Chapter 1

1810 Words
Excited akong tumakbo patungo sa dalampasigan nang makarating kami sa rest house namin dito sa probisnya.   The cold breeze touches my skin, as it is 5:38 in the morning. The sea is calm that you can see the almost perfect reflection of the sky on it.   I closed my eyes and feel the scenery na hatid ng masarap na simoy na hangin.   "Austrid!" rinig kong tawag ni Nay Rosa mula sa bukana ng bahay namin. Napamulat ako sa aking mga mata at nilingon ito. She's our maid since I was a kid.   "Tawag ka ng Daddy mo!" sigaw nito dahilan upang mapabusangot na naman ako.   Tumungo ako sa loob ng rest house namin at hinanap si Daddy. Nakita ko itong umiinom ng kape habang si Mommy naman ay nasa kwarto na nila at nagpapahinga na. Napagod yata dahil sa mataas-taas na byahe mula sa airport hanggang dito sa rest house namin.   "Yes Dad?" tanong ko rito.   "Kumain ka muna. You didn't ate something kanina before going here"  Inilapit niya ang toasted bread sa akin. Kumuha naman ako ng isang piraso at kinain yun dahil nakaramdam na rin ako ng gutom nang ma-amuyan ang mabangong auroma nito. Wala kasi akong gana kanina dahil sa sobrang excited akong makapunta rito.   We actually always go here before when I was still a child pero no’ng tumuntong ako sa edad na sampu ay napahinto ang pagbisita namin dito dahil magastos na at busy din sa work sila Mommy at Daddy.   I missed the place. Its clean environment, the auroma of the sea lalo na ang musikang nagagawa ng bawat alon sa dagat. Malayong-malayo sa kung anong meron sa syudad ng Maynila.   Hindi kami makatulog nila Daddy kaya nagkuwentuhan muna kami kasama si Nay Rosa sa sala hanggang sa tuluyan na ngang lumiwanag sa labas at nagpakita na ang haring araw.   "Tao po?" sigaaw ng isang matandang bosses sa labas. Nay Rosa went outside to check kung sino iyon.   "Oh, Per pasok ka" rinig kong sabi ni Nay Rosa.   Pumasok ang isang matandang may dala-dalang tungkod. Nang malaman ko kung sino ito ay agad akong napatakbo sa gawi niya at binigyan siya ng isang napakahigpit na yakap.   "Lola Peryang!" I gave here a hug ay nag mano ako rito. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti ng sobra. Matagal ko na siyang hindi nakita kaya sobra ko talaga siyang namiss.   "Manang" bati naman ni Daddy. Lumapit siya rito habang may bitbit na isang tasang may lamang kape. Nagmano din siya kay Lola and guided her to the couch.   "Nako! Tapos na akong magkape hijo. Salamat nalang." ngumiti ito.   The last time I saw her ay sobrang sigla pa niya. Maitim pa ang mga buhok at hindi pa kulobot ang balat. Matagal-tagal na rin talaga kaming hindi nakabalik dito. Maybe almost 15? 17? years...   "Ang laki mo na hija, nasa kolehiyo naka?" Tanong nito sa akin na nahahaluan ng bisaya.   "Graduate na po ako lola"   "Oy, mabuti naman pala. Anong kurso ba ang gikuha nimo?" Sabi niya na may halong bisaya.   "Architecture po, La" sagot ko   "Ah, congrats hija! Kadako naman nimo uy. Matagal na talaga mula noong last na balik ninyo dito. Hala uy, namiss ko man ikaw uy. Gamay ka pa noon jud." masayang sabi nito na napayakap pa sa akin kaya natawa na lang rin ako pati sina Daddy.   "Manaaaaang!" Agaw atensyong tawag ni Mommy kay Lola Peryang kahit nasa pangalawang palapag pa ito nang bahay.    Naiwan sila Mommy at Lola sa kusinang nag-uusap habang kami naman ay nag paalam munang magpapahinga muna, yung pagod kanina sa biyahe ay ngayon palang umepekto sa amin. Nakapagpahinga na rin naman si Mommy kaya go na go siyang makipag-usap sa matandang matagal na niyang hindi nakakausap.   We are not related ni Lola by blood pero kasi pag umuuwi kami rito noon ay siya lang palagi yung nalalapitan namin kapag may problema o kahit naman wala, except sa Lolo at Lola ko na sumakabilang buhay na. Hindi kami close sa ibang taga rito kaya noon pag nandito kami I used to go to their house at nakikipaglaro kay Buknoy at Sahya.   "Nasan na kaya yung mga yun?" Tanong ko sa sarili. Hmm baka tulog pa yung mga yun, maaga pa rin naman kasi. Naisip ko rin na its been years, baka nakalimutan na nila ako.   Hindi ko rin makita ang mga accounts nila sa social medias. I wonder kung wala silang ni isang gadget?   Nagising ako na papalubog na yung araw, kitang-kita ko yung paglubog ng araw sa labas ng bintana ko. Tila unti-unti itong nagtatago sa ilalim ng dagat. I captured a photo of it and posted it on my social media accounts.   My phone beeped. Kinuha ko ito and open Dani's message, my cousin. Himala at cellphone ang kinukulikot nito ngayon at hindi libro?   "Bring seafoods when you get home. Seafoods not boys!" sabi nito sa kanyang mensahe.   Ang gaga, kaka-graduate ko lang akala agad may pera ako atsaka anong boys? Wala nga akong gaanong kakilala dito! BOYS with S pa kaya? Hindi ko pa nga nakikita si Buknoy, kaya kahit boy lang wala talaga.   " Walang boy with S dito, wala akong pera. " reply ko rito.   " DON'T YOU DARE GO HOME WITHOUT BRINGING SEAFOODS! " napahilot ako sa sentido nang mabasa ang reply niya't napabuga nalang ng hangin. Siya na nga yung nang-uutos at nagpapadala siya pa yung galit! Ang hirap magkaroon ng demanding na pinsan.   