Tahimik ang buong linggo para kina Alaric at Stine. Walang drama, walang selosan—at least sa harap ng mga tao. Pero sa likod ng mga forced meetings, polite greetings, at business functions, pareho silang balisa. Lalo na pagkatapos ng trip nila sa Japan na nag-iwan ng maraming tanong sa puso nila.
Pero parang sinadyang guluhin ulit ang mundo nila… ng multo mula sa nakaraan ni Alaric.
Isang tanghali, nasa isang luxury hotel lounge sa Makati si Alaric para sa business meeting. Isa ito sa flagship properties ng pamilya nila. Maaga siyang dumating. Tahimik siyang nagbabasa ng mga report, tahimik, composed, calm.
Then—
"Ricky?"
Napatigil siya. Walang ibang tumatawag sa kanya ng gano'n kundi—
"Clarisse," he muttered, agad na nag-angat ng tingin.
Nakatayo sa harap niya si Clarisse, ex niya noong college. Maganda pa rin. Naka-cream dress, designer ang bags, at may aura pa rin ng classy confidence. May ngiti sa labi at may hawak na familiarity sa mga mata.
"Long time no see," sabi nito. "Narinig kong nag-expand na kayo. I thought I'd stop by."
Napilitan siyang ngumiti. "Umupo ka na."
Umupo si Clarisse at agad nagsimula ng kwento—tungkol sa Singapore, sa modeling gigs niya, at sa mga taong pareho nilang kilala. Chill lang si Alaric. Nagre-respond siya pero hindi buo ang focus niya. Wala na siyang nararamdamang romantic para kay Clarisse. Pero andun pa rin 'yung discomfort. Na parang may mali, pero hindi niya maipaliwanag.
Hindi nila napansin… may matang nanonood sa kanila.
Stine had just arrived. May meeting dapat siya sa supplier sa parehong hotel. Nasa entrance pa lang siya, nagre-reply sa message, nang mapansin niya ang pamilyar na silhouette ni Alaric sa loob ng lounge.
Natahimik siya.
Nakaupo si Alaric sa table… at kaharap ang isang magandang babae na parang sanay na sanay sa kanya. Tawanan, hawakan ng braso, at isang kiss sa pisngi. May something intimate, something familiar sa kilos nila.
Nanigas si Stine.
Hindi niya maintindihan kung bakit masakit. Pero nasasaktan siya. Alam niyang wala silang label. Wala silang anything, technically. Pero meron silang moments. Confusing. Passionate. Real. At ngayon, parang wala lang 'yon kay Alaric.
Napakabilis ng t***k ng puso niya. Bago pa siya mapansin, tumalikod na siya at umalis.
---
Hindi sinabi ni Stine kahit kanino ang nakita niya. Hindi sa parents niya, hindi kina Theo, Jace, or Ram. Tinago niya. Kinimkim. Hinayaan niyang sumakit lang sa loob.
Buong araw siyang tahimik. At sa gabi, pagkatapos ng dinner with her parents, niyaya siya ng barkada niya sa rooftop bar sa QC. Gabi-gabi na nilang tambayan.
"Hoy, anong problema mo?" tanong ni Ram, habang inaabot ang second round ng drinks.
Ngumiti si Stine pero pilit. "Wala. Pagod lang."
"Hindi 'yan 'pagod' look," sabi ni Jace. "Mukhang ‘nasaktan ako pero di ko pwedeng aminin’ look."
"Guys, seriously. Chill. I'm fine," depensa niya, pero hindi rin siya makatingin sa kanila nang diretso.
"Alaric?" tanong ni Theo, diretso sa punto.
Natigilan si Stine. Mahigpit ang hawak niya sa baso.
"Wala kaming dapat pag-usapan tungkol sa kanya," sabi niya, kalmado pero malamig.
"Okay… noted," ani Theo, pero alam nilang hindi 'yon ang totoo.
