Paikot-ikot ako sa loob ng kwarto ko at naghahanap ng pwedeng ibigay kay Kuya Miko ngayong birthday niya. Hindi pa nga ako nakaka-text kay Jasper na nakauwi na ako, e. May thirty minutes na siguro akong nandito sa kwarto. Nang mapagod ay naupo na ako sa bed at tinawagan si Charisse. “Hello?” sagot niya. “Hello, Besty! I have news for you!” masayang sabi ko. “Ano yun, Besty?” tanong niya. “Mamaya ko na lang sasabihin. Uhm, may itatanong muna ako sana sa ‘yo.” “Ano yun?” “Nakalimutan ko kasi na birthday ng kuya mo kaya ayun. Parang nagtatampo siya sa ‘kin. E hindi rin ako nakabili sa mall kanina dahil nga nawala sa loob ko. Uhm, ano sa tingin mo pwede kong gawin?” mahabang paliwanag at tanong ko. “Hindi naman materialistic na tao si Kuya, e. Alam mo ‘yan. Ewan ko. Gusto niya kasi, e

