Bubuka pa lang ang mga labi ni Charie habang nakasunod kay Aling Bebe sa pagbagtas nila sa mahabang pasilyo sa ikalawang palapag ng villa ni Hisoka, may sagot na agad ang babae. Wari bang nabasa na nito ang hiling na mamumutawi pa lang sa mga labi niya. “Hindi kita tutulungang makatakas dito. Hinding-hindi ko tatraydurin si Sir Hisoka.” “Pero mali ho itong ginagawa niya. Kinidnap niya ako, Aling Bebe. Labag sa kalooban ko ang manatili dito. Pakiusap, tulungan naman ninyo ako,” pagsamo niya dito. Humarang pa siya sa daraanan nito. Ibinuka niya ang mga braso upang hindi ito makalagpas sa kanya nang tangkain nitong lumihis ng daan at lagpasan siya. “Aling Bebe, maawa na ho kayo. Hindi tama ang ginagawang ito ng amo ninyo. Gusto ba ninyong makulong din kapag ihinabla ko siya ng k********

