Pagkatapos ni Zach na uminom ay kaagad siyang nahiga sa kama. Kasunod naman ang pagtunog ng aking telepono. Napakuyom ako ng kamao ng makita na si Daddy na naman ang tumatawag. "Ano na naman ba ang kailangan mo, Dad?" tanong ko sa aking isapan. Lumabas ako sa loob ng kwarto at sinagot ang tawag ni Daddy. "Dad," tipid na sabi ko lang. "Ano na Nich? Nakapag desisyon kana ba? Malapit nang bumalik si Rizza dito kaya kailangan na makakuha ka ng malaking halaga ng pera bago ka hiwalayan ni Zach!" mariin na sabi niya sa akin. Napapikit ako. Alam ko na si Rizza ay ang long term girlfriend ni Zach na ayaw ko talagang pag-usapan dahil nasasaktan ako. "Dad, alam na ni Zach ang tungkol sa perang nawawala. Hindi ko na maaring nakawan si Zach dahil baka-" "Oh, common Nich. Ano ba ang pumipigi

