Ngayon na ang araw ng Mr. and Ms. Intrams. Kinakabahan na ako. ‘Di naman ako gaanong nag-prepare, e. Nakakatamad kaya! Kung alam ko lang na maraming aasikasuhin, sana hindi na lang ako pumayag. Tama pa yata si Kuya Dexter. Hindi masarap sa feeling kapag maraming atensiyon ang nakukuha mo. Feeling ko, kaunting pagkakamali ko lang, huhusgahan na nila ako. ‘Di pa man kami rumarampa sa stage, feeling ko, madadapa na ako. “Kuya, kinakabahan ako,” sabi ko kay Kuya Dexter na nasa backstage din dahil ‘di pa naman kami nagsisimula. “Kaya mo ‘yan! Ikaw kaya pinakamaganda sa lahat ng contestants,” pang-uuto niya sa akin. Tinawanan ko siya. “Sigurado ka, ah?” “Oo naman! Kapatid kita, e. ‘Di naman ako papayag na pangit yung kapatid ko. Dapat, mana ka sa ‘kin. Magkamukha kaya tayo!” Tumawa siya

