Chapter 6

650 Words
Chapter 6 Khian's pov Nakalabas na ako ng hospital nitong nakaraang araw lang mga dalawang araw yata non Nandito ako ngayon sa may sofa nanonood, hinihintay ko kasi si Devion ngayon Mga 1:00 am na rin ng maisipan ko nang matulog baka kasi mamaya pa sya uuwi kaya tumayo na ako at pinatay ang tv Pero bago ako nakarating sa may kwarto ko ay may bigla nalang bumusina sa may labas ng gate kaya dali-dali akong pumunta sa may labas para buksan ang gate Pag labas ng taong yon sa may kotse ay napansin kong pagewang-gewang itong nag lalakad kaya inilalayan ko na agad sya kahit na ang bigat nya tss "Hayst nag inom ka pala" bulong ko at sabay pasok sa loob, nilock ko na rin bago umakyat sa taas para naman maihiga ko na itong si Devion Pag karating namin sa may kwarto nya ay binagsak ko agad sya sa kama nya. Inalis ko na rin ang sapatos nya sa paa nya Kumuha na muna ako ng maligamgam na tubig at towel para punasan sya saglit Pag balik ko ay nakatihaya na sya, ngayon ko lang itong gagawin sa kanya bahala nalang kung anong mangyayari bukas Ng makalapit ako sa kanya ay nilapag ko sa side ng table ang planggana at umupo sa may tabi nya Pero sa pag upo ko sa tabi nya ay bigla nya nalang ako pinahiga sa may dibdib nya kaya medyo nataranta ako "H-hoy D-devion pakawalan mo ako" kinakabahan kong sambit sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang yakap nya sa akin Baka naman pinagkakamalan nyang ako si Nathalie hayst Ng maramdaman kong bumibigat na ang paghinga nya ay dahan-dahan akong bumangon sa pag kakahiga sa may dibdib nya pero ganon nalang ang pagkagulat ko ng bigla nalang syang pumaibabaw sa akin kaya mas lalo akong nataranta "Devion---Hmmp" nanglalaki ang mata ko ng bigla nya akong halikan sa labi Nag pupumiglas ako sa kanya pero hinawakan nya lang ang kamay ko at dinala sa may ulunan ko Di ko alam pero nung gabing yon, yun ang di ko makakalimutan na nangyari sa buhay ko Kinabukasan Naalimpungatan ako dahil sa sinag na nag mumula sa labas Pero napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko ang nangyari kaso napangiwi rin ako ng sumakit bigla ang likod ko ganon din sa pang upo ko Nakita kong nakatalikod si Devion sa akin kaya dali-dali na akong nag ayos baka kasi nahala nyang nandito ako malilintikan na naman ako sa kanya Kahit na di ako makatayo o makalakad ay pinilit ko nalang para makaalis sa kwarto nya Bumaba na ako para mag luto pero naligo muna ako kinuskus ko ang buong katawan ko may nakikita rin akong marka sa leeg ko Buti nalang may maitatakip ako sa markang yon, may cream naman ako dito kaya yon nalang ang pang itatakip ko sa leeg ko Ng matapos ay nag luto na rin agad ako maya-maya ay narinig ko ang yapag ng paa nya na hudyat na pababa na sya Saktong tapos na akong mag hain ng makakain nya nag lagay na rin ako ng maiinom nya para sa hang over nya "Kumain ka na baka ma late ka pa" mahinahong sabi ko sa kanya di ko pinapahalata ang nangyari kagabi Umupo na sya at nag simula na ring kumain maya-maya ay niligpit ko na rin ito dahil tapos na sya Ewan pero parang ang sama ng pakiramdam ko p*tek kasi eh di ako tinantanan tss Pero naalala ko yong sinabi nya sa akin bago sya nakatulog 'I love you.... Nathalie' napangiti nalang ako ng mapakla at napailing nalang din "I have to go" cold na sambit nya tumango nalang ako at nag linis sa buong mansion Ng matapos ay nag pahinga muna ako dahil sa pagod medyo nahihilo rin ako ngayon kaya minabuti ko nalang na pumunta sa kwarto para matulog sakit talaga ng ulo ko hayst Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD