Chapter Two
Nathaniel POV
" Ano na naman bang kalokohan to Marcus?!! Tanggalin mo nga itong piring na ito!! " halos mapaos na ako sa aking kakasigaw pero ang hudyo puro tawa lang at pambubuska ang tanging sagot.
"Cool ka lang kuya Nate, para sa ikakaligaya mo rin naman ang gagawin natin. Stag party mo di ba? huling araw mo na sa pagiging binata . kaya bibigyan ka namin ng alaala na hinding hindi mo makakalimutan y----------
"Putcha hindi ba at tumanggi na ako dyan!! ayaw ko ng pagsimulan yan ng pagseselos ng magiging asawa ko!! Lintik kang Marcus ka baka imbis na matu-----ahmmmmppp ------- wala na, wala na akong nagawa ng busalan niya ang aking bibig. Maluha luha ako sa mga pinaggagawa sa akin ng tarantado kong kapatid. Nanlaki lalo ang aking mga mata ng pwersahin niya akong patayuin sa kama at kinaladkad niya ako papalabas sa kwarto, kulang na lang hilahin niya ako dahil talagang ibinigay ko ang aking buong bigat sa paa pero wala na rin akong nagawa.
" Sorry kuya Nate pero talagang kailangan kong gawin sa iyo yan request niya yan eh kasi alam niyang tatanggi ka. Alam mo naman ako napakabuti kong kapatid kaya paliligayahin ka namin. Hahahaha." tangna oras lang talaga na makawala ako mula sa pagkakabusal at piring ko sa aking mga mata sasapakin ko siya. At sinong hudyo ang nag request na gawin akong katatawanan? Kung sino man yun malalaman ko rin. Itinaas ko ang aking dalawang kamay na nakatali at tatanggalin ko sana ang takip sa aking mga mata ng may humawak doon.
" Oops Montefalco, wag mong tanggalin. Surprise nga di--------- kilalang kilala ko ang boses na iyon. Its Ethan, ang lalaking malakas ang tama sa aking magiging asawa. Pero sino namang nag imbitida sa kanya. Hindi kaya p-plano niya itong kagaguhang pinaggagawa sa akin ni Marcus para di matuloy ang aming kasal.? Iniangat ko ang aking dalawang kamay at tinanggal ko ang busal.
" Buencamino anong ginagawa mo dito? Ikaw ba ang may pakana ng kabaliwan na ito. Ngayon pa lang tigilan mo na hindi na talaga ako natutuwa . Mapapatay talaga k----- umangat ako sa ere, naramdaman ko ang dalawang kamay na nakahawak sa aking kili kili at sa may paanan. Pumalag ako pero putcha malakas sila. Galit na galit na ako.
"Damn!! Shet kayong lahat! Ibaba niyo ako ayoko!! ayoko ng stag party na yan!! Marcus!! gago ka itatakwil kita oras na hindi matuloy ang kasal namin ni Nickita!! Ethan kung ikaw ang may pakana ---- naputol na naman ang aking mga sasabihin ng may ilagay sila sa aking bibig ulit mas mahigpit ang pagkakatali doon.
Inilapag nila ako sa lupa at may narinig akong nagbukas ng pintuan ng sasakyan. " Bakit ang tagal niyo? Mukhang pinahirapan kayo ni Nathaniel ah! Late na tayo nakahanda na daw ang lahat. Pati yung cake ayos na, marami na ring alak. " boses iyon ni Khal kung hindi ako nagkakamali.
" Sus ipasok niyo na yan at ng makapagsimula na tayo. Kating kati na ang aking lalamunan na masayaran ng alak, ilang linggo akong nasa mission gusto kong mag relax. Mabuti na lang at naisip niyo itong stag party na ito. "
Ayaw ko ayaw ko talaga. Alam mo yung pakiramdam na sasabog ka na sa galit dahil alam mo sa sarili mong pinagkaisahan ka nila. Yung tipong gusto mo ng manakit pero wala kang magawa. Iniisip ko pa lang ang mga mangyayari mamaya nanlulumo na ako, naiisip ko na agad ang mararamdaman ni Nickita kapag nalaman niya natuloy ang stag party na tinanggihan ko talaga dahil ayaw ko siyang magkaroon ng dahilan na hindi ako mapagkakatiwalaan lalo na at kapag stag party ang ibig sabihin merong mga babae, may alak, at puro kalokohan, puro tukso. Alam ko sa sarili kong hindi ko siya pagtataksilan pero ang isip ng mga babae ay iba at iyon ang iniiwasan ko.
