21 Akay-akay ni Declan si Dylan palabas ng police station. Hindi naman nag-abala pa ang bata na magpaalam sa ina o kay Darius dahil gustong-gusto na nitong kumain ng doughnut. Marahang isinakay ni Declan si Dylan sa backseat ng kotse at si-neat-belt-an. Matapos masigurong ayos na ang lagay ni Dylan ay saka siya umupo sa driver's seat. "Malayo po ba ang bakery, Mr. Bad Guy?" Dylan asked innocently. Lihim namang napangiti si Declan dahil doon at marahang tumango. "Medyo malayo," he answered. Dylan's lips puckered. "Sabi po ni Mr. Policeman, basta malayo. Tapos sabi niyo naman po, medyo malayo. . ." "Just wait, huh? Ibibili kita ng donut mo," tanging saad ni Declan at nag-iwas na ng tingin sa bata. He started the engine and immediately drove the car away from the police station. Mas l

