Akimara Pov.
(Lust)
Naiiling ako ng kunin ang cookies sa gilid, Sayang naman. Kung ayaw niya ay sa' kin na lang.
Hinabol ko ito dala ang box, Natawa pa ako ng makita ang bakas ng aking lipstick sa likuran nito! Bahala siya, deserve niya iyan! Matapos nitong paiyakin ang babaeng iyon, kawawa naman.
"Hoy cristobal!" sinigawan ko ito, nagtungo ako sa harapan niya dahilan para mahinto siya. "Ayaw mo?" ini-angat ko ang kahon.
"Tsk, Throw that away on my face!" binalak niya iyong kunin, itinaas ko ang box dahilan ng pagsama niya ng tingin. "D*mn! Give me that box!"
Binelatan ko siya "Sa' kin na lang.." tumakbo ako, binubuksan iyon habang papalayo sa kanya. Anong gagawin niya dito? Itatapon?
"Mara!" nilingon ko ito, huminto ako ng makakuha ng isa. Bago pa siya makarating sa pwesto ko ay isinubo ko na iyon.. "Why do you eat that?!" nagkibit-balikat ako, kung kayang lokohin ko ang abogadong ito.
"Baka sumasakit ang tiyan mo!" kunwariy nanlaki ang mata ko, hinawakan ang leeg na animo'y nabibilaukan.. "F*ck, Thats what Im talking about!!" He hissed on me, He almost shouting mad. A little bit panicking. Bago pa man ito magkalat ay tumuwid na ako ng tayo na parang walang nangyari.
"Joke lang, kung maka-F*CK wagas.." kumibot ang labi nito, naiinis ngunit walang magawa.
"D*mn you, woman!" natawa ako ng mapikon siya, nilagpasan ako nito at dumiretso na sa gusaling pupuntahan. Grabe talaga! Ang sarap pagtripan pag suplado!
Hindi pa rin humuhupa ang nakakatawang eksena sa isipin ko kanina, Nasa silid na kami habang kinakausap siya ng professor. Ang gagawin ko lang naman dito ay ibibigay ang copy na ginawa ko, Tapos ay aalis na at diretso uwi! Ang sarap talagang matulog ng maaga ngayon.
"Your still not good, are you sure your going home?" maging ang prof. ay mababakas ang pag-aalala, Kaya siguro masungit ito dahil masakit na ang ulo.
"Yes sir, Im okay.."
"Oh sure, Ms'Hernandez is still incharge on your health.." napanguso ako habang nakaupo sa silya, Ang sakit isipin na personal nurse ako sa isang supladong abogado. Isipin mo nga! Kaonting pagkakamali ko lang ay kung ano-anong crime at acts ang ibabato sa' kin! Ayoko pa kayang makulong!
"She's a annoying girl, A loud voice always on her mouth. How can I get well when she's around?" umangat ang gilid ng nguso ko, kung batuhin ko kaya siya ng sapatos.
"She still your nurse.."
"I don't need a weird nurse.." At dahil may studyante pa sa silid ay nagsitawanan ang lahat, Hindi ko maiwasang isumpa sa isip ang lalakeng ito! Weird ba naman daw ako?
Hay*p! Pasalamat talaga at ekis ka na sa listahan ko.
"Maganda naman si hernandez.." anang professor, nilingon ako ni tristan. Nakataas ang kilay. Nginisian ko ito ng may pagmamalaki.
Maganda naman nga ako!
"Cristobal, Ano iyang sa likuran mo! Lisptick??" nagtanong ang lalakeng studyante, tumayo ako at lumapit sa professor dala ang papel, kailangan ko ng umalis.
"Oo nga, may chicks na yata si tristan!" humirit pa ang isa, natatawa ako ng i-abot ang record data nito kanina.
"Mauuna na ako sir, Bukas ko na kukumpletuhin ang report.." tumakbo na ako palabas, hindi na hinintay ang sasabihin nito. Mayayari ako kay cristobal the lawyer!
Tumakbo ako patungong comfort room, binuksan ko iyon at agad pumasok sa isang pinto! Siguro dito muna ako sa loob at hintayin munang maka-uwi si tristan, Nakakatakot ang lalakeng iyon.
Kinse minutos bago ako lumabas ng banyo, Nakapag-palit na ako ng damit at kasalukuyang nagmamasid sa paligid, Wala na ang future lawyer ng taon. Umalis na sigurado ang gung-g*ng!
