Devion's pov
Pag kabigay ko sa kanya ng devorce paper, may sinavi muna sya sa akin at ngumiti ng mapakla na syang ikinatigil ko maya-maya ay di na rin sya ng dalawang isip na pirmahan ito. At pag katapos ay nag paalam na rin sya sa akin
"Hmm i'm done to sign this, so i have to go and farewell Devion" mag sasalita sana ako pero di nya hinintay na magsalita ako. Pansin kong may tumulong butil sa may gilid ng mata nya pero parang namalikmata lang ako
Pero di ko alam kung bat di ako masaya nong pinirmahan, ewan para na yata akong baliw dito hayst
Ng matapos ko na ang ginagawa ko ay aalis na sana ako ng may biglang pumasok sa office ko
"Did you miss me babe?" napatigil ako dahil sa familliar na boses na yon, at mag lingon ko ay nagulat ako kung sino ang nasa harap ko
"N-nathalie?" gulat na banggit ko sa pangalan nya
"Yes it's me babe" nakangiting sagot nya sabay damba ng yakap sa akin pero nag taka ako dahil di ko alam kung na e-exited ba ako na makita sya yong puso ko parang normal na t***k di sya katulad noon nong naging kami pa. Parang baliw ang puso ko kapag nandyan sya pero ngayon kakaiba na
"Babe are you ok?" tanong ni Nathalie sa akin
"A-ahh yes i'm ok babe, i miss you" malambing na pag kakasabi ko sabay dinambahan sya ng isang halik pero may hinahanap ang mga labi ko dito ko alam kung ano iyon
*Ring!!!
Naputol lang ang halikan namin ng may tumawag sa phone ko at pag tingin ko si Mike pala
"Anong kaylangan mo?" seryosong tanong ko sa kanya
"Ahh... Hmm nothing sorry sa pang iistorbo" yan ang sagot nya
"Ano ba kasing kaylangan mo?" inis na tanong ko sa kanya buti malayo ako kay Nathalie
"Tss para saan pa para malaman mo, diba wala kang pake sa kanya kung may mangyaring masama sa kanya? So hwag mo nalang tanungin kung anong kaylangan ko" pag kasabi nya ay pinatay nya rin ang tawag
'F*ck ano bang nangyari sa taong yon!!'
Nitong mga nakaraang araw pag uwi ko walang Khian ang nakita ko sa mansion pero nandoon ang gamit nya, ang sabi nya aalis sya
May parti sa akin na pigilan sya pero may parti din na hayaan ko na sya dahil nandyan na rin naman ang mahal ko
*Ring!!!
Napatingin ako sa may phone ko at si Manang Marie lang pala. Simula nong di umuwi si Khian pinapunta ko na si Manang sa mansion ko
"Manang napatawag ka?" tanong ko sa kanya
"Nako hijo may lalaking pumunta dito kinuha mga gamit ng asawa mo di nya sinasagot mga tanong ko pero ang sinagot nya lang sa akin Kuya daw sya ni Khian" sagot ni manang
Napakunot naman ang noo ko at kalaunan ay nagulat sa sinabi nya kaya walang pag dadalawang isip na umalis ako sa office tinawag ako ni Nathalie pero di ko sya nilingon man lang
Pag karating ko sa mansion ay mabilis akong pumasok sa mansion at naabutan ko si manang na nag lilinis
"Manang kaylan pa umalis ang taong pumasok dito?" tanong ko sa kanya
"Ahh kanina pa sya umalis, pero pansin ko kasabay nya sa kotse si Khian di ko lang alam kung si Khian iyon" parang naistatwa ako sa sinabi ni manang
Di ko alam pero parang dinurog ang puso ko sa sinabi nya, parang t*nga na ako dito na di ko malaman ang dahilan
Pumunta ako sa may maid room at doon napaupo nalang ako ng wala sa oras. Wala na ang mga gamit nya miski isa walang natira. Di ko nalang namalayan na may luhang lumandas sa mata ko at doon tuluyan na akong umiyak
Bakit? Ganito ba kapag mahal mo sa isang tao? Di ko alam kung bat ako nag kakaganito. Ano bang nangyayari sa akin!!!!
