Chapter 1

2813 Words
The emptiness is eating me up and the sadness, it's drowning me. "MOM, sigurado ka bang magiging okay ka lang? Pwede naman akong hindi umalis ngayon." Napatingin ako kay Haze at matipid na ngumiti. Pinilit ko ang sarili kong maging matatag sa harap ng anak ko. Ayokong makita niya na hanggang ngayon ay nangungulila at hinahanap ko pa rin si Astrid. I still can't believe my daughter's dead. "I'm fine, Haze. You don't have to do that." Huminga ng malalim si Haze. Alam kong nararamdaman nya ang pagsisinungaling ko. I can't lie to him. Kagaya ni Kreios ay madali lang para kay Haze ang basahin ako. "I'm sorry, Mom." Natigilan ako nang humingi siya ng paumanhin sa akin. Bakit? "Wala akong nagawa para sa kapatid ko." Nagbadiya na sa aking mata ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak. Alam ko na hindi lang ako ang nahihirapan pero kahit anong gawin ko ay hindi ko kaya ang gusto ni Astrid para sa amin. "Live." How am I supposed to continue living if my daughter died right before me and I can't do anything to save her? It was all my fault. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Haze kaya niyakap ko rin siya. I see. I need to be strong para kay Haze at para kay Kreios. "Wala kang kasalanan, Haze." Tinapik ko ang likod niya bago kumalas sa yakap. He smiled at me bitterly. Nagpaalam na sa akin si Haze bago siya tuluyang umalis. Kailangan niyang pumunta ng ibang bansa para sa trabaho niya. Matapos naming ihatid si Haze sa airport ay dumiretso na kami ni Kreios sa bahay. Ilang taon na ang nakalipas nang mawala nalang bigla si Astrid at hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng pagkawala niya na para bang kahapon lang iyon nangyari. Kahit anong gawin ko ay hindi ko matanggap. Dumiretso agad ako sa kwarto namin nang makarating kami sa bahay. Hindi na ako nagpaalam pa kay Kreios dahil alam naman niya na iyon ang gagawin ko the moment na makarating kami dito. Wala naman kasi akong ibang ginagawa sa buhay ko simula nang mawala si Astrid kung hindi ang magkulong sa kwarto ko. May pagkakataon na naiirita at nagagalit ako kay Kreios dahil pakiramdam ko ay sobrang bilis niyang nakalimutan si Astrid, na para bang wala lang sa kanya na namatayan kami ng anak. Nakikita ko pa minsan na nagagawa niyang ngumiti. How can he smile so genuinely when our daughter died? Ni hindi ko man lang siya nakitang umiyak nang mamatay si Astrid. Wala bang halaga sa kanya si Astrid? "Hel," Nakahiga ako sa kama at nakatalikod sa kanya. Ayoko siyang kausapin dahil baka mailabas ko lang sa kanya lahat ng sama ng loob ko. Naramdaman kong umupo si Kreios sa kama pero hindi ko pa rin siya kinibo. Hinayaan ko lamang siya doon. Ipinikit ko nalang ang mata ko at nagpanggap na natutulog. "Anong bang problema? Bakit pati ako ay ayaw mong kausapin?" Nagtaka pa siya. Paano ko kakausapin ang isang taong parang hindi man lang nasaktan na nawala ang anak niya? Paano niya nagagawang mabuhay ng normal? Para bang para sa kanya namatay si Astrid tapos, tapos na. Humarap ako ay Kreios. Gusto niya akong magsalita, hindi ba? Okay, fine! I'm going to f*****g talk. "Bakit kinalimutan mo nalang si Astrid nang ganoong kadali? Bakit hindi ka man lang umiyak para sa kanya? Bakit Kreios? Bakit pakiramdam ko walang halaga sayo si Astrid? Na natanggap