"ahhmmmpppp!!! ahhhhfdjahfjdkfkd!!ahjfhdfhd" sigaw ko kahit hindi nila naiintindihan. Hindi ako natinag ng may magtulak sa akin papasok sa sasakyan itinukod ko ang aking dalawang kamay na nakatali pero talagang malakas ang hudyo. Di pa ito nakontento at itinulak pa ulit ako ng malakas para mas maipasok ako ng todo sa loob ng sasakyan. " Minumura na tayo ni Kuya Nate, Jigs, Khal. Malamang lamang oras na makawala yan makakatikim ako ng suntok. Kaya mas mabuti pang lubus lubusin na natin. Pahinging panali sa paa para hind na yan makapalag talaga. Para mas madaling buhatin papasok sa condo ko." Sumipa ako talagang sumipa pero may tumabi sa aking kaliwang gilid at alam kong is Marcus ang nasa aking kanan. "hjadshfgsdhfgsdfg!!skjhfdskjfksjfks!"
" Fvck!! hawakan mo kaya yang kuya mo Marcus! Nahilo ako dun ah, ang lakas manipa." boses iyon ni Ethan. Mabuti nga sa kanya, sana nga tumama pa iyong isang kong sipa para dumugo ang kanyang labi pero hindi na eh, may dalawang kamay na pilit pinagdidikit iyon at tuluyan na akong nasteady dahil nagawa nila akong itali mula sa dalawang kamay, dalawang paa, nakabusal kong bibig at napiring kong mata, ano pa nga ang magiging laban ko. Nanghihinang tumigil ako at sumandal na lamang. Pawis na pawis ako sa ginawa kong panlalaban. Oras lang talaga na maisipan ni Marcus na magpakasal sa simbahan at magkaron siya ng stag party gagantihan ko siya. Mas matindi ang ibibigay ko sa kanya. Yung tipong mabubugbog siya ni Maxene para maging patas kami.
Nanahimik ako, pinanatili ko ang aking sarili sa pagkakasandal habang umuusal ng panalangin, na sana isa lang itong panaginip. Mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan kung sino mang ang nagmamaneho ay gusto na niyang mamatay ng maaga. Kung tutuusin ilang 30 mins ang lalakbayin patungo sa condo ni Marcus kung sa normal na takbo ng sasakyan pero sa tingin ko makakarating kami doon 10-15 mins lang. " Samaniego! fvck! dahan dahan naman ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang makatabi pagtulog ang aking seksing asawa! gusto ko pang magkaanak ng isang dosena! Tangna di ko pa nga nabubuntis ang asawa ko papatayin mo na ako! Alak na alak lang! "
"Hahahhahahha! live to the ful---- ploook-----aray!!!---------
"Samaniego, ayusin mo ang pagmamaneho mo. May asawa at mga anak akong gusto pang makita. Kung ikaw wala ng kwenta sayo ang buhay mo wag mo kaming igaya sayo. Bukas na bukas rin bibigyan kita ng bagong mission tutal gusto mo naman ng thrill sa buhay mo. Ibibigay ko sayo yung hindi mo na nanaisin na matulog dahil baka malingat ka matigok ka na lan-------
"Fuentabella parang binibiro ka lang naman eh, I need to get laid ang siste ba dahil may mga asawa na kayo na nakakatabi sa pagtulog niyo wala na akong karapatan na maghanap ng babaeng makakasiping kahit isang araw lang? Gusto ko lang makaisa. Punung puno na to!" gusto kong tumawa dahil sa mga pinagsasabi niya. In other words tigang na tigang na si Jigs.
Bumagal ang takbo ng sasakyan. "Marcus, tapikin mo nga yang si Nate baka hindi na humihinga. " hindi tapik ang lumapat sa aking balat kundi batok.
putcha!! bullying ang nangyayari sa akin ngayon. "ahgfjhsdfjsahdfjhsajdf" pumiglas ako kaliwa at kanan itinaas ko ang aking dalawang kamay na nakatali at may tinamaan iyon.
