Chapter 1

1599 Words
Chapter 1 Akimara Louise Hernandez Nakapangalumbaba ako sa armchair malapit sa bintana, Nasa unibersidad ako habang tanaw ang mga nagdadaanang studyante sa quadrangle. Kahit narito ako sa skwelahan ay lumilipad ang isip ko sa bahay, Syempre alam mo na. Ang isip ko'y nananabik na sa uwian, nais ko ng umuwi at humilata sa malambot na kama. Dalawang araw simula ng mangyari ang nakakahiyang eksena sa kanto, ang damit niyang hinubad ay nasa akin parin, paano ba naman, ginawa lang naman niyang panakip iyon sa pang-upo ko, napaka-gentleman niya talaga, Isa na siya sa mga lalakeng hinahangaan ko. Buhat noon ay hindi ko na siya nakita, wala akong ideya kung saan ito nakatira. bukod tanging pangalan lamang ang alam ko, samantalang siya ay alam mismo ang bahay namin. Napabuntong hininga ako, sakto lamang na pumasok si beka, Ang pinaka-maingay naming kaklase. "Wala si ma'am, uwian na!" balita nito, syempre lahat kami ay nananabik sa uwian, sino ba naman studyanteng nanaisin tumagal pa sa nakaka-inip na kwartong ito. Lumabas na kami, kanya-kanya ng kasama habang tahak ang daan patungo kung saan, Kasabay ko si beka, isa siya mga naging kaibigan ko rito. Paano ba naman, masyado siyang magaling magsalita, hindi siya mahirap pakisamahan kaya nagka-sundo kami. Bethany kyle ang pangalan, Short for beka daw para hindi na masyadong epic kung tatawagin pa ito sa buong pangalan niya. "Diretso uwi ka na ba?" tanong niya, nasa hallway na kami ng mga senior, palabas. "Oo, kanina pa ako uwing-uwi.." sagot ko, humikab pa dahil sa antok na nararamdaman. "Nagugutom kasi ako, ayaw mo ba munang kumain?" "Tsk, kaya ang taba mo eh, hindi mo kinakaligtaan ang pagkain.." napanguso ito, hindi naman siya gaanong mataba, sakto lamang, malaki lang ang hinaharap nito kaya mukhang malaki ang katawan niya. Sana all ay may hinaharap, iyong sa akin kasi ay hindi ko masabing ano ito, Ayy basta! Mahirap i-explain. Muli ay bumalik kami sa pinang-galingan, dahil halos senior na ang natitirang studyante dito ay hindi ko maiwasang matuwa, ang mga senior namin ay ubod ng gwapo, nasa 2nd year na ako, Collage syempre, samantalang ang mga senior na ito ay huli na ang taon nila rito. Lalo na ang hinahangaan ko na si Tristan Cristobal, Isa iyong abogado, Nag-aaral rin siya rito at masasabi 'kong sobrang gwapo niya talaga, ngunit ni hindi ko man lang masabing gusto ko ito dahil sa dami ng babaeng umaaligid sa kanya. "Uyy, Si cristobal Oh.." hindi ko maiwasang mataranta ng sabihin iyon ni beka, nilinga ko ang paningin sa cafeteria. Nasaan siya? Omygod! Nilolok* pa yata ako ng isang 'to. "Grabe kasama niya si storm!" maging siya ay kinikilig na rin, bakit ba hindi ko makita ang tinutukoy niya? "Bwisit ka beka, hindi ko sila makita.." "Ay tang* lang, nasa bandang dulo sila ng pwesto.." nasa counter kami, tinanaw ko ang dulong pwesto at booom! Ayun ang crush ko, Kasama ng isa 'pang gwapo! Wait, Omg! Bakit narito ang lalakeng iyan? "Grabe! Pinag-papawisan ako!" pinaypayan ko ang sarili, napaka-OA ko na kung tutuusin. "Nakita mo lang si tristan ay namawis ka na!" aniya, um-order na ng pagkain. "Sa' yo na si tristan, sa' kin na lang si storm.." "Storm?" hindi ko na maiwasang