Nasa quadrangle na ako papatakbo patungong gate, malaya na ako at wala na ang suplado! Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa quadrangle ng bigla ay may tumabon na tela sa mukha ko. Nahinto ako sa pagtakbo at wala sa oras na kinuha ang bagay na iyon. Nanlaki ang mata ko ng makita ang damit ni cristobal, sakto pa talaga doon sa marka ng labi ko.
Lumingon ako sa likuran, Ngumiti ako ng pilit sa lalakeng salubong ang kilay na naroon.
"Tristan!" magiliw pa ang tono ko ng sambitin iyon, pilit pinapakitang hindi apektado.
"Remove that lipstick marked!" napaatras ako ng lumapit siya, ayan na ang mok*ng! "Tatakasan mo pa ako.."
"Ha, hindi aah! HAHA!"
"Pinapasakit mo ang ulo ko.."
"May sinat ka kaya masakit ang ulo mo.." sumama ang tingin niya ng sabihin ko iyon, "Hahaha, Lalabhan ko ito at papa-paputiin lalo!"
"Dapat lang.." nilagpasan ako nito, naka-tshirt siya na kulay black ngayon. Bakas ang malaking katawan nito dulot ng fitted shirt na gamit niya, ngunit ang pagnanasa ko noon sa kanya ay wala na.
Na kay Storm na sa ngayon, Nasaan na pala ang lalakeng iyon?
Nagtungo na ako sa gate dala ang jacket ni tristan, dapat ay ilagay ko ito sa bag para hindi makita ni mama. Gagamit na rin ako ng dryer para mabilis ang pagpapatuyo.
Nasa gilid na ako ng kalsada, Nailagay ko na ang damit ng bigla ay magulat ako sa isang malakas na busina. Nilingon ko iyon, kotse ni tristan ang nakita ko na papalapit sa' kin.
Huminto siya sa tapat ko, binuksan ang kanyang bintana na halos ikangiti ko ng malaki.
"Isasabay mo ba ako?"
Nangunot ang noo niya. "I just wanna say this.." humarap ako ng tuluyan sa kotse niya, naghihintay ng sasabihin nito.
May sasabihin siya?
Sasabihan niya ba ako na mag-ingat sa pag-uwi, HAHAHAH, Siguro nga! Pero hindi na ako umaasang kikiligin. Wala na talagang sparks!
"Mag-iingat naman ako sa paglalakad, hind rin naman ako sasabay sa' yo dahil bawal.." mas lalong nadepina ang nagkakapalan nitong kilay sa pagkakakunot, may mali na naman ba akong nasabi?
"Hindi kita isasabay, Nais ko lang sabihin na huwag 'kang gagamit ng fabcon conditioner, I dont like the smell of fabric.." ngumiti ako ng pilit, sinusubukang iwaglit ang pagkakapahiya. Bwist siya! Literal na paasa rin ang isang 'to!
"And don't forget to use iron after.." sinara na nito ang bintana, muntik ko ng ihagis ang bag sa likuran nito ngunit nagpigil lamang ako! Pesteng lalakeng iyon! Ginawa pa akong taga-laba!
Beeeeeeeeeeppppppppppp.......
Muli ay may bumusina, ang kaninang bad mood na meron ako ay tila kumislap ng wala sa oras.
"Pauwi ka na?" si thor, Huminto siya sa harapan ko hawak ang helmet.
"Oo, pauwi na.." ngumiti ako, matamis na matamis.
"Sakay ka na, Ihahatid kita.."
"Naku, hindi na. Bawal akong magmutor sa totoo lang.."
"Ayos lang na maglakad ka?"
Tumango ako, nakangiti pa rin. "Walang problema iyon.."
"Kung ganon mauuna na ako, ingat ka sa paglalakad.." hindi mawala ang ngiti ko sa labi, mabuti pa siya ay sinabihan ako ng mag-iingat samantalang ang lok*ng cristobal ay nilayasan lang ako.
"Salamat.."
Isinuot nito ang helmet, naka-angat ang salamin nito kaya halos kita pa rin ang kanyang mukha.
"Are you free tonight?"
"Tonight?"
"Oo, mamayang gabi.." ngumuso ako, hindi ako pwedi. "Gusto mo 'bang gumala?"
"S-saan?"
