01

1649 Words
01 For Layla, every morning felt the same: her, waking up in Declan's arms and she'll kiss him until he wakes up. After waking up, they will cuddle for a bit and got up for breakfast before going to work. But this morning felt different. Nagising siya sa ibang kuwarto at hindi sa kuwarto ng kasintahan. Fear consumed Layla's body while roaming her eyes around the room. "What happened?" She whispered under her breath. Pilit niyang inalala at hinalukay sa utak kung anong nangyari at napunta siya sa hindi pamilyar na kuwarto. Terror overtook her face upon realizing something. Habang pauwi sa bahay nila ni Declan ay may nagtakip sa ilong niya ng panyo at. . . "Anong nangyari matapos niyon?" Wala sa sariling tiningnan niya ang ilalim ng kumot para siguraduhing ligtas ang katawan niya. Malakas naman siyang napabuntong hininga nang mapansing walang pinagbago, nakasuot pa rin siya ng damit. Hindi rin nakatali ang kamay niya kaya mas lalong kumunot ang noo ni Layla. "Am I kidnapped?" "No, you're not." Bahagyang natigilan si Layla sa pag-iisip bago nag-angat ng tingin para tingnan kung sino ang nagsalita. Her eyes widened upon seeing who it was. "Ezekiel. . ." she trailed off. "Hindi kita kinidnap kung iyon ang naiisip mo. I saved you from being miserable, you know?" Malamig na turan ng binata at umupo sa kama. Layla was alarmed. Mabilis siyang bumangon at umalis sa kama para lumayo sa binata. She can't be with him. Akmang aalis na siya nang magsalita ang binatang kinatatakutan niya. "Alam mo bang nakahanda na ang marriage proposal sa iyo ni Declan?" Bahagyang natigilan si Layla dahil sa narinig at muling tumingin kay Ezekiel. "W-What?" She stammered. "See? Sabi ko naman sa 'yo, iniligtas kita sa pagiging miserable. Kung hinayaan kitang umuwi, baka fiancé mo na ngayon ang lalaking iyon." She bit her lower lip before looking away. "Kailangan ko ng umalis. Declan is waiting for me," saad niya at akmang hahakbang na muli palayo nang magsalita si Ezekiel. "Hindi ka man lamang ba magtha-thank you? I just saved you from him—" "Bakit naman ako magpapasalamat? You ruined his proposal. Baka hanggang ngayon, naghihintay pa rin iyon. It was all your fault. . . Baka magalit sa akin si Decla—" "f**k it, Layla!" Natigilan siya dahil sa biglaang pagsigaw ni Ezekiel. Her lips quiver in fear as he stepped closer. "Binalaan na kita noon, hindi ba? Stay away from that Fontanilla. Dapat hiniwalayan mo na bago pa magkanda-letse-letse ang lahat," he added. "Wala kang karapatan para diktahan ako sa kung ano mang desisyon ko sa buhay." Pilit siyang nagpakatatag at matapang na tiningnan ang binata. She looks strong but she's breaking down in fear inside. Mas lalong dumagdag ang kabang nararamdaman niya nang mahigpit siyang hinawakan sa braso ni Ezekiel. Layla winced in pain. "Do you really want to be like her? Like Lyka, huh? Gusto mong matulad sa pinsan mo?" Galit na tanong ni Ezekiel at mas hinigpitan pa ang kapit sa kaniyang braso. "Lyka is dead, Ezekiel," mahinahon niyang sagot. Nagtagis ang bagang ng lalaki bago siya itinulak palayo. "And my Lyka won't be dead if it wasn't because of that Fontanilla! Hindi ka ba galit sa kaniya, ha? He killed your cousin!" Masamang tiningnan ni Layla si Ezekiel dahil sa sinabi nito. "Declan didn't kill Lyka. Lyka was dead because Declan saved me—" "Exactly! Kung hindi ka niya iniligtas, hindi ikaw ang kaharap ko ngayon. He killed Lyka, Layla. Dahil sa kaniya kaya namatay ang fiancé ko!" He cut her off. "Hindi nga sabi niya pinatay si Lyka!" "Dahil iyan ang pinaniniwalaan mo! Pinatay niya si Lyka at hindi na ako magtataka na ikaw ang isunod niya. He is ruthless after all. . . Alam mo naman iyon, hindi ba?" Nakangising tugon ni Ezekiel kaya't wala sa sarili siyang napaatras. Of course, she knew. She's been working for Declan for three years. Sa loob ng mga taong iyon ay alam na niya kung gaano kapangahas si Declan. He looks calm but he's ruthless inside. Wala itong sinasanto. Nahigit niya ang hininga at muling nag-angat ng tingin. Kahit na ano pang sabihin nito, malaki ang tiwala niya kay Declan. Her boyfriend won't hurt her. . . Sigurado siya roon. "Hindi niya ako sasaktan," determinadong sagot niya. Ezekiel let out a demonic laugh. She swallowed the lump on her throat because of what he did. Hindi siya puwedeng matakot. . . Kailangan niyang umalis at lumayo sa lalaking ito. . . Hindi siya puwedeng panghinaan ng loob. "Hindi ka niya sasaktan pero paano ang mga kalaban niya?" Layla froze on her spot. Mukha namang napansin iyon ng binata kaya't muli itong humakbang palapit sa kaniya. "Alam mo naman na mainit ka sa mata ng mga kaaway ni Declan, hindi ba? He will inherit his Dad's company in no time, Layla. Kahit anong oras din, puwede kang bumagsak sa sahig nang walang buhay." She gulped. Alam niyang totoo ang sinasabi nito. Hindi niya maitatanggi ang bagay na iyon. "What do you want me to