Ang tahimik ng unit.
Pero sa loob, parang may bagyong dumadaan.
Alaric stared at the condo unit one last time — the place that once felt like freedom. Luxury. Control.
Ngayon, wala na itong saysay.
May dala siyang trash bags. May mga kahon sa sahig. May mga frame na nakatumba na. And on top of one table — photos. Dozens of them.
Pictures of him with women.
Lahat may iba-ibang mukha.
Iba-ibang katawan.
Iba-ibang alaala… na walang saysay.
Isa-isa niyang pinulot ang mga ito. Tahimik lang siya. Walang kausap.
Until a knock on the door broke his stillness.
Pagbukas niya, nandoon sina Eli at Zion.
“Let’s finish this,” Eli said, eyes scanning the mess.
Zion gave a small nod. “Simulan na natin bago ka pang umatras.”
Two Hours Later
Nakalatag na sa sala ang buong kasaysayan ng pagiging playboy ni Alaric.
Perfumes. Gift wrappers. Love notes. Silky lingerie na naiwan. Framed photos from nights he barely remembered.
“Nakakadiri pala tingnan ‘pag sabay-sabay,” bulong ni Zion habang pinupunasan ang pawis.
“Bro…” Eli raised a photo. “You kissed this chick with your eyes open.”
Alaric snatched the photo, dropped it in the trash. “Tigilan niyo nga.”
But there was no humor in his voice.
Hindi ito biro.
Serbisyo ito ng paglaya.
Later That Night – Rooftop Parking Lot
May maliit na fire drum na nakatayo sa tabi ng basurahan. Tahimik. Malamig ang hangin.
Hawak ni Alaric ang lighter. Isa-isa niyang pinapaso ang mga litrato.
“Wala na,” bulong niya.
“Wala nang sila. Wala nang ikaw… noon.”
Eli watched silently, arms crossed.
Zion tossed another stack into the fire.
“Alaric,” Zion finally said, “sigurado ka bang kaya mong talikuran lahat ng ‘to?”
“I don’t want this life anymore,” sagot niya. “Ang gusto ko lang… siya.”
“Stine,” Eli said softly.
Tumango si Alaric.
“Kung kailangan kong sunugin ang buong pagkatao ko para makumbinsi siyang totoo ako sa kanya — gagawin ko.”
The flames crackled louder.
And with each burning photo, each torn memory, each trashed memento — naalis ang bigat sa dibdib ni Alaric.
By Midnight
Wala na.
Clean na ang condo. Maluwag. Walang history.
Just one small duffel bag remained — mga gamit niya lang, ready to move out.
“Benta secured,” sabi ni Zion habang chine-check ang phone. “May bibili. Cash. Bukas ang turnover.”
Alaric nodded, tired but light.
“Salamat, mga bro.”
Eli walked up to him, clapped him on the shoulder.
“Now prove it.”
Alaric gave the smallest smile. “I will.”
Pagkatapos ng matinding araw ng paglilinis, pagbebenta, at pagsusunog ng nakaraan, isang bagay na lang ang natitira: ang bagong simula.
Tumigil ang elevator sa 10th floor ng bagong condo building sa Quezon City.
May duffel bag lang siya sa balikat, at isang keycard sa kamay. Pagod pero buo ang loob.
Binuksan niya ang pinto ng bagong unit.
Minimalist. Presko. Walang bakas ng nakaraan.
“Finally,” bulong niya.
Nagulat sya noong may lumabas sa unit na katabi ng unit nya (condo unit ni Stine-sinadya nya talagang ito ang bilhin nya kasi katabi ng condo unit ni Stine)
.
“Pre, hintayin mo nga, naiwan ko wallet ko!” si Ram.
“Bilisan mo. May meeting pa tayo,” sagot ni Theo, lumabas na sa hallway.
Sabay silang lumingon.
Nagkagulatan.
Alaric.
Theo.
Ram.
Parang tumigil ang mundo ng ilang segundo.
“Oh what the f—” Theo didn't finish. Sa isang iglap, lumapit siya at itinulak si Alaric papasok sa loob ng unit.
Pak!
Isang suntok sa dibdib. Hindi brutal, pero sapat para ipakita ang galit.
“Anong ginagawa mo dito?!”
“Relax!” Alaric raised his hands, gulat at hingal. “Unit ko ‘to.”
“Unit mo?” Ram’s brow furrowed.
“Oo. Bago kong bili. Kakalipat ko lang—like, now.”
Theo stepped back, eyes still suspicious. “Gago, dito ka bumili ng unit? Sa tabi mismo ni Stine?!”
“Hindi ko sinasadya,” sagot ni Alaric, totoo ang tono. “Sinabi lang ng broker na available, malapit sa Q. U. — hindi ko alam na siya pala ang kapitbahay, pagsisinungaling nya”
“Hindi mo alam? Or sinadya mong maging ‘closer’ sa kanya kahit ayaw ka na niya?” Theo’s tone was sharp, defensive.
Alaric met his glare. “I swear. Hindi ko ‘to plinano. Pero kung binigay sa’kin ng tadhana ‘to, gagamitin ko ng tama.”
Napatingin si Ram sa loob ng unit, sa bagong setup, sa kahon ng mga bagong gamit.
“Saan ka galing after mo ibenta ang unit mo?” tanong ni Ram.
“Dito ako dumiretso. At kung ako lang ang tatanungin…” Huminga siya ng malalim. “Gusto ko siyang muling mapasaya. Kahit sa kabilang pinto lang ako, basta makakabawi.”
Tahimik.
Seryoso ang mukha ni Theo. Pero hindi na gano’n kasing tigas gaya kanina.
