Clyde Pagkatapos naming makausap si Dracula s***h Zach ay sinabi niya sa amin na tatawag na lang daw siya oras na may malaman siya tungkol sa pinapagawa namin. Noong una ay nagtaka ako bakit kailangan pang humingi ni Jethro ng tulong kay Zach gayong ang hirap nitong pakiusapan. Doon ko nalaman na si Zach ay kayang maghanap ng mga taong nawawala at kaya niya ring alamin ang lahat tungkol sa isang tao. Kung paano niya ito ginagawa ay iyon ang hindi ko alam. Ang problema ay walang mahanap si Jethro na impormasyon tungkol sa mga tunay na magulang ni Jane na labis na nakapagtataka kaya naman kinailangn ni Jethro ang tulong ni Zach. Habang lulan kami ng sasakyan ni Jethro ay napatingin ako sa wirdong katabi ko na masayang nakabitbit ng isang supot ng chocolate galing sa America. Binigyan

