“YOU’RE the stupidiest disgusting student I’ve ever known existed, Mister Cruz!” pabaklang sabi ni Reid, ang school buddy niya. Malakas na tawa ang isinukli niya rito. Break time na nila noon at isang klase na lang na non-major ang papasukan nila para sa araw na iyon at maaari na silang umuwi. “I enjoyed it, pare. Sa wakas ay nakaganti na rin ako sa kanya,” aniyang nakipag-high five dito. “Pare, ngayong nakaganti ka na, kalimutan mo na ang ginawa ni Miss Roman sa’yo. Patawarin mo na ‘yung tao.” Bahagya siyang napailing. “Paano ko siya patatawarin kung hindi naman niya iyon hinihingi?” “Pero sa dami ng sakit ng ulong ibinigay mo sa kanya, hindi pa ba iyon sapat, pare? Nakakaawa na kasi,” dugtong nito. “Don’t worry, pare. Iyon na ang huling pamamahiyang gagawin ko sa kanya. I’m sure she