"Basta, Hihintayin kita sa butarol, Alas siete mamaya.." pinaandar na nito ang mutor, Hindi man lang hinintay ang pag-tanggi ko o ang pag-sangayon.
Tsk, Mukhang may mangyayaring takasan na naman mamaya.
Nang makauwi ay tahimik ang bahay, malinis na sa paligid at wala na rin si ate. Kahapon pa ito umuwi patungo sa tinitirhan namin noon. Nais ko 'ring mamasyal doon dahil nakakamis rin ang lugar kung saan kami lumaki.
Madalas din na umaalis si papa sa bahay, may negosyo itong cassino sa manila at pampanga. Iyon ang kinabubuhay niya at ibinibigay na sustento sa' min, malakas ang kita doon dahil sugal ang laban. Hindi nakakapag-takang nakakapag-aral kami ng malaya, Dahil iyon sa negosyo niya.
Inumpisahan 'kong labhan ang damit ni tristan, nakapag-bahay na ako habang hinihintay matapos ang ikot ng washing. Hindi ko alam kung nasaan si mama, Ni hindi man lang nag-iwan ng sulat.
Hala, Oo nga pala! Baka nag-iwan siya ng mensahe sa cellphone ko.
Tumakbo ako patungong itaas, Binuksan ang bag at kinuha ang cellphone doon. Naupo ako sa kama ng makitang may mensahe nga si mama doon.
*MOTHER-EARTH
'Tutungo ako sa lola mo, May sakit ito at ako lang ang nais niyang umasikaso sa kanya, ikaw muna ang bahala sa bahay. Isang linggo akong mawawala..'
Napanguso ako, Isang linggo?
Isang linggo akong walang kasama rito?
Waaahhh, Ayoko. Nakakatakot.
*To Mother Earth.
'Mama naman! Alam 'mong ayokong naiiwan mag-isa! Pupuntahan kita riyan at sasamahan'
Hindi ako naka-tanggap ng reply, Humahaba na ang nguso ko habang iniikot ang cellphone sa kamay.
Ilang segundo bago tumunog ang telepono ko, tumatawag si mother earth.
"Helloooooo mamaaaaaaa!!"
"Susmaryosep!" nangiwi ako sa sagot niya, si mama talaga! Bakit hindi na lang dalhin si lola dito. "Isang linggo lang naman, sa oras na mapabilis ang pag-galing ng lola mo ay uuwi ako agad, mag text ka kung may problema.."
"Mama naman eh! Ako lang mag-isa, Bakit mo naman iniwan ang maganda 'mong bunso dito, hindi mo ba inii---"
"Tumigil ka nga!" nahinto na naman ako, "Matanda ka na, Ikaw na muna ang bahala riyan.."
"Mama, Disi-siete pa lang ako, Sa disyembre pa ako magle-legal!"
"Hindi ko tinatanong, sige na abala ako ngayon.."
"Mama n---" *Tootttt* *Toootttt*
Hala, si mama talaga!
Pabagsak akong humiga sa kama, salubong ang kilay at iniisip kung anong lulutuin ngayong papagabi.
Gumulong ako, nang makita ang jacket na nakasabit sa kama ay napatayo ako bigla! Iyong damit ng abogado! Baka nasobrahan ng ikot at masira!
Tumakbo ako pababa, Mabilis akong tumungo sa washing upang tingnan ang damit na naroon. Nang makitang huminto na iyon sa pag-ikot ay kinuha ko na, Ini-angat ko ang puting jacket. May marka pa rin ng lipstick, bakit ba ang hirap tanggalin? Ganun ba siya kahigpit, ayaw bumitaw?
Kumuha ako ng tabla at pisnet, Balak kusutin iyon at ng mawala na ang pula. Ipinatong ko ang tabla sa washing, Uumpisahang pisnetin ang walang hiyang damit ng mok*ng. Ngunit dahil sa pang-gigigil ay hindi sinasadyang mapunit ko iyon,
"NAKU!" nataranta ako ng wala sa oras, Nakangiwi ako ng i-angat ko iyon sa harapan ko. Butas na ang likurang parte! Nako, Anong gagawin ko?
"Yayariin na naman ako ng mok*ng!!" ibinagsak ko iyon sa basket, paano na niyan? Bibilhan ko na lang kaya siya ng bago?
