wala siyang pakialam kung ibabangga mo sa pader o imamaneho mo 'yon sa dagat?"
Nanatili ang seryosong titig ni Gideon sa akin kaya ngumiti ako. "Hindi mo kayang sabihin sa taong 'yon na wala siyang pakialam dahil nagiging ungrateful ka na kapag nagkataon. Para lang 'yan sa atin. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay, at ang gusto lang Niya ay mabuhay tayong banal. Binigyan niya tayo ng utos dahil 'yon ang magiging gabay natin para mabuhay ng banal, pero lagi nating binabalewala ang utos Niya, lagi tayong nagkakasala sa Kaniya. At alam nating may parusa ang bawat kasalanan."
"Bakit ba may parusa ang taong gumagawa ng kasalanan, Angela?"
Dahan-dahan akong huminga nang malalim habang seryosong nakatitig kay Gideon. "Because God is just. Lahat ng kasalanan, dapat may parusa. Hindi mo ba pansin, na sa tuwing nakakarinig ka ng taong pumatay o nanggahasa, o may nagtangka sa buhay ng pamilya mo... sumisigaw ka ng hustisya?
Kapag ang isang mamatay-tao mangangakong hindi na niya gagawin ang pagpatay, hahayaan mo lang ba siyang lumaya na walang parusang natatanggap?"
Umiling si Gideon. Kunot ang noo niya at nasa malalim na pag-iisip. "He murdered someone so he must be punished."
Tumango ako. "Ganiyan din ang nangyari sa atin. Kahit na sabihin nating hindi na tayo gagawa ng kasalanan, pero yung mga nagawa na nating kasalanan... hahayaan lang ba 'yon ng Diyos? Hindi. Kailangan Niya pa rin tayong parusahan dahil nakagawa tayo ng kasalanan. Hindi sapat ang pangako, Gideon. Dapat may parusa tayong matatanggap dahil gumawa tayo ng kasalanan."
"So we are going to hell?" tanong niya.
Tumango ako. "Yes, we are bound to go to hell. That is the punishment we deserve, Gideon."
Bumuntong-hinga siya at humalumbaba. "Mukhang mapupunta nga ako sa impyerno dahil sa mga kasalanan ko."
Napatitig ako sa kaniya at marahang napangiti. "So alam mo ang mali mo? Alam mo nang mapupunta ka sa impyerno?"
Nangunot ang noo ni Gideon at pinaningkitan ako ng mga mata. "I felt offended by your words, lady. And you're smiling at me? Masaya kang mapupunta ako sa impyerno, huh?"
"Hindi, a." Pinalis ko ang munting ngiti sa mga labi ko. "I told you that there is only heaven or hell and we are bound to hell. But the good news, there's a way for you to be saved from hell."
Lumunok siya at nag-iwas ng tingin. "Jesus," bulong niya.
"Yes." Umayos ako ng upo. "Kaya sinabi ni Jesus na walang makakapunta sa Ama, liban sa pamamagitan Niya, ay dahil Siya mismo ang kaligtasan. Ang pagkamatay, pagkalibing, at muling pagkabuhay ni Hesus ang ebanghelyong sasagip sa mga tao.
It was written in Romans 10:9-10, That if you confess with your mouth, "Jesus is Lord," and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you confess and are saved.
Gideon, ang punishment na para sana sa atin ay kinuha ni Jesus. The wrath of God was poured out on the cross, kaya sinasabi sa Bibliya na ang pagkamatay sa krus ni Hesus ay ang katapusan ng batas, at lahat ng taong maniniwala kay Hesus ay maliligtas dahil tapos na ang parusa ng Diyos. Nabigay na ang parusa para sa ating kasalanan kay Hesus. At iyan ang dahilan kung bakit tinatawag natin si Hesus na Tagapagligtas, dahil niligtas Niya tayo sa walang tapusang kamatayan. Siya ang umako sa parusang dapat ay atin."
"Kaya kailangan kong maniwala kay Hesus para maligtas?" tanong niya.
"Naniniwala ka ba kay Hesus, Gideon?" Mabilis siyang tumango kaya umiling ako. "Talaga bang naniniwala ka kay Hesus?"
Nangunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin, Angela?"
"Alam mo ba kung anong nakasulat sa Ephesians 2:8-9? It was written, For by grace you have been saved through faith, and that not of yourselves, it is the gift of God; not of works, lest anyone should boast.