mo agad na wala na siya. Paano maging ganyan? Ituro mo naman sa akin, kasi ako, hirap na hirap pa rin sa nangyari noon." Nakita kong nagulat si Kreios sa mga salitang bintawan ko. Maging ako man ay nagulat din. Hindi ko alam bakit ko sinabi ang mga iyon sa kanya. Hindi naman kasi ako sanay na ganito, hindi ako sanay na masyado akong nasasaktan. Hindi ko tuloy alam paano i-handle ang sakit na nararamdaman ko. "Hel," huminga ng malalim si Kreios. "Mahalaga sa akin si Astrid. Nalungkot ako nang mawala siya sa atin pero ilang taon na rin ang nagdaan. Hindi naman pwedeng habang buhay akong magluksa. Kailangan kong maging matatag para sa inyo ni Haze." Tiningnan ko ng seryoso si Kreios. Naoffend ako sa narinig ko mula sa kanya. "Sana lahat katulad mo, 'no? Mabilis makalimot at mabilis magmove on o baka naman dahil hindi ganoong kaimportante sayo si Astrid kaya ang dali lang para sayo ang kalimutan siya? Sabagay, ni minsan nga ay hindi man lang kita nakitang umiyak para sa kanya—" "Hindi por que hindi ako umiyak sa harapan niyo ay hindi na ako nasaktan at nahirapan. Sa tingin mo ba ganoon kadali sa akin ang lahat, Hel? Humahanap lang ako ng pagkakapitan ko at kayo iyon ni Haze. Sa tingin mo ba sa tuwing mag isa ako ay hindi sumasagi sa isip ko si Astrid? Mas pinili kong hindi umiyak sa harapan niyo dahil alam kong mas manghihina ang loob niyo kung ni isa sa atin ay hindi magpapakatatag. Pinilit kong hindi lamunin nang nararamdaman ko dahil ayokong maulit iyong nangyari dati. Alam mo naman ang nagagawa ng mga emosyon na mayroon ako, hindi ba? Akala niyo lang hindi ako naapektuhan pero sa tuwing naaalala kong wala na ang anak ko satin, gumugunaw ang mundo ko." Tumigil saglit si Kreios bago umiling at dismayadong tumingin sa akin. "Akala ko naiintindihan mo ang lahat ng iyon. But I guess I was wrong. Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo." Tumayo na si Kreios. Iwas ang mga mata niya sa akin. Tila ayaw akong tingnan. "Iniisip ko lang din ang pamilya natin. Sa tingin mo ba matutuwa si Astrid kung pare-pareho tayong panghihinaan ng loob? The last thing she said is to live and I want to fulfill that for her. Sana ikaw din." Matapos sabihin iyon ni Kreios ay umalis na siya. Tinangka kong habulin si Kreios pero hindi ko na nagawa pa. Nanlumo ako dahil sa mga narinig mula sa kanya. I let my pain overcome me and I lose my s**t. Nasabi ko ang mga salitang iyon kay Kreios gayong alam kong hindi rin naman madali sa kanya ang lahat. Hindi na ako magtataka kung galit siya sa akin. Kami nalang ang mayroon kami at tama siya, paano na ang pamilya namin kung pare-pareho kaming magpapalamon sa sakit at lungkot. I admire Kreios for his scarifices. Alam kong ginawa lang din iyon para sa pamilya namin at para kay Haze. But me, I let my emotions eat me. Hinayaan kong dalhin ako ng sakit na nararamdaman ko to the point na nasabi ko ang masasakit na salitang iyon sa kanya. I am the worst, huh? HININTAY kong umuwi si Kreios pero hindi pa rin siya dumarating. Wala akong ideya sa kung nasaan siya ngayon at nag aalala na rin ako. Maghahating gabi na kasi ay hindi pa nakakabalik si Kreios. Kinuha ko nalang ang telepono at tinawagan si Theo dahil nagbabaka sakali ako na kasama niya si Kreios. "Theo," "Hi, Hel. Kung si Kreios ang hinahanap mo ay kasama ko siya