54 "Dylan, magdahan-dahan ka," kalmadong suway ni Layla sa anak habang patakbo itong naglalakad papunta sa kotse na nasa unahan nila. Declan just chuckled as he followed their son. Napailing naman si Layla dahil sa kulit ng anak. "Are you sure you don't need us?" tanong ni Darius na kasabay nilang naglalakad papunta sa direksiyon ng kotse. Layla heaved a deep sigh. "Bantayan niyo na lang 'yong Mom niyo. Paalis si Don Protacio kaya walang kasama," saad niya. "But Layla---" Bahagya siyang napailing bago mahinang tinapik ang balikat nito. "I'm with Declan. Hindi naman kami pababayaan ni Declan, ano ka ba? At isa pa, he hired some bodyguards to protect us," pagpapaliwanag niya sa kaibigan. "Pinayagan ka bang lumabas ni Ezekiel? It's too dangerous, Layla. Kahit na kasama mo si Kuya, mapa