Nireplyan ko nalang ito ng " okay " para matapos at manahimik na siya. Hindi ko pa alam kung kailan ako uuwi, mag u-unwind muna ako. Lalayo muna ako sa mausok na lugar ng Maynila. No to traffics muna ako ngayon and no to paper works muna. Kakagraduate ko lang at ayoko namang isabak agad ang utak ko sa trabaho. Chill muna dapat ako ngayon.   Siguro mga next week ay uuwi na sila Mom kasi they have works to do pa  sa kompanya namin. Samantalang ako at si Nay Rosa ay magpapaiwan muna rito.    I want my two months vacation to be very sulit here. I have planned the things na gusto kong gawin rito. I even wrote it para hindi ko makalimutan at para wala talaga akong makaligtaan kahit isa.   Binaling ko muli ang tingin sa labas.   "This is so breath taking." Wala na akong ibang masabi kundi sobrang ganda. Have never seen a sunset like this from our home in Manila. Iba talaga kapag dito mo siya masasaksihan  sa probinsya. I can feel the warm hug of nature on this picture.   Lumabas na ako ng kwarto na tahimik ang buong bahay. Nagpapahinga na siguro sila. Malayo-layo rin kasi ang biyahe patungo rito from the airport. Lumabas muna ako ng bahay at pumunta sa dalampasigan. Its already high tide again. Kaninang tanghali ang layo ng tubig dagat dahil sa low tide. Ngayon kaunting lakad nalang mula sa bahay eh maabutan na ng tubig ang mga paa ko.    Siguro bukas na muna ako maliligo. I'll just stroll the place dahil matagal na rin simula nung naparito ako.   I can see that there's a lot of changes sa bawat paglingon ko sa paligid. Kahit maliit pa ako noo'y may naaalala naman ako kahit kaunti. Yung mga bahay ng mga kapitbahay namin na noo’y mga kubo pa, ngayon ay halos semintado na. Yung iba namang lupain malapit sa tabing dagat ay ginawa na ring resort.   Kinuha ko ang mga sapin ko sa paa at binitbit ito. Naglakad-lakad ako habang nababasa ng malamig na tubig ng dagat ang mga paa ko. Malalaki ang mga alon kaya nagdala rin ito ng ingay na masarap sa pandinig ko.   Lumapit ako sa matayog na rock formation. I can still remember clearly noong mga bata pa kami ay inaakyat namin to, pero hindi kami maka-abot sa itaas kasi our short legs can't make it.   But it was before! Why not try it now?   Tulad ng dati ay isinuot ko ang mga tsinelas sa mga kamay ko. Its made by rubber kaya nag e-expand ang strap nito't naisuot ko hanggang sa mga braso ko.   I looked on the way to our rest house para tingnan kung nasa labas ba sila Mom. Great, wala sila sa labas! Walang makakakita sa akin! Bumuga muna ako ng hangin bago sinimulan ang pag-akyat.   “Kaya ko ‘to.” Bulong ko sa sarili. Noon pa man ay gusto ko na talagang mapuntahan ang kabilang banda ng lugar naming ito. Nakasirado kasi ang daan patungo rito kapag sa mismong daanan talaga kami dadaan. I’ve been hearing from our elders here before namaganda daw sa kabilang parte dahil mas puni at mas maputi ang buhangin nila roon. Kaya, I’ve been wishing na sana makapunta rin ako sa kabila. But I was just a little kid before at hindi ko talaga kaya akyatin ang rock formation lalo na’t natatakot ako na baka magasgasan ang mga binti ko.  Ang sabi din nila wala daw gaanong bahay roon kaya mas maganda roong maglaro. Kaya minsan, mas gusto ng  mga mas nakakatanda sa aming doon maglaro.   Humawak ako sa isang bato sa itaas at unti-unting umakyat. It took me minutes before getting there kasi takot akong masugatan pero kahit anong gawin kong pag-iingat ay nakatamo pa rin ako ng kaunting gasgas sa mga binti at braso ko. Ang saya! At last nakarating din ako dito sa tuktok.   I smiled widely when I reached the top. If I am still a kiddo this would be the best achievement that I have did. Ahw, my childy heart.   I faced the wide sea and look on the wonderfull view infront of me. The sky was well decorated with the birds freely flying on the atmosphere. Ang ganda, napapikit pa ako dahil sa napaka-peaceful na lugar. Dinadama ang simoy ng hangin.   Nang lingunin ko naman ang kabilang banda ay npa-wow ako agad. Totoo nga! Ang ganda! Excited akong napababa mula sa rockformation.   Naging madali nalang ang pagbaba ko cause they curved and formed a stairs on the rock formation's body, kaya no more scratches na! I continued walking on the fine sand of the place habang dala-dala ko na ang mga tsinelas sa kamay.   I hummed and sing a lullaby para aliwin ang sarili. Natatawang tila hinahabol ang pag-usad ng tubig dagat. Kapag lumapit naman ito sa akin ay natatawang tumatakbo ako palayo rito upang di mabasa.   Patuloy lang ako sa paglalakad ng mapatapat sa isang magandang bahay. Dahil sa pagkaka-aliw ko ay hindi ko na namalayang napadpad na pala ako sa isang private property.  Parang wala namang tao. I shrugged and just passed by.    Napalingon ako sa rock formation.   “Gosh! Hindi ko namalayan. Ang layo na pala ng nilakad ko.” Papadilim na rin.    Nagmamadali kong sinuot ang mga tsinelas at lalakad na sana pabalik, when someone just talked behind me.   "Who are you?"   "You're trespassing Miss."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD