19 "Kasama mo ba si Layla?" Declan sighed because of his brother's question. "Darius, inaamin kong naging tanga ako dati pero hindi na ako tanga ngayon. Bakit naman kami magiging magkasama kung alam kong niloko niya ako?" Agad namang napahilamos si Darius sa mukha dahil sa narinig. "Wala ka bang alam na puwede siyang puntahan?" he asked his brother once again. "Wala. Bakit ba? Hindi mo mahanap?" "Isn't it obvious? Hindi niya dinaanan kagabi si Dylan sa bahay kahit na nangako siya kay Dylan. Noong pumunta ako sa apartment niya, wala naman siya roon," Darius answered frustratedly. "Bakit hindi mo itanong sa asawa?" Mas lalo namang lumakas ang buntong hininga ni Darius dahil doon. "Kahit na ayaw kong magka-koneksiyon doon sa gagong iyon, I asked him last night if Layla went home. Sabi