"fvck!
"tangna naman eh!"
That feels good. " Buhay na buhat pa nanakit pa nga eh!"
"ajdfhjsdhfjshdjfshdjfsjdf" usal ko kahit hindi nila ko naiintindihan. Mura iyon. Malaman ko lang talaga kung sino ang pasimuno ng kagaguhang nangyayari ngayon mata niya lang ang walang latay. Nasaan kaya si Nickita? Mapatawad kaya niya ako dahil sa mga mangyayari. Ipinapangako ko kahit sinong babae ang lumapit sa akin, ang lumandi kahit maghubad pa siya sa aking harapan hindi ko siya papansinin. Tanging mukha lang ni Nickita ang aking iisipin. Ang napakaganda niyang mukha, idagdag mo pa ang seksi niyang katawan na wala akong pagkukumparahan. Ang amoy niyang di pangkaraniwan, yung nanunuot sa ilong mo at tatatak. At siyempre ang kanyang mga ngiting para lamang sa akin. Yun na lang iisipin ko mamaya. Kaya kong umiwas sa mga babae, ilang beses ko ng ginawa iyan simula ng aksidente ni Nickita. Pero balewala na lamang sila dahil ang babaeng nakaukit na sa aking isipan at puso ay siya.
"We are here."
"Sa wakas, the long wait is over."
"Kinikilig ako para sayo kuya Nate! fvck I wish---- hakdsfjkfd---
"At ang daldal mo talaga Marcus. Sige na kanina pa naiinip ang mga iyon. Tulungan niyo ako ilabas itong kuya mo at ang bigat bigat." wala na akong nagawa ng buhatin nila ako palabas ng sasakyan, ako lang din naman ang masasaktan kung papalag pa ako. Kaya hinayaan ko na lang sila sa mga balak nilang gawin sa akin. Nagpabigat ako ng husto para maramdaman nilang hindi ko gusto ang mga nangyayari para kahit man doon makaganti ako sa kanila.
"Tangna, ano bang kinakain mo Montefalco? Ang bigat bigat mo? Lumulunok ka ba ng bato o graba! s**t pakiramdam ko mas mabigat ka pa sa mga weights na binubuhat ko eh!"
"Wag ka ng madaldal, naririndi ako Ethan. Ilang hakbang na lang nasa pintuan na tayo ng condo ko. Ayusin mo ang pagkakapit sa kilikili nyan. Mata lang natin walang latay oras na magkapasa yan. Ibang klaseng magalit yung nagmamay ari dyan."
" Samaniego ano ba!! Pahirin mo ang laway mong natulo. Di ka mauubusan ng babae mamaya. Takam na takam lang talaga. "
Creaaakkkk----
"Nandito na silaaaaa!!! Magready na kayo. Joyce ihanda mo na yung upuan, ilagay mo na sa gitna. Turn off the lights buksan nio lang nasa gitna. Turn the music on girls!! Bilis ang daming gwapo!! shocksss!! mga availble pa ba ang mga iyan?!! " dun na ako nagsimulang pagpawisan ng malapot, gayung nakafull blastt yata ang aircon ni Marcus sa condo. Nanindig ang aking mga balahibo ng marinig ko ang klase ng tugtog na pumapainlang lang sa paligid. Shet!! shet!! yung tipo ng tugtog na magpapagising sa kalibugan mo.
"Naku hindi na Trina, may mga asawa na iyan. Wag na wag mong lalandiin lalo yung asawa nung Maxene, naalala mo kung paano tumingin yun kanina. Akala mo papatayin na tayo eh. Langya! tumirik yata mga buhok ko dun sa takot. Ang ganda ganda pa naman pero ang bunganga parang armalite eh. Natakot ng husto sa mga mata nun, tingin pa lang hindi ka na makakagalaw eh. "
"Misis mo daw Marcus, nakakatakot." nagtawanan silang lahat. Habang ako ay di na mapakali. Naramdaman kong ibaba na nila ako. Iniupo nila ako sa isang matigas na bagay. Nanigas ako sa aking pagkakaupo ng may maramdaman akong humawak sa aking mga paang nakatali. Kinalag iyon kaya nakahinga ako ng maluwag, wag naman sanang babae ang lalapit sa akin. Wala sanang magvideo ng karumaldumal na mga mangyayari ngayon.