Tumango-tango ako sa naisip, tama! Bibilhan ko na lang siya ng bago!
Kailangan ay iyong kaparehong-kapareho talaga, sayang! Ang gwapo pa naman nito sa jacket niyang iyon.
*****
Alas sais ng makapag-luto ako ng hapunan, Prito lang ang niluto ko dahil nag-iisa rin naman ako sa bahay. Nakakalungkot lalo pag mag-isa ka lang kumain, iyong tipong mawawalan ka ng gana sa tuwing sasagi sa alaala mo ang masayang pagsasalo ninyo noon ng pamilya mo.
Hindi ko maiwasang malungkot habang nilalaro ang pagkain na nasa plato, nawalan na nga ako ng gana. Kailan ba maaayos ang pamilyang meron ako?
Itinabi ko ang pagkain, bagsak ang balikat ko ng umakyat sa itaas. Tamad na tamad ako ng mahiga sa kama, Alas sais pa lang ngunit nakahiga na ako. Kung sanang makakagala ako ng may kasama.
Para akong nabuhayan ng sigla dahil sa naisip, Oo nga pala! May galaan kaming pupuntahan ni thor. Bakit ba nawala sa isip ko iyon?
Malaki ang ngiti ko ng maupo sa kama. Para na akong baliw ng tumayo at dumiretso sa drawer.
Walang mangyayaring takasan ngayong gabi, Makaka-alis ako ng hindi nag-Aalaninja. Makaka-uwi ako sa gugustuhin 'kong oras! Yieeehhhh, ngayon ko pa lang yata mararanasan ang maging malaya! Isang linggo mara, Isang linggo 'kang walang bantay!
Nakangiti ako habang namimili ng masusuot, iyong itinabi ni mama ay kinuha ko. Tinago ko iyon sa sulok ng drawer at sinabing naidala ni ate sa mga bag niya, Hindi alam ni mama na pasikreto 'kong kinuha iyon noong gabi, sayang ito kung hindi ko susuotin. Ang ganda pa naman!
Dala ang pulang bistida ay pumasok na ako sa banyo, Maliligo ako at magpapahid ng mabangong sabon ngayon. Dapat ay mabango ako mamaya para lagi akong ini-imbita ni thor sa galaan, grabe! Saan naman kami kaya gagala ngayon?
Romantiko ba siya o Pa-misteryoso?
Kahit ano pa sa dalawa ayos lang, Basta siya ang kasama ko.
Trenta minutos siguro ng matapos ako, halos mag-iisang oras kasama ang pag-aayos at paghahanda sa pag-alis. Suot ko na ang pulang bistida na walang manggas, Fitted iyon sa itaas samantalang sa ibaba ay medyo maalwalas. Sakto lamang sa katawan ko kung pagmamasdan.
Alas siete bente ng magtungo ako sa butarol, gaya 'nung una ay madilim na sa daan. Pero syemre! Hindi mawawala ang mga binatilyong nakaupo sa bawat tindahan, Nang marating ang batong upuan ay doon ko ini-libot ang tingin. Sabi niya ay alas siete kanina, ngayong gabi rin ang sinabi nito.
Naupo ako, Hindi ko alam kung ilang minuto pa ako naghintay bago ko mamataan ang mutorsiklo nito. Mabilis ang pagpapatakbo niya papalapit sa lugar ko, Nang mahinto siya ay hinubad nito ang helmet nito at agad lumapit sa' kin.
"Kanina ka pa ba?" tanong nito, pagod ang itsura niya at halatang may pinagka-abalahan bago tumungo rito.
"H-hindi naman, halos magkasunod lang tayo.." natural lang na sabihin ko iyon, ayokong mag-mukhang kaawa-awa sa paningin niya.
"Nasiraan kasi ako ng makina, kinailangan ko 'pang tumungo sa talyer.." gumaan ang pakiramdam ko sa dahilan nito, akala ko'y sinadya niyang magpahuli. Iyon naman pala ay nasiraan siya ng mutor, kaya ang itsura nito'y halatang pagod.
"Maayos na ba iyan? Sana pala ay hindi ka na tumuloy.."
Sinisipat ko ang mutor nito, hindi iyon mio o wave, medyo mataas sa normal na mutor.
"Sinabihan kitang pumunta rito, hindi naman pweding hindi kita kitain.." nangiti ako ng palihim, nariyan na naman ang linya niyang nagpapa-kilig.
