"goodmorning ma'am and sir.saad ng isang babaeng employer ng mall
ikaw na bahala sakanya bibilhin ko lahat ng magugustuhan niya.
okay po sir
bibilhin niya lahat ng magustuhan ko seryoso ba siya, sa bagay mayaman naman pala siya. pero ano naman kung mayaman siya, lahat ba ng gamit dito kaya niyang bilhin teka kung hindi ako nagkakamali ng dinig ang sabi niya kanina bibilhin niya daw lahat ng magustuhan ko, tignan lang natin mamaya kung babayaran niya talaga kahit mahal.
"gusto ko nitong bag ang cute niyang buhatin,atsyaka gusto kodin nito ,nito, nito, nito, nito at ito lahat yan gusto ko.
sigurado poba kayo ma'am na gusto niyo lahat ng toh.saad nito habang nakatingin kay chester at agad namang tumango si chester.
ang ganda po pala ng taste niyo sa bag ma'am may gusto papo ba kayong idagdag.
hindi niya bako aawatin o pipigilan hindi konaman din gusto tong mga bag nato o baka hindi parin siya namamahalan sa mga pinag pipili ko.saad ko sa isip ko
ah ma'am may gusto pa poba kayo
gusto kung bilhin yung pinaka mahal niyong bag.saad ko
seryoso poba kayo ma'am.saad nito habang nakatingin ulit kay chester at agad naman itong tumango.
okay po ma'am kukunin ko po yung Limited Edition na bag.
akala niya siguro nag bibiro ako kukunin ko talaga yung mga bag nayun hindi parin basiya nagagalit saken.
ah ito po ma'am bagay na bagay po ito sa inyo
"wow! ang ganda naman nito pero
bakit po ma'am hindi niyo poba nagustuhan.
bibilhin niya ba talaga to para saken sobrang mahal kaya nito itsura palang parang nakakatakot ng hawakan.saad ko sa isip ko
sabihin molang kung may gusto kapang bilhin.saad nito
hindi talaga to mahal para sa kanya siguro pag nag ka girlfriend to malamang pe perahan lang siya dahil hindi siya nagagalit kahit sobrang mahal na pero hindi naman matutumbasan ng mga bag nato yung inis ko sakanya.
kung hindi niyo po nagustuhan ma'am meron pa pong mas maganda dito.
okay lang kukunin koyan pati kukunin kodin yung lahat ng may ternong damit dito pati lahat ng magagandang sandals dito kukunin ko.saad ko
sigurado poba kayo ma'am.saad nito habang nakatingin ulit kay chester habang chester naman ay agad ulit tumango.
"maya-maya lang ay nanlaki bigla yung mga mata ko ng makitang sobrang laki agad ng mga presyo ng mga bag, kahit wala pa naman ito sa kalahati ng mga nakuha ko.
ito po sir yung total price ng lahat ng mga bag, at ito naman po sa mga ternong damit at ito naman po para sa mga sandals.
hindi ko alam na sobrang mahal talaga.saad ko habang inaantay kung anong magiging reaction ni chester.
excuse me may gusto lang akong idagdag.saad ni chester at agad naman itong pumunta sa gilid para kausapin yung staff.
may gusto parin siyang idagdag parang gusto niya talaga sakeng ipamukha na mayaman na talaga siya teka ano bang pinag uusapan nila.
"sir sigurado po ba kayo na kukunin niyo lahat ng kinuha ni ma'am
"gusto ko sanang huminga ng favor
"ano po yun sir
"ipalabas mona mura lang lahat ng yun o free lang , ganon lang kase talaga siya galit siya saken kaya ginagawa niya yun
"ah okay po sir ganon lang po talaga mga babae ngayon.saad nito at agad naman bumalik kung nasan ako.
Ay! sorry po ma'am nag kamali po pala ko ng bilang kaya ganyan yung lumabas na total atsyaka ma'am congratulations po dahil sinabi po ng manager na libre nalang daw po lahat ng to.pag dadahilan nitong saad
ano! libre nalang lahat ng to seryoso poba kayo.saad ko
"yes po ma'am free lang po lahat ng to hulaan ko po ma'am twenty three napo kayo noh
ah oo bakit
wag kanang maraming tanong baka bawiin pa nila.saad ni chester
nakaligtas ka ngayon pasalamat ka libre lahat ng to wala kang babayaran na kahit na ano, siguro una palang alam niya na na free lang lahat ng to kaya dito niya ko dinala, oo nga kaya pala wala siyang pakialam kanina saken kahit anong kunin ko.saad ko sa isip ko.
"gusto kulang pong sabihin ma'am na ang swerte niyo po sa asawa niyo.nakangiti nitong saad
hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya ngumiti nalang din ako at kinuha yung mga ilan ilang gamit na nabili ko ,naiwan naman muna saglit si chester sa loob, at hanggang sa pag labas ko sa shop at hanggang sa pag pasok ko sa kotse dala dala parin ng isip ko yung sinabi ng isang staff.
"tama ba yung ginawa ko kanina pano kung hindi talaga libre lahat ng to hindi parin ba talaga siya magagalit saken o pinipilit niya lang talagang hindi magalit dahil may kasama kami napaka imposible naman kase na hindi siya saken magalit, nag papaggap pa siyang mabait.
"nagugutom ako at alam kung gutom kanarin kaya nag book nako sa isang restaurant.
hindi ako gutom pagod nako kaya gusto kunang umuwi.saad ko at biglang kumulo yung tiyan ko, tama nga naman hindi talaga nag sisinungaling yung tiyan pag dating sa pagkain.
ano gusto mona bang umuwi.natatawang saad ni chester
tinatawanan mobako malay kobang gutom napala ko, tawa ka dyan.
"mga ilang oras lang ay nakarating nakami sa sinasabing restaurant ni chester.
bakit ba ang layo naman ng restaurant na gusto mong kainan.saad ko sabay baba ng kotse, at pag baba ko nagulat ako nang makitang hindi naman pala restaurant ang pinuntahan namin kundi isang simpleng kainan lang.
"ito bayung sinasabi mong restaurant.saad ko
hindi ko alam na ang bilis mo na palang nakalimutan tong lugar nato.
"itong lugar nato, ito yung lugar na madalas naming puntahan nung panahong mga bata pa kami, pano ko nagawang makalimutan to.
kung gutom kana pumasok natayo.saad nito
"teka chester, gusto kung sabay tayong pumasok katulad nang ginagawa natin nun.saad ko sabay lapit sakanya.
"welcome ma'am and sir, oh! chester ikaw pala
kamusta po uncle Menard.saad nito
uncle menard! ikaw poba yan
teka ikaw naba si hanna halos hindi nakita mamukaan, ang laki na ng pinag bago mo hanna.
uncle menard namiss ko po kayo sobrang tagal nadin po.
kaya nga sobrang tagal nadin akala ko nga nakalimutan mo nako kase ang liliit niyo panon.
"bakit naman po kita makakalimutan uncle menard ei lagi niyo nga po kami nun nililibre ni chester ng mga masasarap niyong luto, kaya nga po lagi nanamin tong pinupuntahan.
sige na umupo nakayo bibigyan ko kayo ng mga madalas niyong kainin non.
tanda niyo parin poba uncle menard.
"Oo naman panong diko makakalimutan yun, yun yung madalas kainin ni chester dito kaso mag isa nalang siya, pero ngayon magkasama na ulit kayo.
pumupunta kadito chester
Oo pumupunta siya, nung isang araw ngalang nandito siya.
bakit hindi moko sinama, ngayon kunalang tuloy ulit matitikman yung luto ni uncle menard .saad ko
sige na kukunin kuna yung mga makakain niyo.saad ni uncle menard.
okay po uncle menard.
"grabe wala paring pinag bago tong lugar nato, ganon na ganon parin pati yung ayos ganon parin bakit hindi mo agad sinabi saken na dito pala tayo pupunta.
hindi ka naman nag tatanong tapos parang nakalimutan muna.saad nito
hindi noh antagal nadin kase fourteen years old pa tayo non nung huli akong nakapunta dito,atsyaka pano kunaman to magagawang kalimutan isa kaya to sa mga favorite place ko dito.
"Okay ito na kumain nakayo dinamihan koyan para mabusog kayo, naalala konun nag aagawan pakayo kapag may natitirang isang mangkok.
uncle menard alam niyo naman kung sino talaga matakaw samen dalawa.saad nito
alam ko naman yun at si hanna yun halos araw araw ba naman kayong nag tatalo nun.
hanggang ngayon din naman po uncle menard, sino banaman kaseng hindi mag a away sa luto niyo.saad ko
sige na mamaya natayo mag usap kumain nakayo, pag tapos niyo may papakita ko sainyo.saad ni uncle menard
okay po uncle
"habang kumakain kami biglang bumabalik yung mga ala-ala na pilit kung kinalimutan nun, sino banaman ako para mainis sa taong tinuring kung malapit na kaibigan nung panahong wala pakung ibang ginawa kundi ang maging masaya lang.
"ako na nauna.nakangiti kung saad habang kinukuha yung isang natitirang mangkok.
hanggang ngayon sayo parin yung last na mangkok.saad nito
sinusunod kulang yung sinabi mo nun, sabi mo panga nun, saken na mapupunta lagi yung last na mangkok.
wala kung matandaan.
anong wala ikaw nag sabi nun nag lalakad tayo nun nung sinabi mo yun saken, wag mong sabihing hindi totoo yun.
tanda mo parin pala.
Oo pero ngayon sayo na muna yan, bawi kuyan dahil dinala mo ulit ako dito pero sa next punta natin dito akin na ulit lahat hah.
"ang bilis niyo naman matapos ano nabusog bakayo.saad ni uncle menard
Oo naman po, pag kayo nagluto laging ubos ang dami ko nga pong naalala nung natikman ko ulit to.
"mas marami pa kayong maaalala sa ipapakita ko.