Madali lang sabihin na naniniwala ka kay Hesus, pero alam mo sa sarili mo ang totoo. Alam mo sa sarili mo na may kulang, na hindi pa kompleto ang paniniwala mo, na wala namang pagbabago sa sarili mo matapos mong malaman kung sino si Hesus. Tama ba ako, Gideon?"
Tumango siya. Mas kumunot ang noo dahil sa iniisip. "Tama ka. Sinabi kong naniniwala ako kay Hesus, pero wala naman akong naramdamang pagbabago sa akin. Kung Siya nga ang Tagapagligtas, bakit hindi ko ramdam na naligtas na ako?"
"Dahil hindi ikaw ang magliligtas sa 'yo, Gideon. Ang mga taong naniniwala kay Hesus at ang nagsabing Panginoon nila si Hesus, hindi nila 'yon sinabi na lang nang basta-basta para sa intention na maligtas ang sarili nila.
Jesus gave them faith to believe that He is the Lord. Jesus gave them faith to confess with their mouths that He is the Lord. Jesus made it possible for them to believe the gospel in order for them to be saved.
Gideon, it takes genuine faith before you can finally believe and confess that He is the Lord. And you can not make faith. You can not force yourself to have faith in God. It is only by His grace that we can have faith in order to be saved. As it was written in Romans 1:17, For in it, the righteousness of God is revealed from faith to faith; as it is written, 'The just shall live by faith,'
It was only through faith in Jesus that we can be saved. Kaya hindi porket sinabi mong naniniwala ka, ay tunay ka ngang naniniwala kay Hesus."
"If that's the case, how can I access that faith, Angela?"
"It was written in Romans 10:17, So then faith comes by hearing, and hearing by the Word of God. If you want to have faith, you need to read the Word of God. Read the Bible, Gideon, and ask God to reveal His glory to you. It is only then, that you can finally and genuinely believe and confess that Jesus is the Lord."
"Naintindihan ko na, Angela." Sumandal ulit siya sa sandalan at pumikit. "Hindi natin kayang iligtas ang sarili. Without God, we are nothing."
"Tama ka." Nanubig ang mga mata ko. "He knows that we are dust and our life is like a vapor. In a split second we'll be gone." Napangiti ako. "Without God, we are nothing."
Nagmulat si Gideon at tumingin sa akin. "May Bibliya ka?"
Marahan akong ngumiti. "May spare Bible ako sa backpack. Kukunin ko mamaya."
Ngumiti siya sa akin kaya sinuklian ko siya ng isang ngiti at sinaulo ang verse.
"In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. He was in the beginning with God. All things were made through Him, and without Him nothing was made that was made. In Him was the life, and the life was the light of men. And the light shines in the darkness, and the darkness did not comprehend it. (John 1:1-5).
Si Hesus ang Light, at tayo ay nandoon sa kadiliman. Hindi natin naintindihan ang liwanag na dala ni Hesus, kaya maraming tao ang ayaw sa Kaniya. Mas gusto natin ang dilim dahil mahal natin ang kasalanan, kaya hindi natin gustong magbasa ng Bibliya at iwanan ang makasalanang gawain. Pero si Hesus ang liwanag at sa liwanag nabubunyag ang kasalanan ---"
Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang biglang tumayo si Gideon. Humakbang siya palabas ng tent, pero hindi pa siya nakakalayo nang bigla siyang napaluhod sa lupa.
Umawang ang labi ko nang marinig ko ang impit niyang sigaw at hagulgol. Nanlabo ang paningin ko at mabilis na nagsiunahan sa pagtulo ang luha ko sa pisngi. At sa sandaling 'yon, alam ko nang magbabago na ang buhay niya.
Dahil walang sinomang tao ang kayang tumayo sa harap ng Diyos na hindi madudurog. Nakakapanindig-balahibo at nakakawala ng lakas ang presensiya ng Diyos.
Walang magawa ang taong tumatayo sa presensiya Niya kung hindi umiyak at humingi ng tawad. Sigaw, iyak, talon, panginginig, paghandusay sa sahig. That is the conviction of the Holy Spirit. He is the One who convict sinners of their sins and turn them to repentance.
Lumalabas lahat ng luha at sigaw sa paghingi ng tawad. Iyan ang nagagawa ng Banal na Espiritu. Iyan ang nagagawa Niya na dakila sa lahat.
At pagkatapos ng paghingi ng tawad, may hindi maintindihan at hindi mapaliwanag na kapayapaang lulukob sa bawat puso. At mayroon sa loob-loob mong naniniwala na napatawad ka na ng Diyos...