" Ready na."
" Kuya Nate, I promise you, you will really really enjoy it. Naiinggit ako sayo. pakyu ka!!" Naiinggit siya, eh kung magpalit kaya kami ng pwesto. Hindi kainggit inggit ang mga mangyayari.
"Tanggalin mo na yung tali sa mga kamay, palitan mo ng posas. " nanlaki ang aking mga mata ng dahil doon. Tumayo ako pero may dalawang kamay na pumigil sa akin at pinaupo ako ulit. "Kalma ka lang Montefalco, sandali na lang ito. "
"asjhfjsdehfjshdfjsdjfdshf" usal ko, hindi kung wala akong takip sa bibig sigaw ang lalabas doon. Natanggal ang tali at may kung anong malamig na bagay na dumikit sa aking balat. " Click" hudyat ng nailock na iyon. Ikinilos ko iyon pero humigpit at masakit sa balat.
"Tanggalin niyo na yung busal at piring sa mga mata para mas maenjoy niya mga boys ang mga mangyayari. Tingnan ko lang kung di yan tayuan sa seksi ng sorpresa natin sa kanya. Makakalimutan mo ang birthday mo Mister Nathaniel Montefalco. "
Ikinurap kurap ko ang aking mga mata, wala akong maaninagan dahil sa tagal ng piring ko kanina. Nakakahinga na rin ako sa bibig dahil nawala na doon ang aking busal. Madilim at nakakahilo ang ilaw na umiikot ikot sa paligid. Iba iba ang kulay noon. Papalakas ng papalakas ang tugtog. Iniikot ko ang aking paningin, kahit hindi pa gaanong malinaw napansin kong ako ang sentro ng atraksyon. Literal na nasa gitna ako habang nakaposas at nakaupo. Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko magawa dahil namamanhid ang aking mga paa at binti tila ba nawalan iyon ng lakas. Hinanap ko sa paligid ang aking kapatid at ang mga salarin sa pagdadala sa akin dito. Ngunit hindi ko sila makita.
Ikinurap ko pa ng ilang beses ang aking mga mata ng mapansin ko ang malaking box ng regalo sa aking harapan. Ilang hakbang lang iyon sa akin. Napakalaki noon kulay puti at may pulang ribbon na nakatali kasya yata doon ang limang tao kung susumahin mo. Hindi naman siguro gaya ito ng aking iniisip, wala naman sigurong babae---------
"Marcus Montefalco!! I swear isusumbong kita kay Maxe-----pumailanlang ang tugtog na iyon na nanghaharuyo.
You're the light, you're the night
You're the color of my blood
You're the cure, you're the pain
You're the only thing I wanna touch
Napako ang aking mga mata sa pagbukas ng malaking regalo na iyon. At kahit inaasahan ko na ang aking makikita hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon. Sa pagbukas ng regalo ay may isang babaeng nakatayo doon. Nakasuot ito ng itim na negligee, mababa ang neckline, hapit na hapit sa kurbada ng kanyang katawan ang kanyang suot suot. Maiksi iyon na halos umabot lamang sa hugpungan ng kanyang mga hita. Nakaboots ito mataas ang takong noon at abot iyon sa tuhod. Matangkad ang babae. Naka maskara ito. na gawa sa lace tanging mata at labi lamang ang makikita mo. There something familiar-------
You're the fear, I don't care
'Cause I've never been so high
Follow me through the dark
Ohh f**k!! fuckity fuckity! f**k!! " Marcus!! tangna ka talag----- pinilit kong tumayo dahil talagang kinikilabutan ako kung hahawakan mo ako lahat ng balahibo ko nakatayo, pinagpapawisan ako ng husto dahil nadadala ako sa pag imbay ng balakang ng babaeng sumasayaw ng mabagal sa aking harapan. Sensual na sensual ang kanyang kilos. Kagat kagat nito ang pang ibabang labi habang nakatingin sa akin. Napalunok ng aking sariling laway ng tumalikod ito ng marahan at umimbay pakaliwa at kanan ang kanyang baywang na kayang kayang sapuin ng aking mga kamay.