Then someone new approached.
"Excuse me, is this seat taken?"
Tumigil ang mundo saglit ni Stine. Si Nathan—kaibigan ni Theo. Clean-cut, polite, well-spoken. Ilang beses na niya itong nakasama, pero ngayon lang siya napansin talaga.
"Nope. All yours," sagot agad ni Jace, habang kinikindatan si Stine.
Umupo si Nathan sa tabi niya at agad nagsimula ng casual conversation. Light lang. Chill. Walang pressure. Unlike Alaric na laging intense, laging may tension. Si Nathan, parang fresh air. Tahimik. Maayos. Safe.
Nang inalok siyang ihatid pauwi that night, hindi siya tumanggi.
At nang nag-text ito kinabukasan para yayain siya mag-kape, nag-yes siya.
---
Within the week, ilang beses na silang nagkita. Dinners. Coffee. Calls. Walang ligawan, pero halata sa galaw ni Nathan na interesado siya. At sa dami ng tanong ni Theo at kilig ni Ram at Jace, halos ayaw na nilang bitawan si Stine.
Pero kahit anong pilit ni Stine, may kulang.
Walang spark. Walang tension. Walang... Alaric.
Pero ini-enjoy niya ang peace. Ang calm. At higit sa lahat, wala ang sakit.
Until isang araw, habang nasa isang corporate event siya—isang function para sa joint charities ng Navarro at Ybañez Group—narinig niya ang pamilyar na boses.
"Stine."
Bumaling siya. Andun si Alaric. Matangkad, guwapo, as usual. Pero ang mata nito... diretsong tumingin sa kanya.
At nakita niya. Nahulog ang tingin nito sa kamay ni Nathan, nakahawak sa kanya. Lightly. Affectionately.
Umiwas siya ng tingin, pero hindi niya mapigilan ang t***k ng puso niya.
Napansin niya ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon ni Alaric. Bahagyang kinuyom ang panga. Bahagyang napalalim ang tingin.
But she turned away.
Wala siyang utang na paliwanag. Hindi siya ang naunang nasaktan.
Let him watch.
Let him regret.
Pagkatapos ng awkward run-in sa café, Stine tried to pretend everything was normal. Pero habang tumatagal ang gabi, mas lalong hindi siya mapakali.
Nathan, ever the gentleman, offered, "Hatid na kita pauwi, Stine. It's getting late."
She nodded, grateful for the exit.
Sa baba ng café, nakita niyang nakatayo pa rin sa parking lot sina Alaric at ang dalawa nitong kaibigan. Zion was smoking, Eli was typing on his phone, at si Alaric... he was leaning on his car, arms crossed, eyes dark — nakatingin diretso sa kanya.
Naglakad si Stine papunta sa car ni Nathan with her chin held high, pretending not to notice the burning gaze following her every move.
Nathan opened the car door for her. “Milady,” he joked.
Stine chuckled. “Ang corny mo.”
“Pero effective,” he grinned. “Napangiti kita.”
Before stepping in, she felt a prickle on her skin. Alaric was still watching. That unreadable expression. Intense. Possessive.
She got in and shut the door.
Sa loob ng sasakyan, tahimik si Stine for a while.
“You okay?” tanong ni Nathan habang nagmamaneho palabas ng BGC.
She nodded. “Yeah. Just tired.”
He didn’t push. Instead, he adjusted the AC, played soft indie music, and let her rest her head sa side ng bintana.
After a few minutes, he said softly, “Stine…”
“Hm?”
“I know hindi pa tayo close. And I’m not trying to pressure you into anything… pero gusto ko lang malaman mo. I like spending time with you.”
Nagkibit-balikat si Stine. “That’s sweet.”
Nathan smiled. “And if you’re willing… I’d like to get to know you more. No pressure. No games. Just… honesty.”
That moment, Stine looked at him. He was calm. Warm. The kind of guy na pwede niyang ipagmalaki sa mga magulang niya. Sa mundo. The kind of guy who wouldn't break her heart.
Pero iba pa rin ang t***k ng puso niya.
“Thanks, Nathan. You’re... really kind.”
“Kind?” he laughed. “Usually a kiss of death ‘yan sa mga lalaki.”
“Hindi. Totoo,” she smiled. “That’s rare.”
Pagdating nila sa bahay ni Stine, he parked sa tapat ng gate.
“I’ll walk you to your door,” sabi ni Nathan, already stepping out.
“Hindi na, okay lang—”
“Wala nang okay lang. Gabi na.”
He opened the passenger door and held out his hand. She took it.
sasamahan na kita sa taas. Madaling araw na, baka may stalker d'yan o lasing,” Nathan teased.
Stine rolled her eyes but smiled. “Fine. Pero 10th floor ako ah, baka mapagod ka sa elevator ride.”
He grinned. “Para sa'yo, kahit 50th floor pa.”
Tahimik silang dalawa habang nasa elevator. Both pretending the air wasn’t thick with something... not quite friendly anymore.
Ding.
Paglabas nila sa 10th floor, tumigil sila sa tapat ng pinto ng unit ni Stine. She pulled out her keycard, hesitated a bit, then turned to Nathan.
“Gusto mo ng tubig? Or coffee?” she offered casually, acting as if hindi unusual ang pag-imbita niya sa condo.
Nathan looked at her, eyes crinkling with amusement. “Alam mo ba, 'yan usually ang linya kapag gusto pang tumagal ang kwentuhan?”
Stine smirked. “Baka gusto ko lang talaga ng company. Or baka natetempt na ako lagyan ng laxative ang kape mo.”
He laughed. “Kahit pa. Tempting pa rin.”
She swiped the keycard, the lock clicked, and the door swung open to her cozy, minimalist condo unit. White walls, warm lighting, touches of pastel décor. Maaliwalas.
“Come in,” she said.
Nathan stepped inside, looking around. “Wow. This is... very you.”
“How would you know what ‘me’ looks like?” she raised an eyebrow.
“Observant ako,” he said, settling on the edge of her couch.
Stine headed to the kitchen. “Water or coffee?”
“Coffee. Kahit 1AM na. Kaya pa 'to,” he answered, eyes following her figure habang naglalakad. He quickly shook off the thought.
Habang nagpre-prepare siya ng 3-in-1 sa counter, naramdaman niya ang presensya ni Nathan na lumapit.
“You really okay?” he asked, leaning on the kitchen island.
“Hmm?” she glanced at him.
“Kanina lang. You looked… tense. Lalo na nung nakita mo si Alaric.”
She blinked.
Caught.
“Okay lang ako,” she lied.
“Sigurado?” he asked gently.
Tumango siya. “Nathan… you’re nice. Sobrang bait mo. But I’m not sure I’m in the right place emotionally to—”
He cut her off. “I know. Hindi ako nagmamadali. I just want to be someone you can rely on.”
Stine looked down at the cup in her hand. Her heart tugged a little. Sana siya na lang. Sana pwede.
Pero may humahawak pa rin sa kanya sa nakaraan — sa gabing ‘yon. Sa lalaking iyon.
Nagkatinginan sila sandali. Hindi romantic. Hindi rin awkward. Just two people navigating something almost but not quite right.
Stine handed him the cup of coffee. “Stay for a bit. Just talk?”
Nathan smiled. “Sure. Gusto ko nga malaman kung bakit may pink unicorn pillow ka sa couch.”
She laughed. “Hay nako. That’s Princess Puff. Off-limits yan.”
They both sat on the couch, coffee in hand, stories exchanged. Light banter. Soft chuckles.
Habang, tumatagal ang kwentohan nila, may biglang nag doorbell ng paulit ulit oarang nagmamadali.. parang galit na galit ang nasa labas ng unit..