Hindi ko na natapos ang binabasa ko dahil nabigla ako sa biglaang pagsasalita ni Charisse. “My god, Charisse. Nagka-mini heart attack ako dun, ah?” sabi ko saka nagbuntonghininga. “Nagbabasa lang ako ng blogs ng mga tao na fino-follow mo. In fairness, ang lalim ng hugot nila.” “Ah, so, may naisip ka na ba?” Tanong niya at ni-close niya ang tab ng Tumblr niya at nag-f*******: na lang. “Wala pa, e.” “Basta lagi mong iisipin, besty, effort yung lagi nilang napapansin, hindi yung mismong ibibigay mo sa kanila.” Inikot ko ang paningin ko sa kwarto niyang kulay blue na akala mo ba’y nasa ocean park ka. Kulay blue kasi ang kabuuan ng pader pati ang ibang mga gamit, e. Kyot! Pero ano kayang ibibigay ko kay Jasper? Hmm. Habang nag-iikot naman ako ng paningin, natigil ang mata ko sa side tabl

