Nasa bar na naman si Kai kasama ang mga kaibigan niya, nung kelan lang napaaway sila sa sobrang galit ng Manager pinahuli sila. "Bro, ano tahimik ka ha" tapik ni Sebastian dito pero di na kumibo kaya nagkatinginan lang sila ni Martin. Naiinis siya sa nangyari, lagi niyang iniisip yung papel na binigay ng Papa niya pero itinapon niya. "Bro sana pinuntahan mo" sabi ni Martin ikuwento niya kasi sa dalawang kaibigan. "Tsk" Yun lang sagot niya kaya umiling na lang sila Martin at Sebastian. Bakit ba ayaw niya, simple lang natatakot siyang malaman ang dahilan ng mga totoong magulang bakit siya pinaampon natatakot siya sa maririnig, gusto niyang pumunta para sumbatan ang mga ito pero wala siyang lakas ng loob para harapin ang mga ito. "Kai kanina pa tumutunog ang cellphone mo" Sigaw ni Mart

