Khian's pov
Nandito ako sa may disk ko nakadukmo lang hayystt ito kasi ang 2 weeks ko sa training ko bilang isang CEO ng company na ayaw kong hawakan
"Aray ko naman!!" hiyaw ko ng may nangbatok sa akin kaya tinignan ko ito ng masama
"Umayos ka nga dyan Khian!!!" sita ni kuya na syang ikinabusangot ko naman
"Sinabi ko na ito kuya, ayaw ko nga sabing humawak ng company eh" inis na saad ko
"Look Khian, di ka tatantanan ni lolo na ipamana sayo lahat ang ari-arian natin" sagot naman ni kuya
"Bakit kasi ako pa?" inis na tanong ko
"Dahil ikaw lang ang may kakayahan na mapunuan ang companies natin kaya kung ako sayo kumilos ka na dyan" utos ni kuya
Wala akong nagawa kung di sundin ang utos nya. Nga pala kasama ko ang anak ko wala naman ksing mag babantay sa kanya sa condo dahil wala kami ng tito nya
*Tok
*tok
*tok
"Come in!!!" sigaw ni kuya mula sa sofa
Pumasok ang isang babae na siguro isang secretary dito? Ewan, pero base sa suot nya isa syang ordinaryong babae
"Sir Kelvin may meeting po pala si sir Khian" bigla sabi nito
"What!!! Kuya ayaw kong pumunta" pag mamaktol ko
"No, kaylan ka don Khian. Plss lang sumunod ka na muna ok" wala akong magawa kung di sumunod
"Siguro naman alam mo na ang mga gawain bilang isang CEO dahil dalawang linggo ka rin nag training" tumango ako kay kuya bago lumabas ng office
Naabutan ko ang magiging secretary ko na nakatayo malapit sa pinto
"Halika na po sir" tumango lang ako sa kanya at nag lakad
Pag baba namin maraming bumabati sa akin at sempre mga bulong-bulungan din pero di ko na pinansin pa yon
Pag labas namin ng company si butler Jhon ang nakita ko, pinag buksan nya ako ng pinto kaya pumasok na ako at ganon din ang secretary ko
"Nga pala anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya kasi di ko pa sya masyado kilala dahil sa sobrang pagkabusy
"Ahh Sarah Mae Wilson po ang pangalan ko" sagot nya kaya tumango ako
"Ilang taon ka na?" tanong ko muli sa kanya
"26 year old" sagot nya, so same age lang pala kaming dalawa
"Saan gaganapin ang meeting?" tanong ko muli sa kanya
"Hmm sa isang factory po, yong mga ginagawa nilang drink or alak" tumango nalang ako sa sagot nya at tumingin sa labas
Ng makarating kami sa isang factory ay sumalubong sa amin na isang binata base sa kanya mga 20s din sya katulad namin ni Sarah
"Good afternoon mr. Salvador" bati nya sa akin at nakipag kamay sya kaya tinanggap ko ito
"Good afternoon too mr. Valdez" bati ko rin sa kanya at binawi ang kamay
"Let's go inside" tumango ako at naunang naglakad kasunod sya at si Sarah kasama ang secretary nito
Nag usap-usap kami habang nag lalakad, pinapalista ko rin kay Sarah ang ma sinasabi at mga kaylangan o importanteng detalye
"So kapag natapos na ito mag lalagay tayo ng model o gagawa para sa project na toh?" tanong ko sa kanya
"Yon sana kaso di ko alam kung sasang-ayon ang top 1 businessman" sagot nya sa akin
Nandito kami sa coffee shop malapit sa factory nag uusap pa rin
"Nga pala ikaw si Khian diba? Ang kapatid ni Kelvin" tanong nya, tumango ako pero kalaunan nangunot din ang noo ko dahil sa sinabi nya
"Kilala mo si kuya?" tanong ko sa kanya
"Friends since high school pero lumipat din kami sa london non kaya ayon nag kahiwalay kami ng kuya mo. Pero naging partnership ko sa sa business" sagot nya at ngumiti
"Ahh same age pala kayo ni kuya" tumango naman muli ito
"So wala na tayo ngayon pag mimitingan pa, kapag siguro natapos na ang lahat don mag memeeting ang mga inverstors" nakipag kamay muli ako sa kanya at umalis na rin kalaunan
"May meeting pa ba tayo?" tanong ko sa kanya
"Ahh dinner with mr. Arilla naman po tayo sir sa isang mamahalin na resturant" parang bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko iyon pero sempre gusto ko pa rin malaman
"Anong full name nya?" tanong ko muli sa kanya
"Devion, Devion Arilla" parang kinapusan ako ng hininga ng malaman ko ang full name nya at nanglamig din ang mga kamay ko kasama na rin ang panginginig
"Sir Khian, ayos ka lang? Namumutla ka" nag aalalang tanong ni Sarah sa akin, ngumiti ako sa kanya at tumango
"Oo, ok lang ako" sagot ko sa kanya
"Nga pala pwedeng Khian nalang itawag mo kapag tayong dalawa lang?" dagdag ko pa nanglaki ang mata nya kasabay ng pag iling
"Nako sir, bawal po yan. Baka kapag ginawa ko yan, baka marami na namang sasabihin o kukutyain ang mga tao sa kin" mahinang sambit nito
"Paraming nang bubully sayo sa company?" tanong ko sa kanya tumango naman ito
"Oo dahil ganon din ang gusto ng kuya mo, gusto nyang tawagin ko nalang syang kuya Kelvin kaya ayon maraming nag sasabing nilalandi ko ang kuya mo" sagot nya sa akin
Napapikit ako sa inis pero kalaunan ay kumalma rin bago hinawakan ang kamay ni Sarah at ngumiti sa kanya
"Hayaan mo na sila, ang mahalaga diba may kaibigan ka na proprotekta sayo" nakangiting sabi ko
"K-kaibigan?" utal na tanong nya, tumango naman ako
Nagulat nalang ako na bigla nya nalang ako niyakap habang may kasamang iyak o hagulgol kaya niyakap ko ito at punatahan
"Tahan na Sarah, ok lang yan nandito naman ako eh. Kami ni kuya" pag papatahan ko sa kanya
"S-salamat sir-- Khian pala hehe" natawa ako sa sinabi nya pero nabalik rin kalaunan ng may naalala ako
"Anong oras ng meeting kay mr. Arilla?" tanong ko sa kanya
"Mga 7:30 to 9:30 pm bali 1 hour to 30 mins ang meeting nyo mamaya" napanganga ako sa sinabi nya ganon ka haba talaga?
