The painful part of a good dream is waking up, feeling empty and lonely, realizing that it’s far from being the reality. “TAMA ang hinala ko, Hel, realizing, and admitting your true feelings will break Spade’s curse.” Gusto kong abutin si Kreios, gusto kong mahawakan ulit siya pero pakiramdam ko ay ang layo niya sa akin. Pakiramdam ko ay hindi kaya ng kamay kong abutin ang kinaroroonan niya. Ang labo ni Kreios, hindi ko siya maaninag ng maayos. He seems near yet so far. “Hel, after waking up, please…” “I’m sorry for breaking my promise. I have to let go of your hands.” Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Hindi ba dapat masaya siya? Bakit…bakit ang lungkot ng mga mata ni Kreios? “Please forget about me. I love you.” Sa hindi malamang dahilan ay tumulo ang aking mga luha. Nawala

