TIPID AKONG ngumiti nang umupo ako sa silya. May kaunting bigat sa aking paghinga. Magiliw akong binati ni Paul…as usual, tungkol sa marriage ko iyon kay Marcus. Tumatango-tango lang ako bilang pagtugon hanggang sa maramdaman kong may marahan ng pumipisil sa kanang kamay ko mula sa ilalim ng mesa. “Let’s eat,” ani ni Marcus na nasa tabi ko na pala. Masyado akong nakatuon sa sinasabi nina Paul at Anika kaya ‘di ko siya agad napansin. “I’m sorry kung pinaghintay ko kayo,” dagdag pa na sabi niya kasunod ng pagsalikop ng kamay niya sa akin. Nahigit ko ang paghinga ko. “Love, what do you like to eat first, hmn?” Saglit ko siyang nilingon saka ngumiti. Tila nakaabang naman sa sagot ko ang dalawang nasa harap ko. “K-kahit ano.” Ayaw ko siyang mapahiya sa mga kaibigan ko dahil sa ngitngit na na

