Umpt... NAPABALIKWAS AKO nang maalala ang huling tagpo kagabi sa resto bago ako tuluyang nakatulog! Nagkumahog akong bumangon at tinungo ang pinto nitong silid na kinaroroonan ko at ganu'n na lamang ang pagkagimbal ko ng hindi ko ito mabuksan kahit anong pihit ko sa doorknob! Wala ring bintana sa buong silid na lalo kong ikinakaba! Kaagad akong pumasok sa isa pang pinto dito sa silid at bumungad sa akin ang maliit na banyo! May bintana dito pero ulo ko lang naman ang magkakakasya! Pumatong ako sa toilet bowl at sumilip sa labas. Lalo akong pinanghinaan ng malawak na kakahuyan ang tanging nakikita ko! Nanginginig ang mga tuhod kong pinakiramdaman ang sarili. Mukha namang hindi niya ako ginalaw, pero bakit niya ako dinala dito? Sina Liezel!! Lalo akong nagulangtang ng maalala ang mga

