Fiday na ngayon at ibig sabihin, ito na ang huling araw na makakasama ko ang boyfriend ko. Tapos n’on, halos isang buwan kaming hindi magkikita kasi nasa Batangas ako. Hindi ko rin maipapangako sa kan’ya na maco-contact ko siya palagi kasi bantay-sarado ako ni Kuya Trey. Mamayang gabi na raw kasi ang dating nila. Haaay. Sana ma-delay kahit konti—kahit isang araw lang. “’Wag ka nang sumimangot, babe. Magkikita pa naman tayo, e,” sabi ni Jasper tapos ay pinagsalikop ang mga daliri namin. As usual, nandito na naman kami sa room at tahimik na nag-uusap. Hindi rin kasi pwedeng malaman ng mga kaklase namin na “kami na” dahil may source si Kuya Dexter dito. Palagi na lang tuloy kami pumapasok nang maaga para konti pa lang ang mga tao sa room at kadalasan, wala pang pakialam sa amin. “Mami-mi

