Papunta sila Kai sa bahay nila Sam para sunduin ang dalaga dahil ngayong gabi ang party, kaso nagtataka ang binata na kailangan samahan pa siya ng ate niya at Kaycee ang alibi nila bisitahin daw nila ang parents ni Sam eh nun isang araw magkakasama na sila wala ang parents niya kasi may pinuntahan itong ibang business meeting. "Kuya ang gwapo gwapo mo" nakangiting sabi ni Kaycee na titig na titig sa kanya ngayon, siguro naninibago ang bata kasi ngayon lang siya nakita na nakaformal ngayon lahat ng binili nila ni Sam ang suot niya sa tulong ng buong pamilya niya. "Wow Kai ang gwapo mo talaga" Nakangiting sabi ng Tita Katarina niya "Syempre tita alam mo na" Nakangiting sabi ng ate niya. "Pababa na din si Sam" sabi ng Daddy nito. "Honey faster nandito na sila" tawag ng Mommy ni Sam. "C