Let me take you past our satellites
You can see the world you brought to life, to lifeSo love me like you do, lo-lo-love me like you do
Tahimik ang mga tao sa paligid, baka nga naririnig nila ang t***k ng aking puso. At gusto kong magtungo sa banyo sa klase ng init na ginagawa ng babaeng ito sa aking harapan. Ni hindi pa nga siya lumalapit sa akin at hindi ako hinahawakan papaano pa kaya kung gawin niya iyon. Tumaas ang kanyang dalawang kamay dahan dahan iyon bumaba sa kanyang batok at patukso tuksong nilalaro ang pagkakabuhol ng tirante ng kanyang negligee na para bang gusto niyang hubarin. Nakalantad sa aking ang kanyang buong likod na makinis. f**k!! tanging si Nickita lang ang nakapag bigay ng libog sa akin ng ganitong katindi.
Love me like you do, lo-lo-love me like you do
Touch me like you do, to-to-touch me like you do
What are you waiting for?Fading in, fading out
Nakatali ang kanyang buhok, gusto kong makita ang mukha ng babaeng ito na sumasayaw sa aking harapan, dahil natitiyak kong kilala ko ito. Halos mawalan ako ng malay ng humarap ito ng marahan. Tinitigan niya ako, umimbay ang kanyang baywang ng marahan kasabay sa saloy ng musikang nagpapatindi ng aking nararamdaman. Malambot ang kanyang katawan, ang bawat kilos nito ay hindi naman bastusin pero alam ko ng sa mga mata ng lalaking nasa paligid alam kong nangyayari rin sa kanila ang nangyayari sa akin. Pero hindi ko maintindihan ang aking sarili kugn bakit gusto kong haltakin ang babae, ipasok sa kwarto at ikulong.
Fvck!! nagkakasala ako kay Nickita!!? Sino ba ang babaeng ito?
On the edge of paradise
Every inch of your skin is a holy grail I've gotta find
Only you can set my heart on fire, on fire
Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Umatras ako at nalimutan kong nakaupo pa ako sa silya. Natatakot ako sa babaeng ito na nakakapagpalimot sa akin kay Nickita! " M-Miss-- mahal ko ang ma-mapapangasawa ko kaya fvck! wag kang lalapit------- nakarinig ako ng tawanan ng dahil doon pero gusto kong magwala dahil walang nakakatawa sa sitwasyon. Pero tila siya bingi at lumapit siya, habang kumikembot. Ang pang upo niya grabe!! Ipinikit ko ang aking mga mata at naidilat ko iyon ng biglaan ng lumapat sa aking dalawang braso ang kanyang mainit na kamay. Ang daming kuryente! Napapitlag ako at tumayo pero ang babaeng sumasayaw sa aking harapan, pinigilan ako sa pamamagitan ngpag upo, umupo sa aking mga binti. nasa magkabilang tagiliran ko ang kanyang dalawang binti.
"Whoaaaah!!hoooohhhhhh" sigaw nila sa paligid. Samantalang ako ay nabatubalani na sa kanyang kagandahan na natatabunan ng maskara. At ang kanyang labi. Lumabas ang kanyang dila doon at pinadaanan nito ang kanyang pang ibabang labi. Shet! Gusto ko siyang kuyumusin ng halik---------
Paulit ulit niyang ginawa iyon habang titig na titig sa aking magiging reaskyon. Lunok ako ng lunok. Parusa ito, parusang parusa. Nagsimula siyang umimbay ulit sa aking ibabaw at alam kong ramdam niya ang katigasan ko sa pagitan ng aking mga binti dahil paulit ulit niyang sinasanggi iyon na lalong nakapagpagalit sa aking mga ugat. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa dahil at the back of my head ang sarap kahit kasalanan. Yumuko ito at pabirong binugahan ng hangin ang aking kaliwang tainga.
Yeah, I'll let you set the pace
'Cause I'm not thinking straight
My head spinning around, I can't…
That smell, that f*****g familiar smell na sinubukan niyang tabunan ng pabango. Ang natural na reaksyon ng aking katawan sa kanya. Tangna!! " Kiss me Love. " bulong niya sa aking kaliwang tainga.
The chain on my two hands rattle in anger.
fvcking hell!! this is my future fvcking wife whose body was full on display!!!
Source: LyricFind