Pumunta si Kai sa hospital at agad niyang nakita si Sam na nakaupo sa isang bakanteng silya agad niyang nilapitan ang dalaga, magang maga ang mata nito sa kakaiyak at namumutla na. "Sam" Tawag niya dito at umupo sa tabi ng dalagal, nilingon siya nito at umiyak na naman di niya alam kung paano papagaanin ang loob ng dalaga kasi hanggang ngayon nanganganib pa din ang buhay ng kanyang ama, alam niya ang ganun pakiramdam. "Kai, si Daddy" sabi nito at yumakap sa kanya, iyak lang ng iyak ang dalaga. "You need to be strong for your Mom lalo na for your Dad" sabi nito at pinipilit pakalmahin ang dalaga. "Your strong right?" Sabi nito at bahagyan nilayo pero hawak ang magkabilang balikat ng dalaga, at pinunasan ang mga luha sa pisngi. "Lalaban ang daddy mo kaya dapat ikaw din okay" sabi nito t