“‘Di ka namin hahayaang sirain mo ulit siya,” ani Theo.
“I won’t,” sagot ni Alaric. “This time, I’ll protect her. Even from myself.”
Tahimik ulit.
Pero hindi na ito yung tahimik na galing sa gulat — kundi tahimik na may mabigat na bumabagsak sa pagitan nila.
“Alam mo ba kung gaano siya nasaktan?” Ram finally spoke, calm — but sharp like a blade.
Alaric swallowed. “Oo—”
“Hindi, hindi mo alam,” Theo cut in. “Kasi kung alam mo lang talaga, hindi mo kami titingnan nang ganyan at aasa kang makakabawi ka agad-agad.”
Alaric clenched his fists.
Theo stepped closer. “Alam mo bang umiiyak siya habang naliligo? Alam mo bang halos hindi namin siya mapakain? Si Stine ‘yon, bro. Yung palaging matatag, palaban, matapang.”
“Pero nung iniwan ka niya—nung nilayuan ka niya—para siyang gumuho.” Ram’s voice cracked with sincerity.
Alaric looked down.
“Wala ka doon nung umiiyak siya sa condo ni Theo, habang nakabalot ng kumot’ Theo’s jaw tightened.
Alaric shut his eyes. “I know… I f*cked up.”
“You didn’t just f*ck up,” Ram snapped. “You broke her.”
Theo sighed, then softened—just slightly.
“Gusto mong maniwala kami na nagbago ka? Fine. Pero bago mo pa makuha ang tiwala ni Stine… kailangan mong ipakita ang sincerity mo .”
Alaric looked up, voice low. “I’m ready. Kahit anong gawin ninyo, kahit gaano kahirap. Gusto ko lang ng chance… para ipakitang totoo ang nararamdaman ko.”
Ram crossed his arms. “Walang shortcuts. Hindi lang ito flowers and pa-cute.”
Theo added, “She doesn’t need a boy who’s sorry. She needs a man who’s certain.”
Alaric nodded.
“I’ll prove it.”
“Then start proving it,” Theo said as he turned to the door. “We’re watching.”
"Help me set-up for a grand apology , please," nagkatinginan sina Theo at Ram.
“Alaric, seryoso ka ba?”
Kinabukasan:
Ram stared at him, habang binubuhat ang isang flower arrangement papasok sa condo. “You really bought this place… then nilagay mo sa pangalan ni Stine?”
Alaric, sweaty and tired, nodded while carrying a box of fairy lights.
Napahinto si Theo sa pag-aayos ng mga candles sa dining table. “Putangina… ikaw ba ‘to, Alaric?”
Ngumiti lang siya ng matamlay.
“Ibinenta ko ang condo ko. Sunog na lahat ng alaala ko ng mga babae sa nakaraan ko. Lahat ng gamit na may kinalaman sa dati kong pagkatao — tinapon ko. Lahat ng bulok, lahat ng walang kwenta. Iniwan ko na.”
“Pero ito…” tumingin siya sa paligid ng bagong unit. “Ito ang bagong simula. At gusto kong magsimula kasama si Stine. Kung papayag siya.”
Start of the Setup
Nag-umpisa silang tatlo.
Si Theo ang bahala sa lighting and atmosphere — naglagay ng warm yellow string lights sa balcony, soft dimmable lamps sa mga sulok ng sala, at scattered candles sa bawat table corner.
Ram was in charge of flowers and table setup — roses, baby’s breath, lilies. “Wag puro red, masyado nang cliché,” sabi niya. “Lagyan natin ng white and peach — parang clean slate, bro.”
Alaric? He handled the personal touches.
May naka-display na handwritten letters sa center table — apat. Isang letter para kay Stine ngayon, at tatlong iba pa para sa “kung sakaling mahalin mo rin ako,” “kung iniisip mong umalis,” at “kung pinapatawad mo na ako.”
Frames were hung temporarily — mga polaroid shots nila ni Stine during past events. Yung mga stolen shots niya sa business meetings, charity events, at Tagaytay trip nila. Walang halong landi. Pure admiration lang.
“Alam mo, bro,” sabi ni Theo habang kinakalabit ang ilaw, “kung ‘di ka pa nagsimula as fuckboy, baka perfect boyfriend ka.”
Ram laughed. “Sayang lang, late mo narealize.”
Alaric smiled faintly. “I deserve that.”
That Afternoon – The Final Touches
“May pa-music ba tayo?” tanong ni Ram habang pinapatong ang centerpiece.
Alaric pulled out his phone. “I made a playlist. Puro instrumental — yung mga kanta ni Stine na pinapakinggan niya habang nagwo-work sa laptop.”
Theo whistled. “You really went full simp, huh?”
“Hindi simp,” Alaric corrected. “Lalaking umaamin ng pagkakamali.”
Tahimik. Ram and Theo both looked at him seriously.
“Sigurado ka na ba talaga?” tanong ni Theo.
“I’ve never been more sure.”
That Night – Final Moment Before the Storm
Madilim na. Kumpleto na ang setup. May fairy lights sa kisame. May scattered petals sa hallway ng condo. May projector sa side wall na magpi-play ng voice message ni Alaric sa huli.
“Pre,” Theo muttered, “handa ka na ba?”
Alaric fixed his shirt. White polo. Slacks. No accessories. Just clean, sincere, vulnerable.
“No,” he answered honestly. “Pero kailangan ko siyang harapin. Kailangan niya akong marinig.”
“Kung hindi mo siya ma-win tonight?” Ram asked.
“Then I’ll still love her,” Alaric said, almost whispering.
“Let’s bring her home,” Theo finally said.