"Ok, umuwi ka na kapag lumabas na ako ng office ako na ang bahala sa meeting na magaganap" sabi ko sa kanya
"Sure ka po?" tanong nya kaya tumango ako
"Butler Jhon anong oras aalis si kuya papuntang Canada?" tanong ko kay Butler Jhon
"Mga 11:00 pm pa hijo" sagot nya kaya tumango nalang ako
Pag karating namin sa company ay pumasok na rin kami papuntang office ko
Marami akong naririnig ng kung ano-ano at mga masasamang salita na binibitawan kay Sarah kaya mas lalong yumuko ito
Para di na nya na ito marinig ay hinatak ko na sya papasok ng elevator
"Hala bat mo ginawa iyon?" tanong nya na may halong pagkataranta
"Hayaan mo sila, wala naman silang pake noh" sagot ko sa kanya at sumandal malapit sa pinto ng elevator
"Nga pala palaging napapansin na may bata sa office mo, sino ba sya?" tanong nya sa akin
"Ahh si Xander ba? Anak ko sya" nakita ko ang gulat sa mata nya
"So daddy ka na pala?" tanong nya tumango naman ako
"Nasaan mommy nya wala na ba?" tanong nya muli, di ko aakalain na madaldal pala ito
"Ang totoo isa akong omega or Hermaphrodite" sagot ko sa kanya
"Teka? Hermaphrodite o omega?" tanong nya, tumango ako
"Karamihan may mga lalaking may hermaphrodite so it's means pwedeng mabuntis" sagot ko sa kanya
"Goshh so ikaw mismo ang nag luwal sa kanya?" di makapaniwalang tanong nya kaya tumango ako
"Nakakatawa diba? Dahil isa akong lalaki pero nabuntis" natatawang saad ko
"OMG!!! Pero ok na rin yon atlis may blessing naman diba" tumango ako sa kanya at ngumiti rin
"Nasaan na pala ang daddy nya?" nawala ang ngiti ko at napalitan ng lungkot
"Acctually matagal na kaming wala, di nya rin alam na nag kaanak kami" sagot ko sa kanya na may bahid ng lungkot
"Palaging hinahanap ni Xander ang daddy nya pero dahil sa pagiging bibo at talino nya nagegets nya kung anong gusto kong ipahiwatig sa kanya" dagdag ko pa
"Ok, ngayon naiintindihan ko na. Sorry medyo naging chismosa na ako" tawa ako sa sinabi nya at umiling
"Nahhh ok lang" pag kasabi ko non ay nanahimik na rin sya agad
Ng bumukas ang elevator ay tinahak ko na ang office ko, pag bukas ng pinto ay nakita ko ang nag tito na nag lalaro
"Kuya can you talk?" seryosong tanong ko sa kanya
"Sure" sagot nya
"Baby Xander don ka muna kay tita Sarah mo" malambing na sambit ko sa anak ko
"Baby Xander halika dito" tawag ni Sarah
Kinuha nya ang bag nya at tumingin sa akin bago tumango at sumama kay Sarah
"What is it bunso?" tanong ni kuya ng makaupo sa may sofa
"Kuya alm mo tungkol kay Devion?" seryosong tanong ko sa kanya
"Hmm yon ba? Yup, alam ko na may meeting kayo mamaya" sagot nya bago hinigop ang juice na iniinom ny
"Alam mo? Pero bakit ka pumayag?" inis na tanong ko sa kanya
"I think Khian, this is the time para mag pakita ka sa kanya" seryosong sagot nya sa akin
"Khian di habang buhay na palagi ka nalang mag tatago o di mag papakita kahit anong gawin mo mahahanap ka pa rin nya" dagdag nya pa
"Ahh so hahayaan mo lang ako na mag pakita sa ex-husband ko" sakrestikong tanong ko
"Bakit Khian? Di ka pa rin ba naka move on? Khian almost 5 years na ang nakakalipas, tinago mo na nga ang anak nyo diba? Bakit ka pa nangangamba dyan" sumbat ni kuya sa akin
"Kuya mag kaiba naman ang iniisp natin eh, natatakot lang ako na baka kunin nya si Xander di ako papayag don" mahinang saad ko
"Kahit itago mo ang anak nyo malalaman nya pa rin ang totoo" sagot nya
"Pakipag kita ka sa kanya, hwag mong pangunahan ng takot ang sarili mo Khian. Kung naka move on ka na sa kanya makakaya mo syang harapin" dagdag ni kuya bago tinapik ang balikat ko at lumabas
Napaupo nalang ako sa sofa at napahilot ng sintido ko kasabay ng pag sabunot sa buhok ko
'Ito na nga ba ang tamang oras?'
CContinue