Jethro Kinabukasan ay maaga akong dumating sa aking opisina at naabutan ko roon si Earl na abalang kumakain ng mansanas. Tinaasan ko siya ng kilay dahil akala mo sa kanya ang opisina ko. “What the hell are you doing inside my office?” iritado kong tanong sa kanya. “Oh, come on Nam!” reklamo niya sabay taas ng dalawa niyang paa sa sofa. “Naging pamilyado ka lang naging masungit ka na rin? Iba talaga ang epekto ni Lucifer kapag nakakasama natin siya. Nag-iiba lahat ng ugali niyo.” Sumimangot pa siya na parang bata. “Nandamay ka pa. Kapag nalaman ni Lucifer iyan sigurado ako sesermonan ka nanaman niya,” sabi ko sa kanya pero inaayos niyang umupo sa aking sofa sabay binato ang hawak niyang mansanas sa basurahan. “Lucifer and I have a very deep bond that you guys WON’T understa