"Saan ba tayo pupunta?" hindi na mawaglit ang nag-uumapaw na saya sa' kin, Lumapit ito bago sumagot.
"Sa parke, may pasyalan doon tuwing gabi.."
"Talaga?"
"Oo, Halika na.." isi-nuot nito ang helmet sa' kin, hindi na ako tumanggi dahil siguradong may ibabato na naman itong pamatay linya.
Nauna siyang sumakay bago ako, hindi ko makakalimutan ang unang karanasan ko sa mutor niyang ito.
"Bakit kanina napaka-bilis mo?" isinigaw ko iyon dahil sa ingay ng kanyang mutor, dahil narin sa hangin na humahampas sa' min.
"Ako lang mag-isa, ayos lang na mag-matulin ang pagpapatakbo ko.." maging siya ay malakas ang sagot.
"Ngunit delikado para sa' yo."
"Sanay na ako, mara.." hindi na ako sumagot, wala naman akong karapatang pangunahan siya.
"Ngunit kung tayong dalawa lang ay magiging mabagal tayo.." kinagat ko ang pang-ibabang labi, banayad nga lang ang pagpapatakbo nito. Kahit na hindi na ako kumapit ay maaari na.
"Bakit naman? Ayos lang sa' kin kung bibilisan mo.." hindi ko napag-handaan ang paghururot nito bigla, nawalan ako ng kontrol at bigla ay napa-yakap ako sa kanya ng mahigpit.
"Makakarating tayo agad doon kung ganito ang takbo natin.." wala akong naging sagot, mas inilapit ko pa ang katawan at hinigpitan ang yakap. Grabe! Hindi ko naman sinabing bilisan ng ganito.
Unti-unti ay nararamdaman ko ang pagbagal nito, dahan dahan rin ang pagkalas ng mga kamay ko sa kanya. Wala pa naman kami sa parke ngunit bakit tila naging mabagal ito?
"Anon nangyari, Nasiraan ba tayo?"
Nakita ko ang pag-iling niya "H-hindi.." maging ang paglunok nito'y hindi nakatakas sa pagtingin ko. Anong problema? "N-napaka-higpit ng yakap mo k-kanina.." aniya, dalawang beses pa ang naging paglunok nito.
"Pasensya na, Nagulat kasi ako.." hindi ito tumugon sa sinabi ko, Marahan na muli ang pagmamaneho nito hangga sa marating namin ang parkeng sinasabi niya.
Hindi ito ang unang beses na narating ko ang parke, Ilang balik na ang nagawa ko ng makalipat kami. Ngunit syempre ay umaga lang akong nakakapunta dito, hindi ko alam na magiging ganito kaganda ang paligid dahil sa papalapit na ang pasko.
"Ang ganda!" tanaw ko ang malaking cristmas tree sa gitna, puno iyon ng iba't ibang kulay. Ang ganda talaga at napaka-gara sa mata.
"Maganda nga.."
"Ngayong gabi ko lang ito nakita." ani ko, nilingon ko siya. Sakto lamang ng mahuli ko itong nakatingin sa' kin.
"M-mabuti na lang at naanyayahan kita.." anas niya, mabilis na inilihis ang paningin. "Tara doon tayo.." nagpauna itong naglakad, nakasunod ako na natatawa sa pagka-ilang niya bigla.
Sinundan ko ito hangga sa ilalim ng puno, Huminto siya nakatingala sa pinakataas ng magarbong cristmas tree bago muling sumulyap sa' kin.
"Kukuhanan kita, pumwesto ka doon.." itinuro nito ang gitnang anggulo, dinukot nito ang cellphone sa bulsa ng hindi ako gumagawa ng aksyon. "Mara, dito.." hinila nito ang kamay ko, matapos 'non ay nagulat na lamang ako sa biglaang pag-akbay niya, narinig ko ang pagtunog ng camera senyales na nakuhanan na kami ng litrato.
"Bakit na sakin ang paningin mo?" aniya, nakatingin sa screen. "Sayang ang ganda ng view.." nag-angat ito sa' kin "Ikaw naman, Kukuhanan kita ng solo.." Dumistansya ito ilang layo pagitan sa kinatatayuan ko, wala akong nagawa kundi ngumiti na lamang sa kanyang camera.
