Promises are not meant to be broken, they are meant to be kept and carried out, even after long years of waiting. GUSTUHIN ko mang sugudin ang matandang lalaking iyon dahil mukhang may binabalak siya kay Kreios ay hindi ko pa rin ginawa. Hindi ako ang sisira ng mga pangyayari sa buhay ni Kreios. Mahirap mang makita at masaksihan ang kung ano mang maaaring mangyari sa kanya sa mundong ito pero wala akong karapatang baguhin iyon. Nakarating na kami sa bahay nila Kreios. Hindi niya na ulit ako kinausap. Mukhang binabagabag pa rin siya ng kung ano mang pinag usapan nilang dalawa ni Trixy. “Kreios, nasabi na ba sa iyo ni Trixy na paalis na sila ngayon? Pumunta rito ang kanyang mga magulang para magpaalam.” Sabi ng nanay ni Kreios sa kanya. Matipid na tumango si Kreios bago pumasok sa isang k

