Nakarating kami sa rooftop. Wala nang masyadong tao since nag-uwian na. May mangilan-gilang tao pero di naman kami napansin. Pumunta kami sa gilid at tumingin sa ibaba at kita do’n ang buong view ng campus. Noong Grade 7 pa lang ako, gustong-gusto ko dito kasi mahangin e. Ang sarap sa pakiramdam. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago bumaba yung mga natira hanggang sa kaming dalawa na lang ang nandito. Binitawan ni Jasper ang kamay ko at niyakap ako mula sa likod. “Happy first monthsary ulit, babe. Hindi ko akalain na naka-survive tayo ng isang buwan na puro pagtakas at pagtago,” sabi niya at saka tumawa. “Oo nga,e. Sorry, babe. Hindi kita kayang ipagmalaki sa pamilya ko at sa mga tao. Alam mo naman kung gaano kahirap ang sitwasyon ko. Gustong-gusto ko man ipagsigawan sa buong mundo n