"Isa pa!" sigaw nito, nahihiya na ako sa mga taong napapatingin sa' min. "Ngumiti ka!" wika nito na nakatingin sa telepono
"Tama na.." nilapitan ko na siya, ibinalik na nito ang cellphone sa bulsa. "Patingin nga muna!"
"Maganda lahat ng kuha ko.."
"Iyong kuha mo lang ang maganda, paano naman 'yung kinuhanan mo.." natawa ito, ginulo niya ang buhok ko na lagi niyang ginagawa.
"Wag 'kang mag-alala, maganda ka sa bawat litrato.." hinila ako nito, mabilis ang lakad niya palayo sa punong iyon. "Maganda doon sa likod.." Aniya sa pagitan ng paglalakad namin, pinagbigyan ko na lang ito sa nais niyang puntahan.
Narating namin ang likurang bahagi, Maalwalas din dito gaya doon sa gitna. kakaiba ang ayos rito maging ang mga palamuti na nag-bibigay liwanag sa malilit na punong naroon.
Gumawa sila ng mahabang lubid sa itaas, pina-ikutan iyon ng mga mapuputing ilaw upang maging magandang tingnan, Bawat pagitan ng lubid ay may nakasabit doon na a raw. Nagtataka ako, Imbes na bituin ay araw ang naisipan nilang isabit upang gawing palamuti.
"Bakit araw?" naguguluhang tanong ko, ang paningin ay nasa itaas.
"Maganda ang araw sa gabi.." ani thor, nilingon ko ito. Maging siya ay nasa itaas ang paningin, hindi ko mapigilan ang sariling pagmasdan ito habang nakangiti siya. "Dito mo lang makikita ang araw sa gabing madilim.." nanatili ang titig nito sa itaas na bahagi, tama siya. Kahit gabi ay magkakaroon ng liwanag kung may araw na nagbibigay kulay.
"Napaka-gandang ideya ang meron sila.." turan ko, ang mata'y nasa kanya.
"Ang araw ang siyang nagbibigay liwanag sa sanlibutan, Kung walang araw walang liwanag. Parang pagmamahalan, Kung walang nagmamahal ay walang relasyong mabubuo.." ni hindi ito tumingin sa' kin, Malaya 'kong napag-mamasdan ang mukha nitong kay amo.
"Paano at napunta sa hugutan?" natatawang tanong ko.
"Binibigyan ko lang sagot ang tanong mo kanina.." Nag-angat ako ng tingin sa mga araw na kay gandang pag-masdan, Siguro ay dadalasan ko ay pagdalaw dito. "Mas magiging maganda ang gabi lalo na kung may kasama 'kang magandang babae.." nilingon ko ito, ang paningin niya'y na sa' kin. Wala akong lakas na sagutin iyon kaya naiiwas ko ang paningin ng wala sa oras.
"H-hahaha, Napaka-ganda ng mga bituin.." nasabi ko na lang bigla, Nang tingalain ko ang madilim na langit ay wala ni isang kumikislap doon.
"Walang mga bituin..'
"A-ah, Oo nga no! Kanina lang meron diyan, baka natakpan lang ng ulap.." hindi pa rin ako makatingin sa kanya, bakit bigla ay nailang ako?
"Gusto 'mong kumain?" binalingan ko ito sa katanungan niya.
"Saan?"
"Doon, sa food coart.." muli ay hinila ako nito, bakit ba mahilig siyang maghila ng hindi muna hinihintay ang sagot? Kung sabagay, hindi ko rin naman iyon tatanggihan dahil nagugutom ako at hindi rin ako nakaka-kain kanina ng maayos.
"Dalawang lomi!" in-order niya iyon sa malaking bisikleta na nasa gilid, may lamesa sa pagitan nito at doon ay maaari 'kang kumain.
"A-ano iyan thor?" tanong ko, Hindi alam kung anong pagkain ay ini-hahain nila.
"Lomi, Soup, Noodles.." nangunot ang noo ko, hindi pamilyar ang itsura sa' kin ng pagkain. Kumakain rin naman ako ng sabaw at noodles ngunit ang lomi ay ngayon ko lang narinig. "Halika na.." Idinala niya iyon sa pang-dalawahang lamesa, nakasunod ako na halos hindi maipinta ang mukha dahil doon.
"Bakit may mga lamang ganyan, Nilalagyan ito ng gulay?" naupo ako, hindi naman na ako maselan. Nais ko lang malaman kung ano ito dahil unang subok ko.