magtanong, strom ang pangalan ng lalakeng iyon? I thought hes thor? Kung sabagay, magkatunog naman, Thor, storm. "Yeah, Storm Salazar, You know, Hes studying prosecutor." Hindi ko maiwasang mamangha, prosecutor? Para siyang abogado s***h investigator kung baga, d*mn. Nasa kanya na ang lahat. Naupo kami malapit sa table nila, Silang dalawa lang ang nasa mesa, Nag-uusap sila ng masinsinan base sa nakikita ko, Naiiling ako sa sarili dahil sa nakaw na tingin, kung mahuli nila ako ay ngingitian ko pa sila. Sh*t, ang dalawang gwapo ay magkasama! Kinuha ko ang cellphone ko, tinipa ko iyon papunta sa camera, Ini-angat ko iyon patapat sa kanila, And then click! I captured the handsome guy right there. Hindi ko maiwasang mapangiti, muli ay nag-angat ako ng tingin, kukuhanan pa sana sila ng litrato ngunit halos mabitawan ko ang phone ng makitang nakatingin na siya sa pwesto ko. Oh my god! Oh my gosh! Tumakas na yata ang maharot 'kong kaluluwa sa katawan, Tinitingnan niya ako, Nakilala niya ba ang ganda ko? "Uy aki! Cellphone mo nahulog!" siniko ako ni beka, nilingon ko ito ng naiirita, nag-eyes to eyes kami ng gwapong iyon tapos sisingit siya, tsk. Nasaan ang kaibigan rito? Padabog akong tumayo, kinuha ang cellphone ko ngunit natigil rin ako sa pag-dampot ng may makirang pares ng sapatos, Akala ko ay si thor na, nang mag-angat ako ay si tristan pala na walang emosyong nakatingin sa' kin, teka nasaan na ang lalakeng kasama niya? Wala na ito sa kinauupuan niya, ang bilis naman nitong umalis. "Here.." hindi ko alam na nakuha niya na pala ang phone ko, sa kakabaling sa likuran ay hindi ko na namalayan ang kaharap ko, Ang mga babaeng nasa cafeteria ay nagbubulungan na, pansinin ba naman ako ni tristan, humanda na ako sa mga babaeng inggitera diyan! "T-thankyou.." pakiramdam ko ay namula ako, tinanguan niya lang ako bago maglakad palampas sa' kin, wala man lang iyong pamatay niyang ngiti. _ Alas singko na ng lumabas kami ng university, Nagkalayo na kami ni beka sa highway pa lang, doon siya sa bungad ng daan. Samantalang ako ilang bahay pa ang lalagpasan bago makarating mismo sa tinitirhan namin. Noong una ay hindi ko gusto rito, mas nais ko sa lugar nila na daddy kung saan ay hindi kami nagsisiksikan dito, kung titingnan kasi ay para kaming mga squatter, Ngunit hindi naman. Masyado lang talagang dikit-dikit ang mga bahay, sa kabilang banda naman sa laguna kung saan kami nakatira noon ay nasa tabi kami ng kalsada. Pero batid ko sa sarili na nagustuhan ko na rito, lalo na sa bago 'kong pinapasukan. Marami kasing gwapo. Nasa kalagitnaang ako ng paglalakad ng muli ay mahagip ko ang lalakeng nawala na lang bigla kanina, humihithit na naman ito ng sigarilyo, bakit ba nakasanayan niya ng libangan iyan? Puro usok lang naman ang makukuha mo sa bagay na 'yan. Nag-angat siya ng tingin sa' kin, bakit ba may ganitong kagwapong tambay rito? Totoo 'bang nag-aaral siya bilang prosecutor? Pero paano iyon, hindi ko alam. