Defeated

760 Words
It's been three days already and Nathalie didn't even bother going out to work. Nagmumukmok siya sa kuwarto niya at iniiwasang makaharap ang tita Sheryl niya. Hindi pa siya handang magtapat dito . Siguradong makakatikim siya ng 'I've told you so.' mula rito. Dahil umpisa pa lang ay ayaw na talaga nito kay Rodney. Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at pumasok ang tita niya. "Okay Allie, I think I've given you enough time para pag isipan kung kelan mo sakin sasabihin ang problema mo." Nakapameywang na sumbat niya sa pamangkin. She sighs. "Rodney and I broke up ..". She said at di niya mapigilang mangilid ang mga luha. Nagulat ang tita niya at lumapit ito sa kanya para aluhin siya. "Bakit? kelan pa?" May pag aalalang tanong nito. "It was a few days ago.. I think we really are not just meant for each other .." pigil ang mga luhang tugon niya sa tita niya. Ayaw niya nang sabihin pa sa tita niya ang totong dahilan ng paghihiwalay nila ni Rodney . Ginagap ng tita Sheryl niya ang mga kamay niya at niyakap siya . "Ssshh ..It's okay , you deserve someone much better than him. Maraming pang mas mabubuting lalaki diyan na pahahalagahan ka." Alo nito sa pamangkin habang hinahaplos ang buhok at likod nito. Tuluyan ng napaiyak si Nathalie sa balikat ng tita niya . Naaawa man ay walang nagawa ang tita Sheryl niya kundi damayan siya sa pag iyak . Lumipas ang ilang linggo ay napagtanto ni Nathalie na hindi niya na kayang tumapak pa sa opisina at baka magkita ulit sila ni Rodney. She decided to sent a letter of resignation. Sa araw ding iyon ay pumunta si Rodney sa bahay ng tita niya. Ngunit hindi niya ito hinarap bagkus ay ang tita Sheryl niya ang humarap dito sa may gate ng bahay nila. "Nathalie.. " sigaw nito mula sa labas. " Please let's talk." Galit na lumabas ang tita niya at may bitbit pang walis na hinarap si Rodney. "Hoy ! Nakakabulahaw ka sa mga tao dito ! Pwede bang umalis ka na at baka matamaan ka sakin! Nagulat si Rodney pero di ito natinag. "Tita ,kakausapin ko lang po si Nathalie.. sige na po" pagmamaka awa nito. Umirap lamang ang tita Sheryl niya dito. "Ang kapal naman ng pagmumukha mo . Pagkatapos mong saktan ang pamangkin ko nakuha mo pang magpakita dito?! Natahimik si Rodney . Tumingin ito sa taas at nakitang nakasilip si Nathalie. Nagkatinginan sila pero biglang sinarado ni Nathalie ang kurtina ng bintana. Nanlumo si Rodney at magalang na nagpaalam kay Sheryl. "Sige po Tita .. babalik na lang po ako sa susunod." Malungkot na saad nito. " Hmmp ! Mas makabubuti sigurong wag ka nang bumalik pa rito . Hindi ko man alam ang buong kuwento ,ang alam ko lang pinaiyak mo ang pamangkin ko." Inis na sagot niya sabay sarado ng malakas sa gate. Laglag ang mga balikat na naglakad palayo si Rodney mula sa bahay ni Nathalie. Samantala ay umakyat si Sheryl para kumustahin ang pamangkin. Nakita niya itong nakaupo sa gilid ng kama at nakatingin sa kawalan. Napabuntong hininga si Sheryl sabay lapit dito. "He's gone already ,pero sabi niya ay babalik siya dito para kausapin ka." Nathalie looked at her Aunt . "I think I need to have a break from all of this.. I'm thinking of going sa probinsiya para magbakasyon tita ." Matamlay na sagot ni Nathalie. Napatitig siya sa pamangkin at napansin ang nanlalalim na palibot ng mata nito . Ilang araw lang ang lumipas pero nangayayat na ang hitsura nito at halatang pagod na pagod. Kaya't tumango siya bilang pag sang-ayon dito. " Magandang ideya yan .. lalo at ilang taon nang hindi natin nabibisita man lang ang bahay natin sa Cagayan." Sheryl nodded. Ngumiti ng pilit si Nathalie. " Yes , and I could use some fresh air ." "Oh siya ..at tatawagan ko si Mang Berto para ihanda at malinisan ang bahay bago ka dumating doon." Tumayo na si Sheryl at naglakad palabas ng pinto. "Salamat po Tita .. " wika niya. Ngumiti lang si Sheryl sa pamangkin pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ng pinto. Naiwang nakatingin lang sa pintuan si Nathalie. This past few days had been to tiring for her . She was emotionally drained . Sa mga nagdaang araw ay ginawa niya ang lahat para hindi sumagi sa isip niya ang gabing iyon kasama ang estrangherong lalaki. But little did she know that a constant reminder of that night ang biglang darating sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD