After 30 minutes, nakarating kami sa bahay nila. Malaki din ang bahay nila, parang ‘yung sa amin. Maganda rin ang garden. Hatang alagang-alaga. Parang si Mommy lang. Mas mahal niya pa yata ‘yung garden niya kaysa sa akin kung alagaan niya ‘yun. Hmp! Tatlong bahay lang pala ang layo ng bahay nila Jasper sa bahay nila Charisse. I wonder, sino kaya ‘yung crush ni Charisse na kapit-bahay daw nila? “’Ma, nandito na po kami,” sabi ni Jasper sa Mama niya at hinalikan ito sa pisngi. Ngumiti sa akin ang Mama niya. “S-Siya nga po pala si Jessica Louisse. Kaklase ko at partner ko sa Mr. and Ms. Intrams,” pagpapakilala sa akin ni Jasper. “H-Hello po,” pagbati ko sa kan’ya. Nakipag-beso naman sa akin ang Mama niya. “Hello hija. Napakaganda mo naman,” masayang bati niya sa akin. Nahiya naman ako do