"Baka ang pinares diyan, tikman mo. Masarap.." ini-usog niya ang sa' kin, kinuha ko ang kutsara at pinagmamasdan itong haluin ang kanya. Gaya ng ginawa nito ay sinundan ko lang iyon, hinalo ko ang sabaw hangga sa umapaw ang laman na naroon, muntik pa akong matayo ng makita ang bagay na nasa silyong nakalaan para sa' kin.
"B-bakit may m-mata??" nauutal na ako habang nakatingin sa sabaw.
"Rekados iyan para sa masarap na panlasa, parte iyan ng baka.."
"K-kinakain mo rin ito?"
"Hindi, Pero pwedi rin naman kung magugustuhan mo.." nangiwi na ako, napapalunok ako dahil sa panlalaway ng bibig. Hindi ako nasasarapan, para pa akong maduduwal ng dahil sa nakikita.
"P-paano ko kakainin iyan, Nakatingin sa' kin.." natawa siya, ibinaba ko ang kutsara at wala ng balak kainin iyon.
"I order you another food.." tinanggihan ko ito, sa bahay na lang ako magtitimpla ng noodles.
"Hindi na, busog pa naman ako.."
"Sigurado ka?"
Tumango ako "Oo, mukhang uulan na rin, madilim sa itaas.." tumingala ito, gaya ng inaasahan ko ay humangin na sa pwesto namin. Tumayo na siya, hindi na tinapos ang pagkain.
"Umuwi na tayo, aabutan tayo ng ulan.."
"T-teka lang, sayang naman itong binili mo, ipabalot muna lang kaya at ng makain mo sa bahay.." nagtungo ako sa manong tindero, ipina-take out ko na lang ang in-order na lomi daw kuno na sabaw na ewan ko, Bakit ba may sangkap na mata ang pagkaing iyon? Sinong kakain sa sabaw na may nakamasid sa' yo?
S*ra*long tindero!
"Ipinabalot mo pa talaga?" aniya, naglalakad na kami patungo sa mutor.
"Sayang, mukhang gusto mo ito eh.." huminto ako sa tabi ng mutorsiklo, gaya kanina ay isi-nuot niya ang helmet sa' kin. Hindi ko alam kung bakit bigla ay nagkaroon kami ng ganitong kuminakasyon, hindi ko rin masabi kung ano at saan mapupunta ang bagay na ito. Ngunit ang alam ko lang ay masaya ako sa bawat ginagawa namin.
Nauna siyang sumakay upang buhayin ang makina, nang mapa-andar ay sumakay ako na nakaside sa likuran nito. Mahangin na talaga at may kaonting patak na ng ulan ang nararamdaman ko sa balat, Aabutan kami ng ulan.
"Sh*t!" napamura ito ng bigla ay bumagsak ang malakas ng ulan, isinagka ko ang ulo sa likuran ngunit walang naidulot iyon, Nabasa pa rin ako. "Lilihis tayo ng daan patungong bahay!" hindi ko naintindihan ang sinabi nito, nakayuko na lamang ako at dinadama ang malamig na patak ng ulan sa katawan.
Sana lamang ay hindi ako lagnatin bukas.
Pumarada ang mutor sa hindi pamilyar na bahay, maliit lamang iyon ngunit dalawang palapag ang haligi nito. Ang mga kasunod bahay nito ay hindi ko na napansin ng mas lalong palakasin ng hangin ang ulan.
"Pumasok ka na sa loob!" sigaw ni thor, itinabi nito ang mutor sa gilid. Nang hindi ako maglakad ay mabilis itong nagtungo sa' kin upang igaya papasok sa loob.
"Bakit hinayaan 'mong mabasa ka ng tuluyan?!" nagagalit ito dahil doon, wala akong naging imik maging ng tumalikod ito upang tumungo sa itaas. Nagkaroon ako ng oras para libutin ng tingin ang bahay. Maliit lang talaga, Ang sala'y kusina na, matatanawan mo ang kalan at lababo sa gilid, mayroong isang mahabang sofa at single malapit sa' kin. May cabinet sa harap ko na naglalaman ng tv at mga libro. Simpleng bahay lamang ang nakikita ko.
Nalingon ako sa hagdan, nagmamadaling bumaba roon si thor dala ang towel at isang puting tshirt.