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya, maayos naman siyang manamit simple lang. "Hey.." pinansin niya ako sa paraan na matutunaw na ang puso ko, napansin niya na naman ako? D*mn, Kinikilig na naman ang munti 'kong puso. "H-hey.." ani ko rin, nais 'kong sampalin ang sarili dahil sa isinagot. "Kumusta? How's your red days?" hindi ko alam kung dapat ba na itanong iyon sa babaeng katulad ko, Parang wala man lang sa kanya ang sinabi niya, hindi ba ito nahihiya? "Umiinom ka ng softdrinks kanina sa cafeteria, hindi ba bawal iyon sa mga may dalaw na babae.." namumula na ako sa kakatanong niya, dapat alam niyang hindi na ako kumportable. Pero bakit alam niya na bawal ang soda sa 'amin? "B-bakit mo ba tinatanong 'yan?" Natawa siya. "Wala lang.." itinapon niya ang natitirang yosi nito sa gilid ng mga basura, tumuwid ito ng tayo. "Hindi ka pa ba uuwi?" "Uuwi na sana, k-kaso tinawag mo ako.." "Hm, Ihahatid na kita sa inyo.." "Ha?" hindi pa rin ako makapaniwalang nag-uusap kami, kailan lang ng makilala ko siya bakit ganito na ito kung makapag-usap, ihahatid niya pa ako? "May hinihintay ako, Kaso hindi ito dumating, dadaan din naman ako sa bahay niyo, sabay na tayo.." napanguso ako, may hinihintay siya? Sino naman kaya iyon? Hindi kaya girlfriend niya. Tsk, napaka-feeling mo talaga na ihahatid ka niya, Madadaanan lang naman pala nito ang bahay namin pauwi. Sayang nasa tuktok pa naman ako na umaasa. "Anong pangalan mo?" nakalapit na ito sa' kin, napaatras ako, sobrang taas niya kumpara sa height ko, lumulubog ako sa harapan niya. "M-mara.." medyo naiilang ako, kung makatitig kasi ito wagas. "Kumusta ang mukha ko kanina? Maganda ba ang pagkakakuha mo?" napamaang ako, nakita niya na kinuhanan ko siya ng litrato? Ano ba iyan, mara! Nakakahiya. "H-hindi kita kinuhanan, bakit ko naman gagawin iyon.." pag-tatanggi ko, bawat salitang binibigkas ko ay lumalabas sa aking ilong, tumango na lang ito sa sinabi ko bago tumunog ang cellphone sa bulsa niya. Kinuha niya iyon, Nakita ko ang pangalan na nakasulat. Xiomara Calling..... Napakurap ako sa screen, sinagot niya iyon. Bakit bigla ay naalala ko si ate. Kapangalan niya ang nasa screen. Xiomara ang ngalan ng ate ko, ngunit nasa laguna siya. Hindi naman niya siguro makikilala ang lalakeng ito. "Nakauwi ka na?" dinig ko ang pagtatanong nito, ang mukha ko ay hindi maayos sa pagkaka-kunot. kung ganon may girlfriend na siya? "Okay, Magbibihis lang ako.." pinatay na nito ang tawag, unti-unting namamatay ang pag-asang meron ako. "Maauna na ako.." Nais 'kong umirap ngunit hindi na lang, bakit ba siya nag-papaalam? Maaari naman siyang mawala na lang bigla sa paningin ko. "You should go home now, hindi na kita masasabayan, Ingat ka mara.." tinalikuran na ako nito, dumaan siya papasok sa isang kanto paliko sa tindahan ni aling rusing. Nagmamadali itong umuwi, siguro atat na atat makita at makasama ang girlfriend niya. Bagsak ang balikat 'kong naglakad pauwi, Matamlay ako ng pumasok sa bahay, Hinubad ko ang sapatos ay naupo ako sa sofa. Isinandal ko ang likod doon at inalala kung gaano kaamo ang mukha ni thor kanina lang. Hindi ko talaga maiwasang humanga sa kanya. "Aki!!" umalingawngaw ang pamilyar na boses sa kabahayan, nag-angat ako ng tingin sa hagdan, Naroon ang babaeng ilang buwan 'kong hindi nakita. "Ate xiomara!" ngumiti ito, nagmadali siyang bumaba at agad aysinalubong ako ng yakap. Nakauwi na si ate. ____ to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD