Sabrina's P.O.V. Ito ang unang beses na nalasing ako sa buong buhay ko.Nagyaya kasi si Starla at Kikimora na mag NightClub sa isang Exclusive Bar. Pumayag ako dahil malungkot ako sa pagkabigong makita si Papi Enzo sa Opening ng kanyang Mall. Mga mayayaman lang daw ang nakakapasok dito, pero nakapasok kami dahil kay Starla. May Sugar daddy pala itong si Starla at kaibigan daw ng Sugar Daddy niya ang may-ari ng Bar. Hindi ako naniniwala, pero nakapasok talaga kami, pero itong si Kikimora baliktad talaga ang utak dahil pinasuot kami ng Half Maskara para daw maging misteryosang babae kami sa loob ng isang Wild na gabi. Gusto akong ipasuot ng sexy dress ni Kikimora at Starla, pero hindi ako pumayag kaya mahabang palda at blouse na lang ang sinuot ko dahil sa ganoong kasuotan ako comfortable