ngayon. Ayaw pa rin kasi niyang umuwi, eh. May problema ba kayo? Nag away kayo?" Napabuntong hininga ako. "Yes," at alam kong kasalanan ko. "I see. Ako na ang bahala sa kanya. Ihahatid ko nalang siya sa inyo mamaya kapag kumalma na siya. Magpahinga ka na." "Okay. Thanks, Theo. Ingat nalang." May kakaiba kasi akong nararamdaman. Biglaan kasing bumigat ang pakiramdam ko. Sa katunayan niyan, simula nang mangyari ang insidente ng Bodhisattva Eye ay nagsimula na akong makaramdam ng kakaiba sa paligid. Hindi ko pa masabi kung may ibig bang sabihin iyon o napaparanoid lang ako. Pumasok na akong muli sa loob ng kwarto namin ni Kreios. Sobrang tahimik sa bahay. Mabuti pa nga nang naandito pa si Haze, kahit papaano ay may kasama ako kapag wala sa bahay si Kreios. Kung dati ay sanay akong mag isa, ngayon ay hindi ko na ata kayang mapag isa. Umupo ako sa kama at napatingin sa isang picture frame sa may side table. Naalala kong ibinigay ito sa akin ni Luca bago kami umalis sa Mystique Academy noon. Ang sabi niya pa ay balak daw ni Astrid na ibigay ito sa amin pero hindi niya rin agad naibigay. Nahirapan pa nga daw maghanap si Astrid ng litrato naming mag anak. Kinuha ko ito at muling tinitigan. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat sa dati. Mahigpit ko itong niyakap at muling naiyak. Gusto kong makita ulit si Astrid pero alam kong imposible itong kagaustuhan ko. Hindi naman kasi siya napunta sa Helheim o sa Valhalla. Ni hindi nga namin sigurado kung talagang patay na siya o naglaho lang. "Hel," Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Nilingon ko ang paligid at iniikot ikot ang paningin ko sa buong kwarto pero wala akong makitang ibang tao dito na pwedeng pagmulan ng boses na iyon. Hindi ko tuloy alam kung ako lang ba iyon o talagang may tumawag ng pangalan ko. Napailing ako at ipinatong na ang picture frame sa side table. "Guni-guni ko lang siguro iyon." Sabi ko sa sarili bago ako mahiga sa kama. Nang ipikit ko ang mga mata ko ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Ang bigat ng katawan ko. Nakapikit ang mga mata ko pero gising ang diwa ko. "Hel, let's play a game. Let me bring you to the past but this time, it will be tragic." Theo's Point of View "KREIOS, umuwi na tayo. Naghihintay sayo si Hel." Kanina ko pa siya pinipilit na umuwi lalo na't alam ko rin na mag isa ngayon si Hel sa bahay dahil wala si Haze pero ayaw niya. Hindi na naman siya umiinom at nilalaro nalang iyong baso niya na may lamang yelo. Hindi rin naman siya mukhang lasing. Hindi ko alam kung anong nangyari at nag away sila ni Hel pero ano mang rason mayroon siya, kailangan niya pa ring umuwi. Hindi ako kinausap ni Kreios at nakatingin lamang sa basong nilalaro niya. Napasapok ako sa noo ko. "Tingnan mo itong lalaking 'to. Kung may problema kayo ni Hel, hindi ba dapat ay nasa bahay ka at kinakausap mo siya? Hindi iyong naandito ka at nagmumukmok. Dapat ay inaayos niyong dalawa ang hindi niyo pagkakaintindihan." Kaya minsan iniisip ko na ayokong mag asawa. Para kasing ang hirap. Kaunting hindi pagkakaintindihan ay magkakaganito ka na. Hindi ko nga alam bakit sumama ako sa kanya. Ni hindi ko naisip na sa inuman niya ako yayayain kanina. Hinayaan ko nalang na tumulala si Kreios at manahimik sa tabi. Alam ko naman ang pinagdadaanan niya at naiintindihan ko iyon. Iginala ko nalang ang paningin ko nang mahagip ng mga mata ko si Luca. "Luca!" Agad na tawag ko sa kanya nang makita ko siya. Ang tagal ko rin atang hindi nakita ang isang ito. Sabagay, bukod sa pamilya ni Hel at Kreios ay isa si Luca sa pinaka apektado sa pagkawala ni Astrid. Tumingin sa direksyon namin si Luca at nang makita niya kami ay matipid siyang ngumiti bago lumapit sa kinaroroonan namin. "Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko sa kanya. "May kinausap lang ako." Matipid na sagot niya. "Kayo ba? Anong ginagawa niyo ni Kreios dito? Bakit ganito ang itsura niyan?" Napagiti ako. Buti pa si Luca. Kahit papaano ay makikita mong umaayos na ang lagay niya unlike noong unang araw na mawala si Astrid. Ni hindi mo talaga siya makausap. Ayaw niya pa ngang umalis sa lugar na iyon dahil ang sabi niya ay baka daw bumalik si Astrid. Halata mang nahihirapan pa rin siya ay makikita mo naman na may improvement na sa kanya. Hopefully. "Ayan, nag away sila ni Hel." Nilingon ko si Kreios. Mukha pa ring wala sa sarili si gago. Sa tingin ko nga ay hindi niya pa alam na naandito si Luca. Tumango si Luca sa sinabi ko. "Dahil na naman ba kay..." natigilan si Luca sa pagsasalita niya. Halatang hindi kayang banggitin ang pangalan ni Astrid. Sa tingin ko ay nahihirapan pa rin siya hanggang ngayon. Lahat naman kami, eh. Minsan nga akala ko ay nanaginip lamang kami. Matipid kong nginitian si Luca bago tapikin ang balikat. "Luca, I know. If you can't still talk about her, don't push yourself." Tumungo si Luca bago umiling. "You know what?" Tumigil siya saglit bago mag angat ng mukha at malungkot na ngumiti sa akin. "I'm still hoping..." "Hoping?" Anong ibig niyang sabihin? "That she's still alive." Bumigat ang aking nararamdaman dahil sa sinabi ni Luca. I see, sa tingin ko ay mali ako. Sa likod ng mga ekspresyong iyon ni Luca ay nakatago ang tunay niyang nararamdaman. He's not okay at kagaya lang nila Hel ay hindi niya pa rin matanggap. Umaasa siya na sana buhay pa si Astrid kahit alam nilang imposible. "Luca, alam naman natin imposibleng mangyari iyan—" "Alam ko." Halos pumiyok ang kanyang boses. "Alam kong tinapos ni Hunter ang buhay nilang dalawa pero masisisi niyo ba ako kung mag isip ako ng ganoon? Kung umaasa pa rin ako na baka pwedeng mangyari iyon. Hindi natin nakita kung talagang nawalan ng buhay si Astrid. Bigla nalang siyang naglaho, hindi ba? Iniisip ko kasi, baka sakaling buhay pa pala siya at hindi talaga siya namatay ng mga oras na iyon. Maybe she's just somewhere...somewhere we can't reach." "I'm also thinking the same thing." Napatingin kaming dalawa kay Kreios nang bigla itong magsalita. Nakasubsob na ang mukha nito sa lamesa pero hawak niya pa rin ang baso niya. "Paano pala kung buhay pa ang anak ko? I mean, wala pa naman tayong nakikitang katawan niya, hindi ba? Ayokong maniwala hangga't wala akong bangkay ng anak ko na inililibing." Napalibutan kami ng katahimikan. Gusto ko rin namang umasa kagaya nila pero mas mahihirapan kami kung lahat kami kakapit sa pag asang imposible namang mangyari. "Okay lang sa akin kung si Hunter ang pipiliin niya. Matatanggap ko kung sasabihin niya sa akin na si Hunter ang gusto niya. Basta ang mahalaga sa akin ay nakikita kong buhay at masaya siya. Hindi iyong ganito." Nagulat ako nang itakip ni Luca ang braso niya sa mata niya. Ayaw niya sigurong ipakita sa amin na umiiyak siya. "Akala siguro ng ibang tao ay wala akong pakealam at hindi ako nasaktan nang bigla nalang mawala ang anak ko dahil hindi ako umiyak sa harapan nila pero ang totoo niyan, simula nang mawala si Astrid, walang humpay ang pag iyak at pangungulila ko. Umaalis pa nga ako ng kwarto para lang hindi marinig iyon ni Hel dahil alam ko na mas mahihirapan siya kapag nakita niyang nagkakaganoon ako. Sobrang sakit. Sobrang hirap tanggaping makitang mawala ang sarili mong anak sa harapan mo pero wala kang magawa kung hindi ang manood." Biglang nabasag ang basong hawak ni Kreios. Narinig ko ang marahan pero malungkot na pagtawa ni Kreios. Hindi ko akalain na makikita ko siyang magkaganito. Ganoon pa man ay hindi ko talaga siya masisisi. "Mas pinili ko lang naman na hindi umiyak at malungkot sa harapan nila dahil ayokong mas mahirapan sila. Ako ang padre de familia, kaya ako na ang nagpakatatag para sa kanila. Kung pare-pareho kaming lalamunin ng nararamdaman namin, paano na ang pamilyang mayroon kami? But Hel...hindi ko akalain na ganoon pala ang iniisip niya." Napabuntong hininga nalang ako. Para sa akin ay sobrang tatag ni Kreios. Hindi niya ipinakita sa iba lalo na sa pamilya niya na nahihirapan din siya dahil ayaw niyang panghinaan ng loob ang mga ito. Ayaw niyang mas mahirapan sila Hel—kaming lahat. Kaya in our stead, mas pinili niyang lakasan ang loob niya kahit na kaunti nalang ay bibigay na rin siya. Hindi ko alam kung paano ko sila tutulungan, kung paano ko pagagaanin ang mga nararamdaman nila. Naalala ko pa ang mga sinabi sa amin ni Dalia noon: "Ang kaya ko lang ay gamutin ang mga sugat na natamo niyo sa pakikipaglaban pero ang sakit na nararamdaman ng mga puso niyo, it's out of my reach. Wala akong kakayahang gamutin ang mga pusok nawasak at nasasaktan dahil sa pangungulila. Only you can heal and help yourself" "MAAYOS na ba ang nararamdaman niyong dalawa?" Tumango sila habang inaalalayan. Pumayag na rin kasi si Kreios na umuwi. "Mauna na ako sa inyo." Paalam sa akin ni Luca. Agad ko siyang tiningnan at pinigilan. "Sigurado ka bang kaya mong mag isa? Pwede ka namang sumabay sa amin ni Kreios." Ewan ko ba naman sa mga ito. Pakiramdam ko ay may kasama akong anak na dalawang broken-hearted. "Hindi na. Salamat nalang. Mag ingat kayo." Matapos niyang sabihin iyon ay nauna nang umalis si Luca. Hinayaan ko nalang siya dahil hindi rin naman ata siya magpapapilit. Inalalayan ko nalang si Kreios papunta sa kotse kung saan ko ipinark ang kotse ko. Bubuksan ko palang sana iyong pintuan ng kotse nang mahulog iyong susi. Bwisit. Kapag minamalas ka nga naman oh. "Kreios, umayos ka nga ng tayo. Huwag kang sumandal sa akin. Ang bigat mo. Nahihirapan akong magbukas ng pintuan. Huwag kang umarteng lasing dahil pareho nating alam na hindi." Suway ko sa kanya. Kita niyo na? Para talaga anak ko itong kasama ko. Dinampot ko na iyong susi nang bigla siyang tumayo ng tuwid at tila ba may pinagmamasdan sa malayo. Kinuha ko muna ang susi bago tumingin kay Kreios. "Kreios, may problema ba—" napatigil ako nang makita ko kung anong tinitingnan ni Kreios. Nagulat nalang ako dahil uni-unti na pala kaming nilalamon ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD