“Gising na!!!” ‘Yan ang unang salitang narinig ko pagkagising ko kasabay ng malakas na pag-alog ng kama ko. Pagmulat ng mata ko ay nakita ko si Kuya Trey na nakahiga sa tabi ko at yakap-yakap ako. Tinulak ko naman siya palayo sa akin. “Kaaga mo na naman akong binubwisit Kuya Trey! Puyat ako! Do’n ka nga! Ang baho mo!” sabi ko gamit ang antok na antok na boses. “Ayos ka rin, ah? 9:00 a.m na, Jessy. Gising na! Mamamasyal pa tayo. ‘Di mo ba na-miss ang pinakagwapo mong kapatid? Huh?” sabi niya habang yakap-yakap ako sabay yugyog sa higaan. “Epal ka ba? Wala kaya akong gwapong kapatid! Do’n ka nga! Inaantok pa ako. Matutulog pa ako. Alis ka kasi Kuya!” naiiritang sabi ko saka nagtalukbong ng kumot. “Tsk! Ibibigay ko pa naman ‘yung pasalubong ko sa ‘yo. Bahala ka.” Napabangon ako nang wa