"Oh bat nag mumukmuk ka dyan?" napatingin ako sa may pinto at nakita ko mga kaibigan ko
"Ikaw na ang nag sabi dude na kapag bumalik si Nathalie makikipag devorce ka na. Nakuha mo na ang gusto mo, nalabalik na ang babaeng mahal mo" seryosong sambit ni Zenrick
"Di ko alam pero nitong mga nakaraang araw naging ganto nalang ako" mahinang sabi ko sa kanila habang nakaya dukmo
"It's meaning you love him" napatigil ako sa sinabi ni Zenrick at napatingin sa kanya
"Di ka iiyak at di ka mag mumukmuk dyan kung ang mahal mo ang pinag uusapan. Di ka aalis sa company kahit alam mong wala na ang mga gamit nya dito. Ngayon alam mo na, ngayong nalaman mo na, na mahal mo sya don naman sya nawala sayo" dagdag nya muli habang ako nakikinig sa kanya
"Nasa huli ang pag sisisi Devion, sinayang mo lang lahat ng mga panahon na kasama mo sya " sabat ni Mike
"Kaya mag dusa ka dahil yan ang kapalit ng p*******t mo sa kanya, mga sumbat at galit mo sa kanya na kahit kaylan wala syang kasalanan sa nangyari. Minahal ka lang ng tao pero puro sakit at pag durusa ang binigay mo sa kanya" seryosong sambit ni Eric
"Pasensya na bro kung si Khian ang palagi naming kinakampihan, mabait si Khian at maalaga. Maalalahanin din syang tao at masiyahin pero ang totoo non kabaliktaran ang mga saya na nakikita namin sa kanya" nag taka ako sa mga sinasabi nila Liam
"Anong alam nyo tungkol sa kanya?" tanong ko sa kanya
"11 years ago her big sister is dead because of car accident" sagot ni Zedrick na syang mas ikinataka ko
"Bunsong kapatid nila si Khian, simula pagkabata o sanggol nya ang ate nya na ang nag alaga rito" dagdag nya pa
"Pero anong ginagawa ng magulang nya?" tanong ko muli sa kanya
"Kung gusto mong malaman lahat na mangyari sa nakaraan nya ikaw mismo ang makatuklas non" sagot ni Mike
"Mga hijo may ibibigay sana ako kay Devion isa itong sulat mula sa kuya ni Khian" napatayo ako sa narinig ko at pumunta sa gawi ni manang
"Para sayo ito hijo pinapabigay ng kuya nya" kinuha ko ang papel na nakatuklap bago umalis si manang
Umupo ako sa higaan ni Khian habang sila Liam naman nakatayo lang sa may labas
Binuklat ko ang sulat na iniwan ng kuya nya sa akin at binasa ang nilalaman nito
*Alam mo sinayang mo lang ang pag hihirap na ginawa ng kapatid ko, kinasal kayo dahil yon ang gusto nila mom at dad para sa company. Company lang naman ang dahilan kung bat nandito pa si Khian sa tabi nila. Pero sa kasamaang palad sa isang walang pusong nilalang pa sya napadpad, walang kasalanan ang kapatid ko kung bat kayo nag hiwalay ng girlfriend mo. Pero kapag nakikita mo ang kapatid ko palagi kang galit sa kanya at palagi mo rin syang sinasaktan.
