09 Layla have been ignoring Declan's messages after she said to him that she still wants to think about their relationship. Ngunit wala yata sa bokabularyo ni Declan ang salitang pahinga dahil halos oras-oras yata ay nagmemessage ito sa kaniya. Sinubukang hindi pansinin ni Layla ang mga mensahe ni Declan pero nang pagsapit ng isang linggo at hindi pa rin tumigil ang binata, wala ng nagawa si Layla kung hindi sagutin ito. She asked him to meet up with her immediately. "Ma'am Layla, magsisimula na po ang pagtatahi ng gown ni Miss Faith Guller," paalala ng sekretarya niya kaya't malakas na bumuntong hininga si Layla. "May pupuntahan ako, Lyn. Babalik na lamang ako mamaya para i-check kayo." "Ho? Wala naman po kayong appointment ngayon, Ma'am. . ." Nagtatakang tanong ng sekretarya niya ka