"Magpalit ka na sa itaas.." iyon ang agad niyang sinabi ng makalapit sa' kin, kinuha ko ang inabot niyang tshirt maging ang tuwalyang hawak nito.
"I-ikaw, h-hindi ka ba magbibihis?"
"Dito ako magbibihis, umakyat ka sa itaas at bilisan mo, malamig.." napanguso ako dahil sa nang-uutos niyang tinig, pero ramdam ko ang matinding pag-aalala sa kanya.
Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay, Kung gaano ang espasyo sa ilalim ay ganito rin ang mapupuna mo sa itaas. Isang single bed ang naroon at isang cabinet din, May lamesa malapit sa bintana na puno ng libro at mga papel na gamit sa pag-aaral. Halatang pinupursigi nito ang kursong kinuha. Ngunit nakakapagtaka lang na wala siyang kasama dito, Nasaan ang mga magulang nito o kapatid man lang?
Kung susuriin mabuti ay parang nag-iisa lamang siyang nakatira dito.
Napaka-misteryoso naman ng buhay niya, para bigla ay mas nais ko pa siyang kilalanin ng lubos.
Nakapag-bihis na ako ng bumaba sa sala, Nadatnan ko doon si thor na nakasandal sa hamba ng pintuan, malakas pa rin ang ulan at mukhang matatagalan pa ang pagtila nito. Sayang ang masayang pamamasyal sa parke, siguradong nagsi-uwian na ang mga taong naroon.
Lumingon ito sa' kin ng mahagip niya ako, may hawak itong tasa ng kape. "Ipinagtimpla ki---" nahinto ito sa pagsasalita, ang titig nitoy na sa' kin. Nagawa ko 'pang masundan ng bilang ang paglunok nito habang may halong pagkagulat ang mababasa mo sa kanya.
"A-ayos ka lang?"
"M-mara, U-utang na loob, umakyat ka muna sa itaas.." nangunot ang noo ko, Hindi alam kung anong dahilan niya ng pag-iwas tingin.
"B-bakit?" lumapit ako, ibinalik nito ang tingin sa' kin bago muling mabilis na nag-iwas.
"Sinasabi ko sa' yo, mara. lumayo ka muna.." napanguso ako, ano ba ang problema niya? Galit pa rin ba ito dahil sa nangyari kanina lang.
"M-may problema ba? K-kung meron ay magpapasundo na lang ako sa kaibigan ko.." nilingon ako nito, kunot na ang noo bago ibalik ang paningin sa katawan ko, napapikit ito ng mariin bago ako mabilis na lapitan at siilin na lang bigla ng kanyang halik.
"You always pushing me to do this.." ani nito sa pagitan ng halik niya, mapusok agad iyon kaya halos mawala ako sa wisyo at makuhang sabayan ang halik nitong tumutunaw sa malamig na gabi.
Mahigpit ang hapit nito sa bewang ko, halos maramdaman ko ang mainit nitong katawan dahil sa manipis 'kong suot, Natagpuan ko na lamang ang sarili na nagpapati-anod sa kanya. Ang haplos nito'y unti-unti ng naliligaw sa bawat parte ng aking katawan, hindi ko matiis ang hindi makagawa ng kakaibang tinig dahil sa ginagawa niyang iyon.
Masyadong kakaiba ang pangyayari ngayon, hindi ko lubos maisip na magagawa ko ito sa tanang buhay ko. Nakuha ako nitong i-angat sa ere at paupin sa lamesang nasa tabi namin, wala sa sariling napakapit ako sa batok nito na mas lalong nagpalalim sa halikang pinagsasaluhan namin.
"D*mn it.." nagmura ito, ang labi niya'y patuloy na gumagawa ng kakaibang kuryente sa' kin, gamit ang mainit nitong labi ay binaybay nito ang aking leeg habang mariing nakakapikit sa likuran ko. Hindi na iyon nasundan, Natuldukan iyon matapos tumunog ang telepono nitong nasa gilid ng lamesa.
Kitang kita ko kung paano umilaw iyon dala ng isang babaeng pangalan.
Claire Calling.........
Lahat ng init na naramdaman ko'y tila tinupok ng paglalamig, nahihiya akong nag-iwas ng tingin at mabilis na bumaba sa lamesa upang akyatin ang kwarto nito.
____
To be continuedd..