Sabrina's P.O.V. Kinabukasan, Araw ng kasal namin ni Dadi Enzo. Simple lang ang aming beach wedding. Tanging mga kaibigan ko, pamilya, at iilang bodyguards at malalapit na kaibigan ni Daddy Enzo mula sa Bicol ang imbitado. Hindi alam ng karamihan na ngayon ang araw ng kasal namin ni Daddy dahil siguradong magiging magulo, lalo na kung malalaman ito ng impakta kong soon-to-be mother-in-law. Ang ganda ng panahon. Ang linis ng dalampasigan. Puting-puti ang buhangin, kulay asul ang dagat, at ang sarap ng simoy ng hangin. Napakasimple ng wedding setup: mga bulaklak na puti, kahoy na upuan, at kurtinang sumasayaw sa ihip ng hangin. Suot ko ang simpleng puting A-line beach wedding gown na may laylayan na dahan-dahang humahaplos sa buhangin. Si Daddy Enzo naman, elegante sa kanyang itim