do?" tanong niya sa binata. Ezekiel smirked. "Break up with him. Magpakalayo-layo ka at huwag kang magpakita pa hanggang sa mabaliw siya sa kakahanap sa 'yo. That's what I want, Acosta." "I won't do that," she answered firmly. Matapang niyang sinalubong ng tingin si Ezekiel. Kung mayroon man siyang hindi maaaring gawin, iyon ay ang iwanan ang kasintahan. Declan might look ruthless but he's fragile. Hindi niya magagawang iwan si Declan. . . Leaving him isn't in her vocabulary. "Talaga?" Mapanghamon na tanong ni Ezekiel at mas lumapit pa sa kaniya. "Hindi ko siya iiwan." Napaigtad si Layla nang mariing hawakan ni Ezekiel ang kaniyang tiyan. "Hindi mo siya iiwan o ito ang mamamaalam?" tanong nito at diniinan ang tiyan niya. She winced in pain. "N-No. . ." "Akala mo wala akong alam, ano?" "Huwag namang ganito, Ezekiel," she pleaded, her tears immediately rolled down on her cheeks. "Huwag mo akong iyakan, Layla. I am doing all of this to keep you safe. Hiwalayan mo si Declan bago ka pa mapahamak," seryosong saad nito at lumayo sa kaniya. "I can't leave him—" "Ayaw mo? All right, siya na lamang ang mang-iiwan sa 'yo." Layla's brows drew in a straight line. "A-Anong ibig mong sabihin?" takang tanong niya. Ezekiel smirked before looking at his phone. May kung anong pinindot siya roon bago ipinakita kay Layla. Her eyes immediately widened upon seeing it. "No. . ." It was a photo of her, sleeping on Ezekiel's bed. Magkatabi silang dalawa at kung titingnan ang larawan, iisipin na wala siyang suot na damit dahil nakabalot ng kumot ang katawan niya at tanging balikat lamang ang kita— and she's wearing a tube top!— samantalang nakahiga sa tabi niya si Ezekiel na walang saplot na pang-itaas. "You cheated on him, Layla." Nakangiting saad ng lalaki sa kaniya. "Stop lying! Walang nangyari sa atin!" sigaw niya at akmang aagawin ang telepono pero agad iyong nailayo ni Ezekiel. "Hindi niya malalaman na wala." "Huwag mo namang gawin ito. . . P-Please," naiiyak na pakiusap niya at pilit na inagaw ang cellphone mula sa lalaki. "Choose, Layla. Iiwan mo siya o iiwan ka niya?" "Please, Ezekiel. Huwag namang ganito," pagmamakaawa niya pero nanatiling walang emosyon ang mukha ng binata. "Choose!" sigaw nito. "P-Please. . ." "You know what would happen if you won't leave him, right? Alam na alam mo kung anong maaring mangyari sa iyo kapag naging Fontanilla ka. You can't be a Fontanilla so choose, Layla. Mamili ka habang maaga pa at handa pa akong tulungan ka. **** Tila walang buhay na naglalakad si Layla pabalik sa tinutuluyan nila ng kaniyang kasintahan. She can't afford losing him. Hindi maaring pati siya ay mawala sa kaniya. Pinunasan niya ang luha at inayos ang sarili nang malapit na siya sa penthouse ni Declan. She needs to calm down. Hindi magiging mabuti kung makikita siya ni Declan sa ganitong ayos. Nagpatuloy siya sa paglalakad pero agad ding napatigil nang makita ang nakakalat na rose petals sa daan papasok sa bahay nila. She bit her lower lip to stop herself from crying. Pumasok siya sa loob ng bahay at hindi pa rin inaalis ang tingin sa nakakalat na rosas sa sahig. Declan prepared all of this. . . She bit her lower lip upon seeing the banner that was on their living room. Pinigilan niya ang kaniyang luha. Hindi siya puwedeng umiyak muli. "Baby?" Natigilan siya sa paglalakad nang marinig ang boses ni Declan. Gusto niyang lingunin ang kasintahan para sumagot ng oo pero mas lalo lamang gugulo ang lahat. Naramdaman niya ang paglalakad ni Declan papunta sa gawi niya. He hugged her from behind but she just closed her eyes. "Saan ka galing? Hindi ka umuwi kagabi. Hinintay kita para dito pero hindi ka dumating. May nangyari ba? May problema ka ba?" Sunod-sunod na tanong nito pero nanatili siyang tahimik. "Baby, talk to me. Saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi?" tanong nitong muli. "I'm sorry. . ." "What?" tanong ni Declan at maguguluhang iniharap siya sa gawi nito. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin sa kasintahan. "Sorry," pag-uulit niya. "Dahil ba hindi ka umuwi kagabi? Ayos lang. Puwede pa naman akong magpropose sa 'yo, hindi ba? Ayos lamang kahit nakita mo na. . ." "Declan naman," pigil niya sa kasintahan pero lumuhod pa rin ito sa kaniyang harapan. He took out a box and open it. Mas lalong kinagat ni Layla ang kaniyang ibabang labi nang makita ang laman niyon. "W-Will you marry me? Please say yes," Declan pleaded. Wala sa sarili siyang napatingin sa banner na nakasabit sa living room. Ganoon din ang nakasulat doon. She bit her lower lip before looking away. "D-Declan." "Baby, please? Will you marry me?" Hinawakan nito ang kaniyang kamay pero agad niya rin itong binawi mula sa binata. "Layla. . ." he trailed off. "Papakasalan mo naman ako, 'di ba?" "I'm sorry." "H-Ha? Sabi mo magpapakasal tay—" "I can't marry you, Declan. Ayaw kitang pakasalan." ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD