Chapter 63

1032 Words

PAANO ba siya magiging ganap na masaya sa araw na ito ng kaniyang kasal gayong ni hindi itinago ni Caroline ang tunay na saloobin nito? Pilit ang mga ngiti nito maging ang halakhak at alam niya, ginagawa lang iyon ni Thea para sa mga mata ng mga bisita. Natural ay hindi ito masaya dahil napilitan lang naman ang kababata na magpakasal sa kaniya. Nakakatawa. Kung tutuusin ay ito pa nga ang dapat tumanaw ng utang na loob sa ginawa niyang pagpapakasal rito. Isinalba niya ang kahihiyan nito sa mga taga-baryo. Pero sa halip na ganoon ay siya pa itong tila tuliro sa labis na tuwa para sa kasal na iyon. Masaya siya. Totoong saya na hindi niya itinangkang itago kay Thea. Maano bang malaman nito ang tunay na damdamin niya? May dapat pa ba siyang ikahiya gayong totoo namang mahal niya ito? Sapat na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD