Clyde Kinabukasan ay nakatitig lang ako sa aking cellphone dahil wala pa rin akong natatanggap ni isang text o tawag mula kay Jane. Nag-aalala ako na nagalit na siya sa akin dahil sa mga itinago ko mula sa kanya. Hindi ako mapakali na palakad-lakad sa aking salas nang may mag-doorbell sa aking pinto. Sa pag-aakala na si Jane na ito ay mabilis kong binuksan ang pinto at agad na nadismaya nang makita si Jethro. “Tsk! Ganyan ba ang pagbawi mo sa tumulong sa iyo?” inis na tanong niya sa akin. Pumasok na siya sa aking bahay kahit na hindi ko pa siya pinapapasok. “What are you doing here, dude?” tanong ko nang umupo siya sa aking sofa sabay may linabas na dalawang USB at isang necklace na dyamante na kulay pula. Nagtaka naman akong napatingin sa kanya kung ano ang mga ito na bin