Devion walang kasalanan ang kapatid ko bat palagi nyo syang sinasaktan!!! Devion di mo nakita ang halaga ng kapatid ko pag mamahal lang naman ang hinihiling nya eh PERO KAYO MADADAMOT KAYO DI NYO PINAHALAGAHAN ANG KAPATID KO!!! BAKIT KAYO GANYAN!!! BAKIT KAYONG LAHAT GUSTONG MAWALA ANG KAPATID KO!!!!*
Napaluha nalang ako sa nababasa ko
*SILA MOM, SILA TITA AT ANG IBANG ANGKAN NAMIN SYA ANG SINISISI KUNG BAKIT NAWALA ANG ATE NAMIN, KUNG BAKIT NAMATAY SYA DAHIL SA AKSIDENTENG YON!!! Ngayon wala na sya sa poder mo kukunin ko na sya at isasama sa akin papuntang ibang bansa tama na ang pag hihirap na binigay nyo sa kanya, tama na ang ilang beses na pag durusa*
Yon ang nabasa ko mula sa papel habang ako ito umiiyak nalang
"Bro may isa pang papel oh" napatingin ako sa isang papel kaya binuklat ko ito at nakitang sulat kamay ito ni Khian
*Noong nakaraang araw ng pinapirma mo ako ng devorce paper natin di na ako nagulat kung bat mo ako pinapunta non, sa mga narinig ko mula sa empleyado mo alam ko nang nakabalik na sya. Masaya ako khit na ako ng nasaktan. Hahaha pasensya na ah kung palagi akong nag hahabol sayo noon, gusto ko lang maranasan na may taong nag mamahal pa sa akin kaso wala eh, sila Zendrick lang ang nag paramdam sa akin ng pag mamahal bilang kaibigan nila. Pero ngayon sasama na ako kay kuya na umalis sa pinas gusto ko ng panibagong kinabukasan na wala miski isa ang mag paramdam na nasasaktan ako, ako nalang ang lalayo para sa inyo. Kahit pagod na ako noong mga panahon na kasama kita tiniis ko yon, kahit na saktan mo ako tinitiis ko yon dahil ganon kita kamahal. Pero ngayon? Suko na ako kasi yong taong pinapangarap ko mas mahal nya pa rin ang babaeng una nyang minahal. MAHAL NA MAHAL KITA DEVION PALAGI KANG MAG IINGAT, PAALAM MAHAL KO HANGGANG DITO NALANG TAYO SALAMAT SA MGA ALA-ALANG INIWAN MO PARA SA AKIN KAHIT PURO SAKIT AT PAG DURUSA ANG NARAMDAMAN KO SAYO*
Doon na ako napahagulgol ng isa habang binabasa ko iyon ang mga sulat na iniwan nya sa akin
"AHHH!!!" sigaw ko mula sa loob ng kwarto nya
"ANG T*NGA KO!!! ANG T*NGA-T*NGA KO!!!" pinag susuntok ko na ang pader pero hinahayaan lang ako ng mga kaibigan
"Bakit? Bakit ko nagawa sa kanya iyon? Bakit ko sya sinaktan? BAKIT!!!" sigaw ko muli lahat ng nahahawakan ko nababasa sige suntok lang ako ng nilapitan ako ni Zen at walang pag dadalawang isip na sinapak
"G*GO KA!!! SINASABI MONG BAKIT MO SYA SINAKTAN!!! T*NGA KA DEVION NABULAG KA SA PAG MAMAHAL MO KAY NATHALIE DI MO NAKITA ANG HALAGA NI KHIAN SAYO!!! NGAYON WALA NA SYA SA TABI MO MAG DUSA KA!!!! MAS MASAKIT PA ANG NARAMDAMAN NI KHIAN KAYSA SAYO!!! BUTI NGA YAN LANG ANG NANGYARI SAYO EH YONG IWAN KA NG TAONG MAHAL MO" sigaw nya sa akin
Iyak at hagulgol ko lang ang nagiging sagot ko sa kanya
"Ngayon nagising ka na sa katotohanan kung may plano ka gawin mo na, pare galit kami sayo dahil di tama ang ginagawa mo pero kaibigan mo pa rin kami sumusuporta sa mga disisyon mo, sinasamahan sa mga problema mo" saad ni Mike habang hinahaplos ang likod ko, niyakap ko nalang sya at doon humagulgol sa balikat nya
Lahat sila ay niyakap ako kahit si Zen
"Galit man kami sayo, pero mahal ka namin dahil kaibigan mo kami, nangako tayo noong mga bata pa tayo na di masisira amg friendship natin" sambit ni Eric
Puro iyak ko lang ang namayani sa loob ng kwartong ito. Ngayon alam ko na kung sino ang mas mahal ko, kung sino ang mas matimbang sa kanilang dalawa
Hahanapin kita kahit nasan ka man, itatama ko ang mga maling ginawa ko sayo. Di na ulit kita kakayaan na mawala sa akin
'Hintayin mo ako Khian'
Continue